Paano ko Pinapatakbo Ang Buhay Ko

15 33
  • Sa artikulong ito ay Tagalog version muna tayo dahil ang aking utak ay hind gaano gumagana ng maayus sa kadahilanang na tuyot sa kaka solve Ng mga math problems simula kaning Umaga Ng una Kong subject hangang ngayung pangalawang subject... HAHAHAH.

So ang topic natin ngayon na aking ikwekwento ay buhay na meron ako at kung papaano ko ito nilalampasa araw araw at pinipiling masaya sa bawat gising ng aking buhay.

Nag sisimula Ang lahat sa pag gising ko sa Umaga, gumigising ako ng 5am in the morning ngunit hind agad agad ako ay gumagawa ng mga kailangan Kong Gawin, nag mumuni Muni muna ako Ng 30minutes bago ako mag hilamos dapat nakaka sora ng mata ang pag hihilamos agad agad pag gising palang kaya Ang ginagawa ko iminumulat ko muna ako mga mata ko sa loob Ng tatlumpong minuto.

Pag ka tapos Ng tatlumpong minuto ay kinukuha ko naman ang aking cellphone para makibalita sa mga balita na makikita ko sa aking feed at Isa narin binubugsak ko sa Umaga ay itong read.cash para mag basa muna ng isang artikulo bago bumangon.

Naka lipas na muli ang tatlumpong minuto at exactly 6:00 na nang Umaga sa ganuong oras naman ay bumabangon na ako para simulan Ang mga Gawain ko at dahil narin may roon akong unang klase sa Umaga. Pag ka tapos ko mag hilamos lumalabas ako ng aming Bahay para mag ihersisyo sa loob Ng tatlumpong minuto.

Pag ka tapos Ng tatlumpong minutong pag ihersisyo pumasok na muli ako sa aming tirahan para Naman mag asiko dahil mag 7:30 am Ang start Ng aking klase.

At sa ganap na nga Ng 7:30am nasa kwarto na ako para mag klase unang asignaturang aking aaralin, at habang nag klaklase ako minsan sinasabay Kona Rin Ang pag susulat Ng aking artikulong ipapublish para sa araw na iyon dahil kaya ko Naman pag sabayin.

Nag tataka kayu kung bakit hind pa ako mag hahanda ng almusal ko panihirado.. hahaha, wag kayung mag alala dahil ang aking inay Ang hahanda ng aking almusal at kapag handa na ito at tinatawag Niya ako para kunin ito at para may laman Ang tiyan habang nag klaklase at nag susulat ng artikulo.

Minsan maaga natatapos Ang aking klase Kayat ginagawa ko bumababa ako sa aming building para mag pahangin sa ilalim Ng mga puno at para makapag isip isip narin mga susunod Kong gagawin ngunit minsan may mga propesor akong nag oovertime dahil masyado Silang nasisiyahan sa pagtuturo... Hahahaha.

Pag dating Naman sa tanghali siyempre gaya niyong lahat kumakain na ako HAHAHAHA Ng pang tanghalian ko, at pag dating Naman ng 1pm ay nag sisimula na muli ang aking ikalawang klase, may kwento ako dito guys kapag hahaha alam niyo bang kaya Kong mag online class habang naliligo hahaha ilang beses Kona yan ginagawa wahahhaa. Minsan nga sabay pa kami Ng kaklase ko maligo sabay chat kami sa isat isa na tapos nako maligo then send Ng mirror picture na nakatuwalya kami sa chat box naming dalawa hahaha.

Pag ka tapos Naman Ng aking klase minsan 4:30 out Kona or 5:30 ganyan ay ipupublish kona ang article na aking ginawa and then mag babasa ako Ng mga random article dito sa read.cash and siyempre reply din sa mga comments sa article ko and comment to your comments den.

After that pumupunta ako sa Bahay ng aking kaibigan dito lang sa malapit para naman maglaro ng Mobile Legends (ML) hangang sa oras Ng 8pm Ng Gabi at lagi ko iyon ginagawa grind ng grind dahil ang buhay hind dapat sinasayang sa maling Gawain, Ang sinasabi kolang Gawin nating makabuluhan Ang buhay nating lahat.

Naging routine ko ito sa loob ng isang buwan sa katotohanan mag iisang buwan na bukas na ito Ang aking daily routine at may mga Plano ako na babaguhin pag katapos Ng dalawang buwan. Ang gustu ko lang sabihin ay hindi dito mag tatagal Ang aking buhay na aking ginagawa.

Masyado na akong maraming sinasabi hahaha Wala namang kabuluhan pasensya na kayo guys, gustu ko lamang ibahagi ang aking buhay na aking hinaharap at kung papaano kapatakbo sa sarili Kong mga kamay.

P.S. Laban lang dahil ang buhay ay sadyang mapanakit sa mundong ating kinagagalawan.

Lead Image ay nag mula sa: Unsplash.com

Petsa 04, 2022
Biyernes
Author: Zony

@Zony

6
$ 0.41
$ 0.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Ayane-chan
$ 0.02 from @GarrethGrey07
+ 1
Sponsors of Zony
empty
empty
empty

Comments

Kala ko lahat ng laman ng red cash ay English kase kada scroll ko English lahat nakikita ko.ngayun lang Ako nakakita na may Tagalog Pala na article dito sa red cash.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha marami dito wahaha explore kapa d lang ako Ang nag tatagalog kapag bored mag English🤣

$ 0.00
2 years ago

Bago pa kase Ako dito sa red cash Kaya Ikaw pa Yung unang nakita kung nag Tagalog dito but I like your article.

$ 0.00
2 years ago

Explore lang Ng explore buddy☺️

$ 0.00
2 years ago

Buti na lang at may nagtatagalog. kala ko di pwede tagalog. Ang hirap mag english pero at least na iimprove ko na english ko dahil dito.

$ 0.00
2 years ago

Saaammee buddy wahaha kahit ako nag kakaroon Ng improvements wahaha pero Wala eh na stress Kasi ako kanina sa mga subs ko huhuhu kaya napatagalog muna me now wahsha

$ 0.00
2 years ago

Parang relate aq nito, ang hirap mag English, mga wrong grammar pang ibang mga sinusulat ko,ahahha.

$ 0.00
2 years ago

Praktis lang Ng praktis buddy like me wahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahahaa, kaya nga ehhh, practice means perfect 😝

$ 0.00
2 years ago

Minsan na din akong nagsulat ng Tagalog na artikulo, nawewendang na kasi ako sa kaka English 🤣

$ 0.00
2 years ago

Na stress Kasi ako ma'am wahaha Mula kaning Umaga math problems kami hangang ngayung hapon wahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ganyan na ganyan din yung routine ko noon zony. Ang sarap sa pakiramdam na paggising mo maligo ka nalang at yung mga mom na natin maghanda ng pagkain natin. Ganyan na ganyan si mama noon. Na miss ko yung mga araw na yun zony. Ingat ka palagi.

$ 0.00
2 years ago

Woop naka limutan ko kung anong oras ako naliligo wahahaha btw naliligo ako after Ng first class ko ma'am ah wahshaha and thank you ma'am ikaw din po

$ 0.00
2 years ago

Hehe bakit after class zony? 😁 You're welcome. ❤️

$ 0.00
2 years ago

Para Po fresh sa next sub wahahah

$ 0.00
2 years ago