Thanks Sis!

3 9
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Masaya akong drawing lang ang lahat ng ito para kay ate ngayon unti-unti ng nabuo. Taong 2017 noong nangarap siyang mapaayos ang aming bahay at ngayon unti-unti na natutupad. Nabayaran na din ang lupang tinitirhan namin masaya kaming malaman na ibinebenta na sa amin iyong lupa. Noon kasi ayaw ng may-ari na ibenta sa amin ang lupa para daw sa anak nila iyong lupang nakatirikan ng aming bahay.

I am very happy din kasi isa din ito sa pangarap ko in life. Hindi man ako vocal sa mga dreams ko in life but i am happy na unti-unti na ding natutupad. Gusto ko ding magkaroon ng sariling bahay at lupa sa Maynila or sa Ilocos but not now hehe.

Sobrang thankful ako kay ate kasi kahit may sarili na siyang pamilya hindi siya nakakalimot sa amin willing pa rin siyang tumulong.

Medyo busy kami today kasi ipapagawa namin iyong kitchen namin kaya maagang gumising ang lahat para makatulong sa paglilinis sa harap ng aming bahay. Dalawa lang kasi ang karpinterong kinuha namin. Para hindi masyadaong magastusan kabibili sa store bumili nalang kami ng isang case na 8 onze coke at 5 packs na biscuits para snacks nila. Iyong kahoy naman na gagamitin ay libre dahil may pananim namin si papa na puno. Si kuya naman ay nagtratrabaho sa isang hardware kaya siya na bahala sa pagdeliver ng mga gagamiting materyales. Si ate na iyong bahala sa finances.

Kahit busy ang lahat today napagpasyahan ko pa ding pumunta sa bukid. Doon ko nakita iyong mga batang naglalaro. Walang problema sa mundo at inosente sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Tinanong ko sila kung hindi sila takot sa covid sabi nila bakit daw sila matatakot hindi naman daw nila nakikita ang covid at isang suntok daw nila patay na ang virus. Napangiti nalang ako sinabihan ko silang mag facemask tuwing pupunta sila sa ibang lugar tumango naman sila, pero may isang batang tumanggi dahil daw siya makakahinga kung may facemask siya at nakakapangit daw ang facemask sa kanya. Nngumiti nalang ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

Hello reachcash fam! kamusta araw niyo today? Me masaya akong may naaccomplish akong work today sa mga nakalipas na araw wala akong ginawa kundi magkulong nalang sa bahay. Masaya akong nakapasyal sa bukid with the kids🙂.

4
$ 0.44
$ 0.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @jasglaybam
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Wow that is nice to hear. Your sister is really a responsible one.

$ 0.00
2 years ago

You are lucky to have a generous sister. Ingat palagi pag lumalabas ng bahay.

$ 0.00
2 years ago

Ang bait ng ate mo, kahit May pamilya na, di pa rin siya nakalimot tumulong sa inyo. God bless her and your family...Nakakatuwa yung mga pag iisip ng mga bata.

$ 0.00
2 years ago