Ang buhay natin puno ng desisyon. Anong isusuot ko bukas? Anong sasabihin ko sa kanya? Anong lulutuin ko? Saan ako magsisimula? Malaki man o maliit kailangang pag-isipan. Hindi mawawala ang mga katanungan at kalituhan at ang maling desisyon natin ang magdadala sa maling resulta. char lang haha masyadong seryoso may narinig akong linya, sabi nya "hindi pagsasayang ng oras sa taong mahal mo" dun pumasok sa isip ko yung tanong na "mahal ko o mahal ako?" haha pamilyar ba yungβ¦
@Zzylith in October 2022
may nakikita akong noise.app para san po yun?
First time kong gumawa sa ibispaint. Explore pa more at pag-aralan ang mga tools π #digitalArt
First time kong gumawa ng art sa ibispaint. Di ako pro ha π nagtatry lang po ako sa mga apps. Dami naman tuts sa yt e π. Aaralin ko pa ung ibang tools nito, mukha naman nakaka enjoy π
Dumating kagabi pamangkin ko at nakita niyang nakaopen ang ibispaint ko at pinterest. Napansin nyang may kinokopya ako kaya nanghiram sya at nagtry kaya naman pinakita ko yung gawa ko. Diba sa ibispaint matik na narerecord ung pagdodrawing mo so pinakita ko ung video at namangha sya haha. Ginaya nya at tinuruan ko ng mga gagawin..kaso haha tinuloy nya yung una niyang ginagawa, di ko alam kung ano dinodrawing nya. Ps. Pasensya na sa magulong mesa π nagdodrawing din kasi sisβ¦
Masakit ang ulo ko at mejo inaantok na pero inutusan akong bumili ng lulutuin ngayong gabi kaya lumabas ako kasama ni sis at nasaksihan ko ang kagandahan ng kalangitan π₯° ganda talaga ng sunset nu? minus sa mga kable ah π pero bonus yung rainbow. Buti na lang lumabas ako. Di ko makuhanan ng maayos yung rainbow kasi nasa kalsada kami haha π nagpaikut-ikot kami sa labas kasi palaging may padagdag na utos π
Good morning po sa lahat at happy Monday. may nasali po ba sa Binance WODL dito?
Salamat sa barya, Binance π₯°. Kahit barya lang yan, pag maipon makakabuo ka rin. Nakakatuwa lang kasi magsasagot ka lang sa word puzzle nila π
Nagpapaka-ina ako nitong mga nakaraang araw π masyado akong busy hindi lang sa work kundi pati sa bahay at sa pamangkin ko. Dahil may sakit nanay ko kaya ako halos nakilos sa kusina. Magpause sa work para magluto at magsundo sa bata tas sa hapon pause ulit para magpakabusy ulit sa kusina. At ngayon natagalan sa break dahil nireview ang pamangkin dahil periodical exam na nila bukas. Tinuruan ko sya ng science sa paraang pinakasimple at madaling matandaan at nakuha naman nyaβ¦
Tara inom tayo ng Milo na kulay pink π π joke lang po. Collagen drink yan strawberry flavor. Mas gusto ko siyang inumin ng mainit kesa malamig tska gusto ko sa gabi hehe. Inom habang tinatapos ang natitirang oras sa work.
Maraming salamat π₯° Hindi ko pa rin alam pano sa kabila, basta nagpopost lang ako, comment at like. Di ko alam san galing to kung sa app or sa ibang users pero thank you po ng marami π At sa mga wala pa, invite ko rin po kau https://noise.app/invite/3edenmiv
May nangyari sakin ngayon lang at buti na lang di ganun kalakihan. May game notif kasi sa cp ko kaya inopen ko kaso ang problema naging laggy ung app kaya mali mga napindot ko. Nagkataong lumabas yung payment na 60php at aksidenteng naclick ko sya. Nagulat ako nung biglang may gcash notif na nabawasan nga laman ng wallet. Mabuti na lang talaga at P60 lang sya kundi yari ako π πΆπ kaya inunlink ko na ung gcash sa playstore acct ko. Kaya sa mga nakakonek jan mag-ingat na lang poβ¦
Kahapon lumabas kami ni sis at nagpunta kami sa mini mall. Nakita namin tong mga lamesa at may event pala - on the spot poster making. Welcome daw ang guests or participants. Sabi ko sa sis ko sali kami π pero syempre mema lang yun haha. Sabi ko pa sakto yung pagpunta namin dun pero di nama yun ang sinadya namin haha. Hindi ko lang alam if maraming nagparticipate kasi sa taas na floor yung mga students busy sa arcade at kain π
So eto na ang usapang crush. Kanina nagchat ung teacher ng pamangkin ko sa gc nila, sabi sa Nov 2 na ang balik ng mga bata. Nagreact pamangkin ko "hala! di ko makikita si (name - crush nya)" π Sumagot ako, alalahanin mo ung magiging result ng exam mo hindi si crush, sumagot ulit, "madali lang naman yung exam e" π€πlakas e nu. Magkakaalaman next week π natawa lang ako sa post ng poging Gov namin ahaha nauna kasi Gov nyo e @euaio π
Kumain na po ba kayo? Maulan kaya mainit na soup ang masarap kainin ngayon kaya nagluto ako ng sopas. Gusto ko sana damihan ng paminta kaso alam kong may mag critic na naman eh, sasabihin "anong klaseng luto to? Ang daming itim!" π π At maanghang din pag maparami baka di makakain ang mga anakis ko haha.
Dalawang beses nag alert to. Nagulat ako sa unang alert haha kasi di naman ako taga doon. San ba talaga ako nakatira? π Sa ngaun mejo nalakas ang hangin at ulan. Ingat po ang lahat ng dadaanan ni pareng Paeng. Mang-Trick or treat daw sya sa mga bahay natin π Keep safe all. Bawal magkasakit π
Data mode: On Nawala na ang internet at nagpatay-sindi na rin ang kuryente. Sarap matulog sa ganitong kalamig na panahon kaso hirap din makatulog dahil malakas ang hangin. Nakakatakot haha π Ingat pa rin ang lahat kahit nakadaan na ang bagyo sa inyo kasi malaki sakop ng bagyo at marami na rin binaha.
Sunday ngayon at dapat nasa church kami kaso kagabi may update sila na pinasok na ng tubig kasi sa Laguna yun kaya ngayon maagang nagpunta ang iba doon para maglinis. Sinundo sila bunso at kuya ko dito kanina para tumulong dun, di na ako sumama kasi dami din namin lilinisin dito dahil basang-basa din kusina namin. Habang naglilinis sis ko, ako naman nagluto nag pansit para pag maglunch e nakaready na. Nagmamadali na rin kaming maglinis kasi dumilim kanina at eto naulan naβ¦
Kahapon nagpunta kami ng Laguna at grabe ang putik. Yung mga tao busy pa sa paglilinis. Yung ilog naman maputik pa at mejo malakas pa ang agos - nakakatakot. Sa church namin kitang-kita sa pader kung gang saan kataas ang tubig dahil sa marka. Kinumusta namin ang lagay ng mga kaibigan naming nakatira sa looban. Sabi nila nung gabi daw abot dibdib na yung tubig pero dun sa pinakalooban pa malapit sa ilog ay lagpas tao na at nag-akyatan na sila sa bubong. Kwento pa nya maramingβ¦
Watching balita. Grabe talaga naranasan ng mga kababayan natin π’ Kwento nung tatay, itinali niya sarili nya, asawa at anak nya sa puno pero naanod ang 9 mos baby nya π. Tapos yung mga pamilyang nadaganan ng putik, nahukay lang daw sya ng kuya nya akala na patay na sya. Hindi pa tayo tapos dahil sa nagbabadyang LPA. Ipagpray natin na lumihis ito o matunaw at di na makadagdag pa.
Tatag ng kamias ni mader, di nahulog kahit binayo ng bagyo dito hehe. Siguro malakas kapit nila sa puno nung malakas yung hangin o baka magaling sila umiwas kay Paeng π yung bubong nga namin natanggal sa kapit e pero sila πͺ