Isa sa pinakamagandang napuntahan ko at ng aking pamilya ay ang Minalungao, Nueva Ecija. Ito ay kilala sa tawag na National Park. Munisipalidad ng General Tinio, Nueva Ecija. Sobrang nakakaakit ang lugar na iyon at sobrang dami ng turista dito.
Ang balsa ang nag sisilbing sasakyan upang makarating sa ilog kung saan napakalinis at hindi malamig ang tubig dito. Maliban din sa ilog, madalas din puntahan ang mga kuweba. Isang magandang lugar na mapapaulit ka sa pag punta.
Masasabi ko din na isa itong adventure para sa aming pamilya, nakasama pa ang mga kaibigan at ito ay isang masayang karanasan sa aking buhay.
Ang sarap maligo dito, sa loob ng 4 na oras ay sulit na sulit talaga ang pag punta. At sa halagang 800 pesos, inupahan namin ang balsa. Pati na din ang aking anak na babae ay sobrang nag enjoy din sa pag langoy dito.
Halos lahat ng tao doon ay bakas ang ngiti sa kanilang labi, syempre ako at ang aking pamilya.
Ito ay hindi makakalimutang karanasan sa aking buhay😍 ang makasama ang aking pamilya at masayang pakikisama ng buong oras.
Masasabi ko na hindi lahat ng bagay ay madadaan sa salapi. Minsan maranasan mo din ang maging masaya, tiyak magiging kuntento ka😍😍😍.
Itong Malinongao malapit lang ba to sa Cuyapo? dati kasi sa Cuyapo ako nagtrabaho. Ang sarap sigurong mamasyal jan.