Isang kahilingan
5-Agosto 5, 2021 Kung ako ay bad mood maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan, mga bagay na aking kinaiinisan at nagpapabigat lalo sa aking damdamin. Hindi ako bad mood today naalala ko lang ang isang storya na sobrang iniyakan ko dahil parehas kami ng gusto at kahilingan. Doon sa storya na yun ang bida ay mayroong isang kahilingan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ito ay "**huwag siyang ipahiya o pagtawanan sa harap ng ibang tao o sa maramihang tao"**. Pero ang kahilingang ito ay kanyang tinago sa kanyang sarili, hindi niya pinagsabi o ano pa man. Nasasaktan nalang siya tuwing linalait at pinagtatawanan siya sa harap ng maraming tao. Ito yung mga reasons kung bakit yun ang kahilingan niya: Una, kung nakikita kang pinagtatawanan ng iba, nawawala na din ang respeto ng tao sayo. Pangalawa, okay lang sana kung walang makakarinig pero kung pinapangalandakan sa iba na ganyan, ganito ka, bumababa ang self confidence mo. Pangatlo, maaaring gayahin din ng iba ang ginagawa nila sayo. Isang araw umiiyak siya dahil may batang tumawag sa kanya na wala siyang kwentang tao. Ito na yung epekto ng pagpapahiya sa kanya ng kanyang pamilya sa harap ng maraming tao. Kapag sa eskwelahan tinitingala siya dahil nakakaabot siya sa top kahit papaano pero pagdating sa kanilang bahay wala silang makitang maganda sa kanya kundi yung mga kamalian at ipahiya siya sa maraming tao. Nahihiya siya sa kanyang pinsan dahil kaklase niya ito at nakikita niya kung paano siya tratuhin ng kanyang pamilya. Hindi sila close ng kanyang pinsan dahil lalaki siya at iba ang kanyang barkada sa eskwelahan. Kinausap niya lagi ang kanyang sarili sa salamin na huwag naman sana siyang ipahiya sa harap ng kanyang pinsan dahil ano na lang ang iisipin niya. **Okay lang ipahiya siya huwag lang sa harap ng kanyang pinsan.** Noong medyo nakainom siya nagkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang kanyang hinaing sa kanyang pamilya. Umiiyak siya sa harap ng kanyang pamilya habang sinasabi niya kanyang kahilingan. Natahimik ang kanyang pamilya dahil hindi nila alam na ganun na pala kabigat at kasakit ang kanyang nararamdaman. Kinabukasan, ibinalita ng kanyang pinsan na graduation na nila at nagulat siya dahil wala manlang nagprepare sa loob ng bahay kaya siya ay napatanong "Nasaan si Aina, bakit hindi kayo naghahanda siya kaya ang valedictorian namin." Nagulat ang lahat dahil hindi nila alam yun. Dahil ayon sa kanila wala naman daw nabanggit si Aina. Dahil hindi nila mahintay si Aina pinuntahan na nila sa kanyang kuwarto at doon nila nakitang patay na siya. Umiyak ang lahat dahil hindi nila nabigyang pansin ang nararamdaman niya Akala ng pamilya niya dati okay lang kay Aina na lait-laitin siya dahil nakikisabay naman siya sa mga jokes sa kanya. Hindi nila alam na kapag mag-isa na siya umiiyak siya at nasasaktan. Naging malungkot ang graduation dahil nawala ang importanteng tao sa panauhin. Ang kwentong yan ay kwento pa noong nasa elementarya pa ako at hindi ko makalimutan dahil half of the class ay umiyak, mga lalake lang ata ang hindi naging emotional dahil hindi naman sila nakinig. Sabi ng teacher namin ano ang lesson learned namin sa kwento: May tatlo akong lesson learned na binigay. at ito yun: Maging aware sa mga jokes, nakakasakit man o hindi dahil hindi mo alam ang nararamdam at pinagdadaanan ng isang tao. Obvious naman sa kwento na huwag ipahiya ang isang tao sa harap ng maraming tao dahil maaari itong maging sanhi ng depression o worst suicide. Hindi naging open si Aina sa kanyang problema, nasabi lang niya noong nakainom na siya. (Mas madali ang lahat kung subukan mong maging open sa iyong pamilya,huwag mong sarilihin ang iyong problema dahil hindi matatapos ang problema kung wala kang aksyon na gagawin.)
21 comments
Resbak na ba tayo??
Haha okay na po ate hehe
hehe mabuti kung ganun, ading. hugs!
Yeah I agree di maganda idegrade ang isang tao sa harapan ng marami. Naranasan ko na din yan.
Masakit po diba na hindi manlang nila maramdaman na masakit na sa kalooban ang pinaggagawa nila..thank you for reading..
Tama, di ko alam kung paano ang approach na ganyan. It needs a diplomatic approach. Hayy..
Jeje basta huwag lang maghamak o ipahiya ang isang tao para walang masaktan especially in public hehe
Rason kung bakit malapit ako sa magulang ko kasi sinasabi ko sa kanila mga problema ko..yung very light ay di ko na sinasabi hheh
Tama po communication is the key.
kawawa naman. ika nga watch your words.Hindi ibig sabihin na nakikisàbay siya eh,ok lang sa kanya.Kahit mnlang sana isang kaibigan nasakluluhan sya sa problema niya .
Wala po siyang sinabihan sa problema niya akala niya titigil ang kanyang pamilya pero hindi eh kaya ganun ang nangyari
kawawa naman sya..sana masaya na sya sa piling ni god.
Ate fiction story lang yan, ng aming guro dati pero kahit storya lang siya masakit at mabigat dahil nagyayari yan sa totoong buhay.sa akin nangyayari yang minsan.hehe
ay kala ko naman totoong buhay sis haha ang seryuso ko dito.Wag ka padadala sis sa problema,magdasal kà pag nakakaramdam ka ng ganyan
Hehe nadala po kayo okay lang po yan ibig sabihin nakarelate din po kayo sa akin hehe
Lagi ako nasasabigan ng ganyan, minsan tahimik nalang ako pero ansaket non hype
Mahirap po yan lalo na kung hindi sila aware na nakakasakit pala sila.
Wala tayong karapatan na ipahiya ang sinuman dahil ang taoy may damdamin at nasasaktan.
Haay sana talaga isipin ng iba yan bago magsalita. Hehe
No one has the right to degrade anyone, in public or private.
sana nga may mga taong wala sa isipan ang mangpapahiya at manghamak ng kapwa tao.