Ang aming Kuya ay may gout o mataas ang kanyang uric acid. Kaya naman siya ay lumiban sa kanyang trabaho ng ilang araw dahil hindi na niya maigalaw ang kanyang paa pero pagkatapos lang ng tatlong araw ay pumasok na siya ulit kahit hindi pa masyadong magaling ang kanyang mga paa.
Kaninang hapon habang siya'y nagtratrabaho tumawag siya sa amin at pinakita niya ang kanyang paang namamaga. Naawa naman kami sa kanya kaya sinabihan namin siyang magpatingin na sa doktor pero ayaw naman niya. Buti nalang doktor ang amo ni anti at nandoon siya ng tumatawag si Kuya.
Si Kuya kase ay ayaw niyang nagpapatingin sa doktor. Matanda na siya pero takot sa doktor baka daw may makita silang sakit niya. Buti nalang naawa ang boss ni Anti at siya na nagreseta sa mga gamot ni Kuya. Ganun ang gusto ni Kuya yung reresetahan ka na lang ng gamot. Ayaw niya ang mga blood testing at kung ano ano pa.
Delikado pala ang gout kase pag di maagapan pwede niyang tamaan ang kidney. Nagkaroon si Kuya ng gout dahil malakas siyang uminom ng alak. Kaya ngayon natuto na siya. Sana lang mabilis ang kanyang paggaling para tuloy-tuloy na siya sa trabaho.
Ang ilan sa mga nagpapataas ng uric acid ay alak, mga isda, softdrinks, mga mamantikang pagkain at iba pa. Ang dapat kainin ng taong may gout ay kamote, mga prutas na mayaman s vitamin C, rice at iba pa.
Ngayon sising-sisi na si Kuya pero according to him hindi pa huli ang lahat pwede niya pang itama ang kanyang pagkakamali sa kanyang sarili.
Laking pasasalamat niya kay Doc. Cl sa mga gamot na binigay dahil medyo gumagaling na siya.
Ipag pray natin yan Sis. Gagaling din si kuya mo :) mag ingat nalang palagi at uminom na kailangan na gamot.