Ito talaga sinasabi ko sa partner ko lagi na iwasan niya ung yosi at alak kasi malaki talaga maiipon namin, imagine kahit 3,000 per month lang ung ma save namin dahil sa yosi niya instant 36,000 in a year na sana. Eh ilang years na siya may bisyo edi sana may bahay na kami no, hahaha kaso ang tigas ng ulo ayaw talaga makinig sakin lahat na ng sermon ginawa ko, lahat ng pakiusap ayaw pa din sumunod kaya sabi ko sa kanya pag siya nagkasakit dahil sa yosi niya hinding hindi ko siya aalagaan kasi hindi ako nagkulang ng paalala sa kanya kaya ginusto niya yan. Hays Na trauma na kasi ako kay lolo na dahil sa yosi nakailang beses na ng suka ng dugo, tumigil lang siya ng kakayosi nung pang 4 na kasi sabi ng doctor baka hindi kayanin ng katawan niya kaya 7years na si lolo hindi nag yoyosi negative na ung xray niya ta Tb as in clear na pero hanggang ngaun hindi talaga maubos ubos ung plema niya kasi dumikit na ung nicotine sa baga niya kaya kahit anong gamot hindi na talaga mawala at aun ang ayaw ko mangyari sa partner ko kaso ano magagawa ko, hays Photo from facebook
56 comments
Ay grabe naman yan napakadami. Oo nga naman bakit paba mag yusi pwede naman iponin nakakaramindin
Stress reliever daw ung yosi eh, hays
Ay ndi totoo yan, kahit ako ndi napasok sa mga ganyan. Sakit lang dulot.
Not all pero mostly lalo na kung stressful ung work. Sa call center kasi partner ko kaya ganon
Ahh call center pala soo it means shifting yung schedule niya nako
Oo shifting iba iba sched per week
Hirap naman yun. Nako.
Tama ka jan sis sana iwasan na niya ang yosi sayang din ang pera
Sinabi mo pa sis, mahal na din yosi ngaun eh hays sana matauhan partner ko
Tama sis, sabi kasi nila mahirap daw talaga yan iwan pag na adik na, pero pag gustuhin din daw talaga ng isang tao mag bago at mag stop, kaya naman daw unti unti hanggang sa maiwan na niya.
Oo sis depende pa din talaga kung gugustuhin kaso mukhang ayaw ng partner ko iwan baka mas una niya pa ako iwan hahaha
Hindi natin maiwasan mag alala ng ganyan sis. Pero sige lang, wag susuko sa pagpaalala sa kanya sis, si hubby ko lagi ko tinatalakan na ugaliing mag inom ng tubig kasi wala kaming pera pang bayad hospital hihihi. Hindi sya nag yusi or inom alak sis, ang bisyo nya lang ay online game pero hinahayaan ko lang kasi farmer online seller sya sa laro nya eh nagkaka pera din hihihi nakakatulong kaya go lang wag lang mag babad na doon palagi need pa rin i balance hihihi.
c lip ko naiinis ako mayat maya yosi malboro pa hai naku . paisa isa pa kung bumuli pag kaha wala half day ubos un
Sakit sa bulsa sis no haya kaso wala naman tayo magagawa ayaw nila tumigil
kesa dw bato bato pic na alm mo n hahaha aun nlng raw kaso kc kawawa atay nila e
Ano ung bato bato pic? Hahaha kaya nga kawawa talaga
tukhang ba hahahaha basta ung anu kesa nga nmn un ibisyo kaso nga pwde nmn wla kaloka hahaha wla hnd mapipigilan
Kaloka binigyan ka pa ng option, hahaha kaya nga pwede naman wala
sila n dpt makaisip nun sa self nila ahhaha
Mamamasko po ninang!!?
Ay hello inaanak, malayo pa pasko hahaha
Hahaha sige sa pasko nalang para totoo na yung mga coins na naipon hehe
Hahaha may utang na agad ako
Mahirap kasi na yan sis pag nasanay pero sana sa hubby mo itigil na or paunti-unti tigil naku ang hirap mag kasakit. Di naman nagkasakit ang hubby ko niyan pero isa sya sa tinamaan ng TB dahil siya ay na second smoke nahawa lang din ng naninigarilyo na may TB. Ang mahal maospital..sa totoo lang.
Hay naku sis napapagod na ako kaka explain para na akong sirang plaka ayaw makinig, makikinig siguro pag nagkasakit na. Hays totoo mahal talaga magkasakit sa gamot palang
Asawa ko walang bisyo. Hindi naninigarilyo hindi rin uminom . Mahilig lang sa volleyball at basketball haha
Ay sana all sis, ang swerte mo
Ang laki talaga maipon sis ang mahal na ng sigarilyo at all ngayon. Wala talagang maidulot na maganda ang bisyo Kaya naman kontrolin Kung gustuhin.
Kaya nga sis kaso ano magagawa ko ayaw niya din makinig, sana nga eh ban nalang yan sakit lang dulot eh
Dapat itigil na niya ang paninigarilyo
How i wish, kaso ayaw niya talaga
Yon talaga ang Mahirap pakawalan na bisyo nakabuslot pa ng bulsa nagkakasakit pa yan lalo na sa mga bata.
Kaya nga, minsan lang naman siya dito umuwi samin at pag nagyoyosi nagtatago siya sa likod ng bahay alam niya kasi na ayaw ko talaga sa usok
Sayang nga pera tapos yabg 36k pwedenipasok sa mp2 mas tutubo pa. Haay
Ay sinabi mo pa, hays
Pwede pa nmn kamo bigay nlng sukli sayo haha or ubligahan mo nlng na magbigay ng tig 20 syo haha parang toll gate lolz
Naku, kahot saan may pasaway sis dami nang nasunog na baga dahil sa yosi na yan
Oo sis, mga hindi takot magkasakit eh
Yung iba nag shift pa sa vape mas tipid daw pero may chemical panrin yun na pumapasok sa lungs
Kaya nga, ung partner ko gumamit din ng vape pero balik yosi pa din hays
Ang mahal pa naman na ng one stick ng yosi ngayon. hehhee. buti naman at nakayanan ni lolo mo ang hindi paninigarilyo. Ang hirap din nun eh.
Sinabi mo pa sis, 67 years old na siya tumigil diba inabot pa ng senior
Nagkabukol sa leeg ang asawa ko dahil sa yosi at yun ang dahilan ng kanyang pagpanaw. Chain smoker yun bata pa siya ng natutong manigarilyo.
Ay pwede pala magkabukol, si lolo tb lang tapos ngaun pang 4 na stroke na
Akala namin noong una tb pero nag negative siya tapos kalaunan sa tuwing kakain nasasamid siya akala ko normal lang iyon, tapos na mild stroke din siya at kalaunan may tumubong bukol sa kanyang leeg yun pala ay sa lalamunan yung bukol kaya hirap siyang lumulon ng kanin ang bilis lumaki at iyon ang simula ng paghina ng kanyang resistensiya.
Parang pinahirapan siya ng husto no, huhuhu ang sakit lang dahil sa yosi nawala siya
Buti n lng sis walng bisyo asawa ko. Loto at stl lng. Kaya naman may house and lot n kmi. Hahaha
Ang swerte mo sis, sana all baka sa sunod milyonaryo na kayo hagaha
Malaki talaga ang naggastos kapag may bisyo ..sna matanggal ng partner mo yan
Kaya nga, hindi ko alam baka pag tumanda saka niya maisipan
More comments