Kabanata II: Kailangan bang magpaganda para magkajowa?

3 23
Avatar for Zcharina22
2 years ago

9 July 15, 2021

Kabanata I (Ava Pov)

heres the link

https://read.cash/@Zcharina22/kailangan-bang-magpaganda-para-magkajowashort-story-5e557c3b

Kabanata II (Mike Pov.)

Mike Pov

Ako si Avo Mike Sanchez, 25 years old. Hindi pinalad sa mga babae iniiwan ako at pinagpapalit sa iba. Dalawang beses na akong sawi sa pag-ibig. Bahala na sila kung ayaw nila sa akin go away nalang dahil ayaw kong pinipilit ang aking sarili, pero masakit siyempre, pero ganun naman talaga kung dika susugal sa pag-ibig walang karanasan, at higit sa lahat walang learnings at hindi mo masusukat kung gaano ka katatag kung walang sakit at pighati. Nakakabakla tong pinag-iisip ko pero ito ang reality ko walang nagtatagal na babae sa buhay ko. Lagi akong napapatanong sa aking sarili ano bang mali sa akin bakit kaydali nila akong iwan. Dapat ba hindi nalang ako umuwi dito sa Pilipinas? Dapat ba doon nalang ako sa ibang bansa doon ko nalang hahanapin ang aking the one? Pero ayoko ng maghanap, ayoko ko ng manadaliin ang mga bagay bagay. Pero si Papa minamadali na ako ayaw niyang ipamana ang Publishing Company sa akin hanggat hindi ako makasal bago ako mag 27, 25 palang naman ako marami pang araw at buwan para diyan. Pero hahayaan ko na lang na tadhana ang gagawa diyan dahil ayoko na ring masaktan gusto ko this time last na, yung forever na.

Graduate ako ng Communication kaya may background na ako doon sa kompanya namin. Araw-araw ako doon sa companya namin simula noong nakauwi ako dito sa Pilipinas pero hindi ako nagtatagal doon dahil nandoon yung ex girlfriend ko. Hindi niya alam na amin yung kumpanya kung saan siya nagtratrabaho. Nalaman ko lang din noong pinakita sa akin ni Papa yung mga profile ng employees namin. Hindi ko na tinapos lahat dahil medyo may kirot pa sa aking dibdib. Akala ko kapangalan lang pero pagdating ko sa office kinaumagahan siya talaga. Wala naman akong balak na manggulo o sirain ang kanyang career dahil mali naman yun at tsaka nakaraan na yun. Pero ang kausapin siya ay hindi ko pa kaya. In time magpapakilala ako sa kanya pero nagtataka ako bakit hindi niya alam na amin ang kumpanya. Pero anyway, ayaw ko munang mag isip-isip tungkol sa kanya.

Kinaumagahan nagpunta ako sa mall mga 10:30 am ang bukas kaya nagpunta ako ng mga eleven , doon na din ako kakain ng tanghalian. May pinabili ang aking pamangkin na hindi ko matanggihan dahil minsan lang siya humiling sa akin, mahiyain kasi siya kaya ng mag-request siya ng bisikleta, masaya ako kasi sa wakas magkakabonding kami kaya lang ayaw naman niyang sumama bahala na daw ako, kung anong magustuhan ko yun na daw. Wala naman akong magagawa dahil kahit anong pilit ko sa kanya ayaw naman niya.

Papunta na sana ako sa bicycle station ng mapansin ko ang isang babae na maliit, kahit nafacemask siya parang ang ganda niya. Simple lang siyang manamit at nakatsinelas lang siya. Hindi ko napansin sinusundan ko na pala siya ng pasimple. Akala ko nag-iisa lang siya may kasama pala siya. " Boyfriend niya kaya?" Hindi ko alam pero bigla akong nainis dahil ang lalake hindi naman niya tinutulungan ang babae parang hindi siya interesado sa mga binibili ng babae. " Ano ba yan parang wala namang ka sweet-sweet yung lalake. Paalis na ngalang." " No! Huwag kang umalis" Sabi ng aking isipan. Pero pagtingin ko sa kanila wala na sila. "Siguro nasa counter na sila. Ano ba tong ginagawa ko para akong stalker. Tsaka ano bang meron sa babae bakit ko siya sinusundan." Naisip isip niya iba siya sa mga babaeng nakilala niya parang ang simple niyang tingnan at parang hindi siya maarte na hindi niya nakita sa mga naging ex niya.

Pauwi na sila kaya sinundan ko sila, ewan ko ba parang namamagnet ako sa babae. Nagulat ako ng makitang iniwan ng lalake ang babae. " Ano ba yan bakit ganun ang lalake parang wala lang sa kanyang iwan lang ang babae" Nakita kong bumalik ang babae sa loob, sinundan ko siya. Kani-kanina lang sinusumpa ko ang lalake dahil sa pag-iwan niya pero ngayon parang ikinasaya kong umuwi na ang lalake. "Paano kaya ako makikipag-usap sa kanya, parang lagi siyang nagmamadali. Bumuli lang pala siya ng tsinelas" Maya - maya pa ang bilis niyang maglakad pero may humarang sa kanyang babae pinipigilan siyang umalis pero nagulat ako sa sinabi ng babae "Miss sandali ayusin natin kilay mo sabog na eh. Huwag kang mag-alala walang bayad ito." Natawa ako sa sinabi ng babae, gusto ko siyang lapitan dahil mukhang nagtataka siya, at tinatanggihan niya ang babae pero unti-unti siyang nahihila ng babae. Ilag siya at talagang gusto na niyang lumabas pero dahil pinaupo na siya ng babae hindi nasiya nakatanggi. Kahit nakafacemask siya alam kong busangot na siya dahil lumalaki at umiikot na ang kanyang mga mata pero ang ganda niya. Hindi naman sabog ang kilay niya, alam ko na modus yung babae. Maya-maya pa may naririnig akong mga bakla sabi ng isang bakla "Uy girl tignan mo may customer na si ateng" "Oo gorl magaling mambola si ateng, pero tignan mo rin parang napipilitan si ateng ganda" sabi ng isang bakla parang ang topic ay yung babae kanina. Sinasabi ko na nga ba't mga modus sila. Kung may gagawin silang masama sa babae, lalapit na talaga ako sa kanila. Hapon na pala, wala na hindi na ako makakabili ng bisikleta. Siguro bukas nalang. Ng tignan ko yung babae tapos na siyang kilayan, nagtataray na ulit siya parang pinapatanggal ang facemask niya. Doon ko napansin parang hindi siya marunong mag-make -up kaya dinedemo sa kanya, pero parang hindi naman siya interesado parang gusto na niya talagang umalis. Lalapit na sana ako ng lumapit ang mga bakla sa akin " crush mo ba yung customer namin? Kanina ka pa kasi aliw na aliw katitingin sa kanya. Uy si sir nahihiya, ang gwapo mo Sir bakit ka nahihiya?" Abat tong baklang to kung anu-ano sinasabi, ako? aliw na aliw? Bakit hindi ngaba? sabi ng aking isipan " Uy sir ano na lapit na ganda pa naman niya kaya lang mukha siyang maliit at busangot". Untag ng bakla sa akin, natulala pala ako. " Sige na bye, parang natameme ka na diyan, gwapo ka nga pipi naman" "Hoy bakla hindi ako pipi no" habol ko sa bakla pero hindi na niya narinig dahil ang bilis niyang maglakad.

Paalis na ngalang, ano ba tong nangyayari sa akin, bakit parang nawawala ako sa aking sarili. Hindi naman ako ganito eh. Ng palabas na ako, siya ring paglabas ng babae pero hindi niya ako napansin dahil talagang nagamamadali siya parang may hinahabol siya. " Yung bang lalake kanina? Sus parang wala naman siyang kwenta" Kahit paghulog ng gamit niya hindi na niya napansin. " Miss sandali" nagulat naman ako sa reaction niya galit ba siya? " Aaah, nagulat ba kita, nahulog mo kasi ito. Mukhang di mo napansin kasi tuluy-tuloy ka kasi sa paglalakad, may hinahabol ka ba? sabi ko sa kanya yung wallet niya nakabukas nabasa ko tuloy yung ID niya "Ava Mendez" at sa kumpanya pala namin siya nagtratrabaho medyo natawa ako sa first name naming dalawa "Ava at Avo". Ang bata niyang tignan sa ID niya parang high school student lang pero yung birthdate niya parehas lang kami. Pagkabigay ko sa kanya yung ID tinadtad ko siya ng tanong hindi na ako nagpakilala basta ang dami kong tanong. Parang nagets na man niya na anak ako ng boss niya sa office. Ang cute niyang tignan ang bilis niyang magsalita. Gusto ko siyang ihatid pero ayaw naman niya dahil may naghihintay daw sa kanya. Akala ko boyfriend niya kapatid niya pala yun pero bakit masaya ako na kapatid niya lang yun lol. Parang excited akong pumasok sa office bukas.

3
$ 0.57
$ 0.52 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @ARTicLEE
$ 0.02 from @Expelliarmus30
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Ang cute naman ng mga names nila, Avo at Ava. Cute din ng kwento :)

$ 0.02
2 years ago

awts thank u po.

$ 0.00
2 years ago

walang anuman :)

$ 0.00
2 years ago