0
24
Minsan nawawala ako sa sarili ko, sa kakaisip sa kung ano ano, bakit nag bago ako sa mga taong naging parte ng buhay ko ? Mahirap din palang maging isang ina, nandun na lahat ng sakit na mararamdaman ko yung tipo bang ako lang din ang makakatulong sa sarili ko sa mga problemang kinakaharap ko. Yung pakiramdam ko na wala akong kakampi pero kinakaya ko parin dahil alam kong ganun talaga ang buhay. Dati rati wala nung dalaga pa ako wala akong ibang iniisip kundi ang mag aral, kumain at matulog lang, samantalang ngayon pera, pamilya, gastusin sa bahay ang iniisip.
Ang hirap...daming pwedeng gawin pero pag naiistress ako nag babago talaga ang ugali ko kesa noon. Hindi ako nag sisisi pero napapaisip ako, nawalan ako ng kaibigan.