Saan ka sa Dalawa?

23 54
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Hello sa inyo!

Paano mo pinapasalamatan ang isang taong kusang tumulong sa iyo? Saan ka sa dalawang taong ito?

Ale 1: Mare, saan mo dadalhin ang mga dala dala mo, kay bigat ata. Ano ba itong mga ito. Ooh! mga imported na delata. Ang swerte naman ng bibigyan mo niyan mare. Mapasana all nalang ako. Nagpadala na ba anak mo abroad? Iba talaga pag asensado na ano mare? pabigay-bigay nalang. Kung sana nag abroad din anak ko, okay na din sana buhay namin kaso mga anak ko matatakutin kaya ayun nakapag asawa ng maaga, ang mahalaga lang ngayon ay pinanagutan sila ng kanilang asawa. Diba ganun naman yun mare?

Ale 2: Mare, pasasalamat ito sa mga taong tumulong sa amin noon. Kung wala sila hindi kami aasenso sa buhay dahil walang taong nagtagumpay kung walang taong tumulong sa kanila. Kailangan mo ding iacknowledge yung tulong nila dahil at some point malaking tulong ang pagtulong nila maliit man o malaki.

Oo Mare punta ka minsan sa bahay namin bibigyan kita. Salamat sa pagtulong mare ha. Alam mo mare mahirap buhay sa abroad, malaking sakripisyo ang kailangan para mabuhay doon. Naiintindihan ko anak mo mare. Mabuti nalang hindi mo sila pinilit kase kung napipilitan lang sila hindi sila magiging masaya doon at tiyak ikaw ang sisisihin nila pag hindi naging maganda ang buhay nila doon. Suportahan mo nalang ang iyong mga anak mare.

At doon sa tanong mo mare kung bakit ako namimigay ay dahil gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa amin noon. Hindi kailangan pero yun ang gusto kong gawin, masuklian man lang ng kahit konti yung tulong nila. Actually walang wala ito sa tulong nila mare.

Ale 1: Basta ako mare pag kusang tumulong yung tao hindi ko na kailangang mag give back sa kanila dahil hindi ko naman yung hiningi sa kanila eh. Yung word na kusa mismo mare ay kusa yun eh. Nasa akin na yung desisyon kung kailangan kong mag give back o hindi, pero kung kusa talaga ay mostly ay hindi dahil hindi ko naman sila kina-usap o pinaki-usapang tumulong eh. Kung simpleng pasasalamat lang magagawa ko yun pero hindi iyong katulad mo na kailangang tapatan ko din yung tulong nila. Pasensiya na mare yun kase yung pananaw ko eh kung kusa namang tumulong ay bakit ko gagawin yung ginawa nila di ba?

Ale 2: Mare hindi ko tinapatapan yung tulong nila, kumbaga pasasalamat lang ito kase kung wala sila hindi kami aasenso. Alam mo yung puso ko kase inaalala sila eh, kumbaga kung hindi sila tumulong baka lagapak pa rin kami.

Ibig mo bang sabihin mare yun pinakausapan mo lang ay yun lang din ang tutulungan mo? Hindi ba mas magandang tumanaw ng utang na loob sa kusang tumulong? Yung mga kusang tumulong ay sila yung may pakialam sayo dahil tumutulong sila ng kusa. Alam mo kung bakit? Gusto nilang makatulong at alam nila yung hirap na pinagdadaanan mo. Oo hindi mo kailangang mag give back pero kung may mabuti kang puso ay kusa mo din silang maaalala. Iyon bang pinaki usapan mong tumulong ay naaalala ka niya? Alam mo mare mas gusto kong pasalamatan yung kusang tumulong kay sa pinaki usapan eh dahil alam mo yun mare hindi ko hiningi pero tumulong sila. O siya sige mare punta ka sa bahay ha.

Ale 1: O siya sige mare salamat. Pero alam mo mare yung mga kusang tumutulong ay nagpapabida lang yun eh, para hindi mo sila mahindian kapag sila ay nanghingi ng favor sayo. Katulad ng mga pulitiko bigay sila ng bigay pero may kapalit pala. Kaya duda ako minsan eh, kaya tinitimbang ko muna yung mga kusang bigay ng bigay baka kase mas malaki pa yung kapalit eh. Pero hindi ko ito iniisip sayo mare ha kase alam kong mabait ka. Alam mo mare sa mga teleserye maraming naloloko dahil tanggap sila ng tanggap ng kusang binigay pero hindi nila alam bitag na pala yun.

Ale 2: Makikita mo naman iyon eh kung may kapalit talaga. So mare pinagdududahan mo lahat ng kusang tumutulong sayo? I get your point mare may tama ka naman mare. Kailangan mo ng ibayong pag-iingat palagi para hindi ka maloko. Pero mare huwag mong itulad lahat ng tao dahil may tumutulong ng kusa para ishare nila yung blessings nila sa iba. Sige na mare salamat sa oras, punta ka mamaya sa bahay dalhin mo lahat ng anak mo ibigay ko lahat yung mga gamit at damit na napaglumaan ng mga anak ko.


Saan kayo sa dalawa? Si Ale 1 or Ale 2

Si Ale 1 kung kusang tumulong sa kanya ng isang tao hindi na niya kailangang mag give-back dahil ayon sa kanya ay kusang tumulong yung tao kumbaga pwede munang kalimutan yung tulong dahil kusa namang ginawa yun at laging nagdududa kung may kapalit ang tulong.

Si Ale 2 Hindi nakakalimot magpasalamat lalo na sa kusang tumulong dahil ayon sa kanya kung walang kusang tumulong sa kanila ay hindi sila aasenso sa buhay kaya marapat lang na bigyan sila ng pasasalamat.


Still Zcharina's friend! Zcharina is busy.

Mahirap palang magsulat ng medyo serious..

8
$ 4.21
$ 4.00 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @leejhen
$ 0.03 from @mhy09
+ 4
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Dun ako sa ikalawa. Palagi kong tinatandaan at hindi kinakalimutan ang mga tao na naging bahagi kung nasaan ako ngayon. Ang mga tao na tumulong nung panahon na kinailangan ko ng tulong. At sa tuwing inaadya ng pagkakataon, tinatry ko na maibalik yung tulong na ibinigay nila sa akin ngayon sa paraang kaya ko :)

$ 0.02
3 years ago

Oo tama yan sis..

$ 0.00
3 years ago

I think im ale no.2..kc never nmn akong nakalimot sa mga taong tumulong sakin, pag meron nmn kc ako nagbibigay ako,lalo na dun sa mga taong hndi ako tinalikuran nung walang wala ako. Parang sa noise lng..kapag nagheart cla,naghaheartback ako..un nga Lang minsan wlang value.. for me din nmn if tumulong ka, don't expect for something in return, pra walang disappointments.. just be happy for their success nlang and be proud that you were part of it, khit hndi ka nila kinu consider na part sa tagumpay nila..that way there's no hard feeling.. just be happy..c God na ang bahala magbigay ng prize sau,sa kabutihan na ibinahagi mo sa kapwa mo..

$ 0.02
3 years ago

Wow tama ate ang lalim hehe

$ 0.00
3 years ago

Grabe si Ale 1, medyo harsh! 🤣

I wanted to be Ale 2. Yung hindi tinitingnan kung ano yung nabigay at rason ng pagbibigay. Ang mahalaga nag gigive back siya. It is always give and take and it netter to give than than to receive.

$ 0.02
3 years ago

Oo tama when you give, more blessings will come to you. Si God pa ba hindi yun nakakalimot sa mga taong kusang tumutulong..

$ 0.00
3 years ago

Truuuue! What comes around goes around pa naman.

$ 0.00
3 years ago

Ako po yung tao na thankful sa mga tumutulong po sa akin. Never po akong nakakalimot sa mga taong tinulungan ako at ang pamilya ko sa buhay. Yung ale no.2 po ako kase naniniwala ako na kung kusang tumulong sayo ang isang tao ay mahalaga o importante ka sa kanya kaya willing sya na tulungan ka kaya dapat kapag ikaw naman ang meron ay mabigyan mo man lang sya kahit papaano. Tanggapin man po nya o hindi.

$ 0.02
3 years ago

Oo tama yan, pinapakita lang na ikaw ay humble na tao..

$ 0.00
3 years ago

Opo mas okay na po yung humble ka dahil mas gusto po ng tao tulungan ang mga mapagkumbaba.

$ 0.00
3 years ago

Ay oo tama ka diyan..salamat

$ 0.00
3 years ago

Ang toxic naman ng ugali ni ale one hahah. Di dapat pamarisan

$ 0.02
3 years ago

Hahaah true

$ 0.00
3 years ago

Kay Ale no 2 ako. Hindi mo naman talaga kailangan na ibalik ang tulong nila pero para sa akin sign yun ng pagpapasalamat. Pagtanaw ng utang na loob dahil kung wala ang tulong nila baka wala tayo sa kalagayan natin ngayon.

$ 0.02
3 years ago

Oo tama dahil mahirapa makaahon sa hirap kung tayo-tayo lang.

$ 0.00
3 years ago

I'm in sa Ale no. 2. Mas masarap pa din sa pakiramdam na ibalik Yung mga kabutihang nagawa Nila para sa atin. Para sa akin, kung tinulungan nila ako noon lagi kong sinasabi sa sarili ko na pag ako naka luwag-luwag sa buhay, ibalik ko sa kanila yung tulong na ibinigay nila sa akin. Hindi man katulad sa paraan ng pagtulong nila sa akin, pero gagawin ko yun sa paraang alam ko

$ 0.02
3 years ago

Oo tama yan..ipakita din natin sa kanila deserved din nilang matulungan.

$ 0.00
3 years ago

No other than Ale 2 sis. Maganda parin tumanaw ng utang ng loob at ibalik din yun sa kanila dahil deserve nila yun lalo nat naging umasenso yung buhay natin. Naging parte sila sa pagkaangat natin sa buhay..

$ 0.02
3 years ago

Oo tama mahirap umahon kung walang tulong ang ibang tao.

$ 0.00
3 years ago

Yes sis.. kaya utang na loob nalang din natin...

$ 0.00
3 years ago

Ang galing mong gumawa ng article hehe,maganda ung kay mare to,di man natin tinatapatan pro nakakaalala taung mgbigay kht konti.hnd man lagi pro kht paminsan minsan man lng. Kumzta kaya c Tammie,mukhang bc nga xa.Godbless you both and stay safe

$ 0.02
3 years ago

Hello ate ngayon lang ako nakaopen si besty hindi yun nagrereply hanggang article lang siya hehe . Busy nga ako ate hehe

$ 0.00
3 years ago

Ingat kabpalagibsissy,maswerte ka sa kaibigan mo sissy Godbless you lagi

$ 0.00
3 years ago