Wakas: Kailangan bang magpaganda para magkajowa?

0 28
Avatar for Zcharina22
2 years ago

10 - July 18, 2021

Kabanata I at II click the link below!

https://read.cash/@Zcharina22/kabanata-ii-kailangan-bang-magpaganda-para-magkajowa-859c59cf

Ava Pov

After, nong sa encounter namin ni sir Mike linigawan niya ako hanggang sa nahulog na rin loob ko sa kanya. Actually noong first encounter namin mayroon na akong naramdamang kakaiba pero dahil anak siya ng boss ko at magiging boss ko din siya in the future parang nanliit ako sa sarili ko parang hindi kami bagay. Pero kahit ganun hindi niya pinaramdam sa akin na malayo ang agwat namin sa isa't-isa.

Hindi ko sana siya sasagutan lalo na noong nalaman kong ex niya pala yung palaayos at magadang babae sa kabilang department namin. Walang-wala ako sa kanya kung tutuusin dahil hindi naman ako palaayos sa sarili, di ko nga alam gumamit ng make-up eh. Minsan narinig ko silang nag-uusap akala ko pinagsisihan na ni sir Mike na linigawan niya ako at naging kami pero hindi nag-usap lang sila at nagulat yung ex niya na sa kanila pala yung kumpanya. Ewan ko ba bakit nagsosorry yung girl. Siguro nagsisisi na siyang liniko niya si Sir Mike noon.

Bago ko sinagot si Sir inalam ko muna lahat ng nakaraan niya baka kasi panakip butas lang ako. At ayun nalaman kong dalawang beses na pala siyang naloko at isa sa nagtaksil sa kanya ay nagtratrabaho sa kumpanya nila. Naging honest din siya na prinepressure din siya ng ama niya na magpakasal before reaching 27 years old na wala daw siyang mamanahin kung hindi siya makapag-asawa before reaching the said age. Pero sabi niya hayaan nalang daw na tadhana ang maglapit sa kanya sa forever niya. At ako daw ang linapit ng tadhana sa kanya. "Hooh kilig much hahahahaha"

Ako naman sasagutin ko lang ang isang lalaki kung hindi siya palapintas sa itsura ng isang tao. Ayaw ko kasi yung itsura lang ang base kung bakit sila nagmamahal, infairness naman kay Sir Mike hindi ko naramdaman na pangit ako sa paningin niya infact hindi ako sinabihan na magpolbo o maglipstick kapag papasok ako sa office. Infact sinabihan niya akong huwag nalang akong magpolbo or ano baka daw may makapansin sa akin at maagaw pa ako sa kanya. " As if naman may magkakagusto pa sa akin bukod sa kanya no"

Natawa ako "Avo Mike" pala pangalan niya at Ava naman ang pangalan ko diva parang tinadhana talaga kami, partner in name and in life lol. Gusto ko siyang tawaging Sir Avo pero ayaw niya parang ang tanda daw ang dating. Sir Mike nalang daw pag nasa office kami, nahihiya akong tawagin siyang babe, sweerheart, baby kapag kami lang gusto kong Sir Mike parin kasi don na ako sanay pero ayaw niya. Kailangan magpraktis na daw ako.

Nahihiya ako lalo na noong pinakilala na niya ako sa kanyang mga magulang pero nagulat ako ang babait nila mas lalo akong nahiya dahil hindi talaga ako sanay. Welcome na welcome ako sa kanila, may kapatid pala siyang babae at pinuna si Sir Mike bakit daw kakaiba ako sa mga naging ex niya. Akala ko hindi niya ako gusto para sa kuya niya "kinabahan ako dun" pero yun pala masaya siyang simple lang akong babae dahil ganun pala siya. Hindi niya pala bet ang mga naging ex ng kuya niya.

Gusto kong bigyan ng sagot ang tanong ng aking isipan dati na "Kailangan bang magpaganda para magkajowa?" Sa tingin ko ay hindi, mas maganda nga yung simple lang at nagpapakatotoo sa sarili. Kung tanggap ka ng isang tao bilang ikaw swerte ka. Pero kapag ang isang tao ay nagpapanggap lang para mapansin ng ibang tao ay mahirap yun dahil hindi naman talaga ikaw yung minahal kundi ang ibang personality na binuo mo sa iyong sarili na wala naman sa nature mo. Mahirap ding umakto sa harap ng maraming tao lalo na kapag may nakakakilala sa iyong tunay na pagkatao.

Para sa akin ang kagandahan ay plus factor lang yan pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ang linalaman ng ating puso. Hindi mo kailangang magpaganda para magkajowa maging totoo kalang sa iyong sarili at maging mabait kalang sa pakikisama sa mga tao at tignan mo Si God pa ang magbibigay sayo ng lalaking karapat dapat sayo. Hindi ko naman hiniling si "Avo Mike Sanchez the love of life eh binigay yun ni Lord sa akin" Si God dapat ang magsulat ng love story natin huwag natin siyang pangunahan at gumawa ng kung anu-ano para lang mapansin tayo ng ibang tao dahil kung para talaga ang isang tao sa atin siya ang gagawa ng paraan.

Ngayon I am happy now with Mike and Mike is also happy with me. What a life right? Living with the love of your life makes you feel happy, contented and worthy.

Thanks to God for writing my love story perfectly! For giving me the love of my life!


Credit lead image source:

https://pixabay.com/photos/people-couple-love-holding-hands-2577936/

2
$ 0.69
$ 0.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.02 from @Expelliarmus30
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments