Pagod ka din ba kapag Friday?
Friday, August 26
Kapag Friday ano mostly ang nararamdaman niyo? Dito sa bahay parang pagod ang lahat hehe. Ang gusto nalang nilang gawin ay humiga na at matulog ng maaga. Iyong nakashedule na maghuhugas ng pinagkainan tinatamad na din haha. Gusto na nga niyang ipagpabukas pero bawal dahil magagalit ang master lol. At iyong tagaluto ng pagkain tinamad din dahil imbes na adobong baboy ang lulutuin nag switch into gulay mas madali daw lutuin kaysa karne na matigas-tigas pa haha which is better naman dahil hindi daw oily iyong mga pinggan kapag hinugasan sabi ng tagahugas haha.
Mas lalong lumungkot ang Friday namin dahil iyong nag-iisang pamangkin namin ay umuwi sila sa Caloocan. Ganito pala ang feeling kapag nawalay ka sa iyong pamangkin nakakalungkot na nakakatahimik ng bahay. Kapag kasi nandito iyon maingay ang bahay at lahat nakatutok sa kanya. Iyong tipong walang nagseselphone kasi nga lahat kami linalaro siya hanggang siya ay makatulog at doon tatahimik ang lahat at back to use cellphone na lol.
Looking back patapos na naman ang August no ang bilis talaga ng araw. Ngayong buwan ng August ay naging busy ang lahat dahil kabuwanan ng pamangkin namin at binyag niya din. Ang saya-saya kasi iyong birthday at binyag niya ay parang reunion ng mga ilocano dito sa Manila lol. Parang kulang iyong isang araw na pagkikita ng pamilya kinabukasan kasi uwian na iyong iba after the party.
Ganito pala iyong feeling iyong magdaos ng ganitong event. Nakakapagod na masaya at worth it ang lahat ng pagod lalo na kung makita mong masaya ang celebrant which is iyon naman talaga ang goal kapag nagdadaos ng birthday at binyag.
Laking pasasalamat ng pamilya namin sa lahat ng tumulong kasi dati akala ko kapag nagdaos ng event dito sa Manila effort mo lahat hindi pala. Pwede ka palang makiusap sa mga kapamilya at kakilalang mong tumulong. Dito kasi sa Manila parang busy ang lahat ng tao minsan mahirap mo silang hagilapin talaga kaya nakakahiyang humingi ng favor minsan. Ang hindi ko lang inaasahan is iyong marami ang nagvolunteer kaya marami ang nabawas sa aming mga gawain at naging smooth ang program at walang gulo.
Ang problema kapag nagdaos ng event dito is place kaya mostly marami dito ang nagrerent nalang ng venue. Sa amin nga ay sa covered court kami nagdaos eh. Pwedeng-pwede na dahil wala namang bayad. Next problem is mga kagamitang paglulutuan halimbawa iyong mga naglalakihang mga kaldero, kaserola at palayok. Kapag kasi maliit lang iyong inuupahang bahay hindi ka pwedeng bili-bili ng gamit kasi takaw space lang sa loob ng bahay. Kaya minsan mas magandang magcatering nalang iwas pagod pa lol pero ang nangyari kasi sa amin ay nagvolunteer iyong mga kamag-anak namin na may kanya-kanyang lulutuin. Ang ginawa nalang namin ay ibinigay namin iyong menu at mga rekado. Diba nasolve ang problema namin lol.
Friday nga ngayon pero napakwento ako haha! Nagpapaantok kasi ako pero hindi makatulog namimiss ko ang pamangkin namin haha.
I could on ly understand a little that Friday is last day of weekend