Fight for love

18 19
Avatar for Ze
Written by
2 years ago
Topics: Writing, Story, Love, 2021

I wrote this story when I was in 8th grade so please don't judge me.

As I was reading this story again, I don't want to change any part of it because I was not perfect and I will never be one. So this is story is fresh from year 2016. This is a one shot story by the way. It's kinda cringe but I still want to share it so please enjoy.

Fight for love

Buong magdamag akong nag isip sa sinabi ni Homer sakin kahapon.

Magang-maga na ang mata ko at lumaki lalo yung eyebags ko dahil buong magdamag lang ako umiyak at hindi natulog.

Hindi ko alam kong tama ba ang magiging desisyon ko, pero nagdadasal ako na sana tama ang gagawin ko, na tama na ipaglaban ko sya laban sa pamilya ko.

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na mamimili ako sa dalawang importante sa buhay ko, ang pamilya ko o ang taong mahal ko.

Sana tama ang magiging desisyon ko, SANA...

"Iha? Pinapababa ka na ng Daddy mo."

"Susunod nalang po ako Yaya Melda."

"Sige iha, baba na ako."

Bumangon na ako at agad naligo at nagbihis na, simple lang ang sinoot ko at naglagay din ako ng concealer para hindi mahalata ang pagmamaga ng mata at paglaki ng eyebags ko.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos.

"What took you so long, Tania?"

"I'm sorry Dad I woke up late kasi."

"By the way, I'll be going to Australia for the opening of our new branch of hotel and restaurant there."

"I better go now, the private plane is waiting for me at the rooftop I'll just inform you kung kailan ang balik ko dito."

Tumalikod na sya dala ang briefcase nya pero lumingon ulit.

"And one more thing, Ayokong nakikipagkita ka pa sa walang kwentang lalaking yon! Or else i'll make his life a living hell!"

After saying those words, dumiretso na siya sa taas.

Why is he like that? Wala na lang syang ginawa kundi kontrolin ang buhay ko, ni hindi niya tinatanong kung anong nararamdaman ko. Kung masaya ba ako o nasasaktan sa gigagawa niya! Malaki na ako, alam ko ang mga pinaggagawa ko!

No doubts Mommy left him because of his fvcking atittude! He's ruthless. He's cruel. Gusto niya siya lagi ang tama, Sya laging nasusunod!

I dialed Mom's number,

"I missed you sweetheart. Buti napatawag ka." I felt somewhat relieved and thankful of hearing Mom's voice.

"Mom, I need you."

Tumulo ang luha ko dahil miss na miss ko na din si mommy, Sya lang talaga ang nalalapitan ko kung may problema ako, Since she left Dad.

Yes, Mom and Dad are separated since I was a kid at sakanya ako tumira pero nanalo si Dad sa custody at sakanya ako napunta. But I always make time para magkasama kami. Siya lang ang tanging kakampi ko. She's always there for me when I needed her, hindi niya ako pinabayaan kahit wala na sila ni Dad.

Tinext ko si Mom kung san kami magkikita.

"Sweetie! What happened? Why are you crying." I felt Mom's sympathy for me.

Instead of answering Mom's question, I hugged her and cried out loud like a baby.

"Shhh, It's okay sweetie Mommy's here. I'll help you okay?"

"T-thank you M-mom I knew you will help me."

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.

"Dad wants me to avoid Homer and leave him, but Mom hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sya at ayokong layuan at iwan sya. Alam ko pong hindi kayo boto sakanya kasi mahirap lang sila pero Mom, Homer is my happiness, he's my life. "

Humagulhol na naman ako sa harap ni Mommy.

"Did you know na I once experienced that too?" Mapait na sabi ni Mom.

Napatigil ako sa pag-iyak at tiningnan si Mommy.

"I once had that love of my life, yung lalaking yun ang kaligayahan ko. Walang araw na hindi kami nagkikita. Mahal na mahal ko sya non at kagaya ni Homer, mahirap din siya pero I don't care. I don't care because I loved him and I'm happy when I'm with him."

She paused and looked directly to my eyes at may namumuong luha sa mga mata niya.

"But when your lola knew about him, about us. She's against him, hindi siya sang-ayon sa relasyon namin, kesyo daw anong ibubuhay nya sakin? kesyo daw kaya ba niyang ibigay ang pangangailan ko?"

"She threatened me that he will make his life miserable, iyak lang ako ng iyak non. Kinausap ko si Joel, si Joel yung pinakamamahal ko. Sinabi niya sakin na hindi sya natatakot na maging miserable ang buhay nya basta makasama lang niya ako, gusto niyang ipaglaban namin ang pagmamahalan namin."

Nakinig lang ako sa kwento ni Mommy, ngayon ko lang nalaman na may karanasan pala syang ganito.

"Pero naging duwag ako, nagkamali ako, hindi ko ipinaglaban ang pagmamahalan namin and accepted your lola's offer to marry your dad. Little did he know that I'm no longer here in the country. Hindi ako nagpaalam sa kanya. Nilayuan ko si Joel and decided to live in America and move on with your Dad. Hindi naging madali ang naging desisyon ko, Ang hirap hirap.

One night nagpakalasing ako, I don't want to live anymore. I'm tired of everything. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko nun dahil sa kalasingan."

Tumingin siya sakin at patuloy ang pagtulo ng luha nya, Ang sakit sakit makita na umiiyak sya at sa mga pingdaanan niya.

"A-at dun ka nabuo A-anak. When I found out about you, nabuhayan ako. I have a reason to live again. You made me live again sweetie. Hindi ako nagsisi na may nangyari samin ng Dad mo kahit hindi ko ginusto. I don't regret of what had happened, because you lived. You gave me motivations. I'm thankful of having you sweetie. Sobrang swerte ko at ipinagpapasalamat ko sa Panginoon yon."

Humagulhol na ako nang iyak sa narinig ko, kaya pala hindi ko maramdaman ang pagmamahalan nila Mom and Dad.

Hindi ko akalain na may dinaanang mabigat na pagsubok si Mommy.

So what am I supposed to do now? Fight for our love. O susundin ko nalang si Dad para hindi niya saktan si Homer?

Di ko na alam ang gagawin ko! Litong-lito na talaga ako.

"Tahan na sweetie, I dont want you to be like me. Gusto kong sundin mo ang puso mo. Ayokong magsisi ka sa magiging desisyon mo. I'm sorry of what I did. I left your father not considering your feelings. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry kung hindi kita nabigyan ng complete family. I just can't live another day na kasama ang Dad mo."

Niyakap ko ako at pinunasan ang mga luha niya.

"Don't worry Mom, I didn't hold grudges against you. I love you Mom." She smiled and hugged me tight.

"I love you too sweetie. Mommy loves you so much." She kissed my hair and brushed my tears away.

"Kung mahal mo siya, Ipaglaban mo. You always have my back."

Ngumiti si Mom sakin and with that, I felt secured and supported.

"I want you to fight for him, FIGHT FOR YOUR LOVE."

Natauhan ako sa sinabi ni Mommy, tama sya. Dapat kong ipaglaban si Homer. Sasama na ako sa kanya, di bale ng magpakahirap basta magiging masaya ako kesa magpakasasa sa yaman nila pero kontrolado naman ang mga galaw ko.

I hugged her again.

"Thanks Mom, I owe you a lot. I love you so much."

"Basta para sayo anak, just always remember that Mommy's right here for you everytime. I love you too sweetie, so much."

I flashed my sweetest smile, I know I will do the right thing at confident ako na hindi ako magsisisi sa gagawin ko.

After namin mag usap ni Mommy ay dumiretso na ako sa bahay para mag impake dahil mamayanng gabi na kami magtatanan ni Homer.

8pm natapos na akong mag impake at nagpaalam na rin ako kay Mommy, papunta na ako ngayon sa park kung san kami magkikita.

"Homer!"
"Tania!"

I hugged him tight and he responded. I really love this guy. Simple lang syang tao pero na sakanya na lahat. Mabait, matalino, masunurin, mapagmahal at syempre GWAPO.

Kumalas ako sa yakap at pinagmasdan ang mukha niya.
Mahabang pilikmata, shining and sincere eyes, ponted nose and heart shaped lips. How perfect this guy is!

"Akala ko hindi ka na makakarating, akala ko tuluyan ka nang lumayo, akala k-"

"Shh andito na ako, sasama na ako sayo kaya wag ka nang mag alala okay? Kahit sino pang tumutol satin ipaglalaban ko parin ang pagmamahalan natin. Dahil alam kong sayo lang ako sasaya, sa piling mo lang. Kaya ipaglalaban kita hanggang sa huli."

"Maraming salamat ha? At pinaglaban moko sa kanila, ang swerte ko sayo."

"No, thank you dahil kahit alam mong ayaw sayo ni Dad ay minahal mo parin ako at di ka nagpasilaw sa pera niya para layuan ako. Ako ang maswerte sayo."

He flashed his sincere smile.

"Mahal na mahal kita Titania Nichole Garcia, I will do everything just to make you happy I want you to live and grow old with me."

"I love you too Homer Cruz, you're already my happiness so you don't have to do anything. Just make sure na ako lang talaga ang nag-iisa sa puso mo. I also want you to be with me forever. In sickness and in health, No matter what happen we will fight for our love."

"I will my princess, I will Fight for our love."





2
$ 0.15
$ 0.05 from @mhy09
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.03 from @Zcharina22
+ 1
Sponsors of Ze
empty
empty
empty
Avatar for Ze
Written by
2 years ago
Topics: Writing, Story, Love, 2021

Comments

Naalala ko un kantang Fight for Love ni Elliot Yamin sa dulo :D Ganyan talaga pag dami against sa dalawang tao pero need nilang pareho na i work out at ipaglaban yan at patunayan sa lahat na mali sila.

$ 0.00
2 years ago

It's you and me against the world talaga eh. Hahaha thanks for reading po.

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Nice story 🤗.. Haays pag ibig nga naman. Aanhin mo nga nman ang pera kong kapalit nun ay taong mahal mo.

$ 0.00
2 years ago

Thanks po, Oo nga eh. Para sa pag-ibig kaya mo talaga talikuran lahat hehe.

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Magaling ka palang magsulat ng storya..congrats parang wattpad story ah hehe..

Wala nga namang silbi ang yaman kung ginagamit lang ito para kontrolin ang buhay ng isang tao. Yes tama ang mommy ni tania gawin at sundin kung saan ka sasaya..

$ 0.01
2 years ago

Hehe sa wattpad account ko po talaga galing yan, bata pa ako nung sinulat ko yan kaya medj nakakahiya. Salamat po.

Oo nga eh, di naman sa lahat ng panahon tama ang pamilya. Kailangan mo din sundin ang puso mo.

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Mga one shot stories pala sinusulat mo hehe

$ 0.00
2 years ago

Nakakahiya hehe

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

May Telegram ka?

$ 0.00
2 years ago

Wala akong telegram hehe

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Okay lang yan atleast marunong kang magsulat..

$ 0.00
2 years ago

Thank youuu

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Uy wattpad author ka pala anong name mo doon subscribe nga ako sayo hehe wattpad reader eh hehe

$ 0.00
2 years ago

Fretzelbae, hehe nanakahiya. Loyal ako kay Jonaxx 😊

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Kay jonaxx ka pala ako naman kay frustratedwriter..at kay whroxie Check ko po yan..

$ 0.00
2 years ago

May app si Jonaxx. Puro stories nya lang. Check mo din po.

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago

Anong panganlan ng apps niya?

$ 0.00
2 years ago

Jonaxx Stories

$ 0.00
User's avatar Ze
2 years ago