Ikaw anong reactions mo pag pinupuri ka?
Ngayong araw inisa- isa kong pinuri yung mga kasama ko dito sa bahay. Tignan ko lang yung magiging reactions nila haha. Naalala ko kase yung takdang aralin namin sa english which is observing response and reactions upon complimenting people. Natawa ako ng bonggang-bongga kase may mga pahumble, hindi umamin at yung iba nagyabang haha. Pinuri ko sila isa-isa at talagang inobserbahan ko yung mga reactions nila. Good thing na bumisita yung dalawa naming pinsan pagkatapos nilang malaman na free covid na kami bumisita sila dito sa amin. **Puri at Reactions/Response** **Unang kapatid** **Papuri:** Uy bakit blooming ka ngayon ang ganda mo ah! Sino nagpapaganda sayo? **Reactions/Response**: Ha? parang hindi naman. Praning huwag mo nga sirain araw ko. (**Siya yung taong ayaw niyang nakakarinig ng compliment base sa reactions niya haha Parang hindi siya sanay na may pumupuri sa kagandahan niya kase may kasama pa siyang irap eh.** **Ikalawang kapatid** **Papuri:** Uy sipag mo ngayon na! Inspired ka ata? Anong nakain mo? (**Actually hindi siya masipag tamad yan haha tignan ko lang yung reactions niya)** **Response/Reactions:** Bakit ngayon mo lang ba napansin. Yan kase puro cellphone. Yan tayo eh napapansin lang pag walang internet. (**Siya naman yung taong mayabang pag pinupuri haha magaling siyang makibagay. Magaling siyang makipagsabayan at alam niyang iwala yong topic hehe).** **Ikatlong kapatid** **Papuri:** Uy lalo kang gumwapo sa suot mo ah. Saan punta mo? **Response:** Manahimik ka nga diyan. Baka may makarinig sayo at madiskubre pa ako. (**Siya naman hindi ko alam kung may pagkayabang o ano dahil ngiting-ngiti naman siya nung pinuri ko siya, ayaw umamin haha naggagalit-galitan pero masaya naman sa narinig haha)** Sana sa dalawa kong pinsan may maganda at seryosong sagot akong makuha. hehe. Bakit kaya sa mga kapatid ko walang nagpasalamat yung isa lang yung binola ko pero yung dalawa totoo naman haha pero natuwa ako sa reaction nila haha seryoso pero ngiting-ngiti naman nila after ko silang purihin hehe. **Punta naman tayo sa cousin namin** **Unang cousin:** **Papuri:** Ganda mo ah. Anong secreto mo pumuti ka ah! **Reaction/Response:** Uy talaga? Pwede na akong mapansin ni Crush? Di nga? hindi ka nagjojoke?. Tara coke tayo. (sabay hablot sa aking kamay papuntang store) (**Haha natawa ako sa kanya, parang first time niyang makarinig ng papuri hehe pero sa personality niya kwela siya kaya ganun yung reaction niya walang dull moments sa kanya eh hehe)** **Ikalawang cousin!** **Papuri**: Uy pumayat ka. Effective brown rice mo cousin! **Response**: Salamat! Kailangan eh para laging healthy mahirap na pag bumalik ako sa dati kong katawan. Pero wala akong pera dito ah baka nagpapalibre ka diyan. Diko dala wallet ko! (**Sa wakas tinanggap ang papuri, yun ngalang iniisip niyang magpapalibre ako hehe)** Sabi ng teacher namin dati may mga taong gustong gustong makarinig ng papuri mayroon ding hindi at hindi matanggap yung papuri dahil akala nila hindi totoo, yung iba naman pahumble hehe. Denedeny nila kase hindi sila sanay makarinig ng papuri. At ayon sinubukan ko sa mga kapatid at pinsan at totoo yung sinabi ng teacher namin. Yung pinasa kong activity sa teacher namin noon ay hindi masyadong maganda dahil nahihiya akong magcompliment sa ibang tao noon kaya medyo kulang yung sagot ko. **Ikaw ano reaction mo pag pinupuri ka?**
37 comments
Mag papasalamat ako sis of ako pinuri at sigurado na may blush pa yong face ko sa hiya
Ganun din po ako minsan hehe nahihiya nga din po ako hehe
Kaya nga hehe
Mag thathank you ak, ading, pero yung di naman exagge! hehe
Bet ko yan ate hehe
Hahaha depende sa nagcocomplement sa akin. Pero nahihiya talaga ako kapag pinupuri ako 😅
Haha ako din..bakit kaya lahat ata tayo di sanay sa compliment hehe
Hahahhaa ako nahihiya..pero nagpapasalamat pa din.
Parehas tayo bhe..pero ang ganda mo pala hehe
Hahahahha naku nung hndi pa uso ang Tao?? Salamat bhe..hahahahhah
Uy bhe grabe ka naman sa sarili mo..blooming ka ngaeh kahit sinasabi mong stress ka hindi naman wala sa looks hehe
Masarap purihin sissy nakakataba ngbpuso pero shy aqo lalo kapag pinupuri. Hahaha ganon nga ba talaga?
Ganun din ako ate nahihiya din ako lalo. Pero ate mabait ka no joke..
Hahaha lokaret ka talaga sissy, salamat pero mabait ka din. Pero alam mo sissy nakadepende ang ugali ko sa ugali ng kaharap ko. May nakatago akong sungay sa mga taong iba din ang ugali 🤭
Aaay iba ka din po bang magalit ate?
Oo sissy hahaha iba akong magalit 😂 super emotional din haha
It depends kung sino ang pumupuri, nafifeel ko kasi if it is fake or sapilitan. Awkward if ganun but if I feel na sincere yung papuri then I will be glad and humbled.
Haha ako pag napupuri ako nahihiya ako lalo hehe
Hehehe :D
Hehe tuwang tuwa ako sa mga reactions nila sis.😄 Ang cute lang pakinggan. Hehe ako pag nakarinig ng papuri nginingitian ko lang di ako sumasagot.☺️
Hehe ganun po ata yung feeling kapag sincere yung compliments..
Nakakatuwa reaction nila hahaha, ako pag pinupuri inoobserbahan ko din kung nagjojoke bs, nang aasar o nanloloko. Nakakapambiktima kasi talaga minsan yung pagcompliments haha
Haha opo kase po dinadaan din nila minsan sa lokohin eh tapos sasabihin nila at the end naniwala ka naman hehe kaasar sila hehe
Ako pag pinupuri. Depende sa pamuri at kung sino ang pumuri hahaha. Lahat yan naging reactions ko na sa mga pumuri sakin pero iba ibang tao at iba iba sinasabi syempre. Pero most of the time, pahumble. Haha.
Ay goodmorning! Aga mo ngayon na hehe Aaaaaah maging humble pa rin tayo pero alam mo yun pag nagsaya sa papuri nila tapos sasabihin nilang joke lang naniwala ka naman bwisit ginagawang katuwaan minsan hehe
Truuuueee kaya madalas hindi ko pinapansin haha
Oo nga no snobin nalang hehe
Ntwa ako sa bro mo na bka may mkadiskubre hahaha. Yoko pinupuri na donya dw ako hahaha.. Sabi ko wag ka maingay dyan bka may holdaper at mga resibo lng makuha sa akin hahahaha
Hahahaha ate natawa din ako diyan sa sinabi mo ate hehe
Kala ksi nila mayman ko ksi ofw dw partner ko.. Kaloka sila dami alam
Hehe mas maalam sila ate kaysa mismmong nagtratrabaho hehe
Anong reaction ko kapag pinupuri ako? Wala po akong Pera..hahhahahah
Hahahaha sinasabi daw yan ng mga kuripot hehe joke lang po..
Ahahahhahahaha
Kapag may pumupuri sakin, I'll just stay being humble pero deep inside tuwang tuwa ako hahahah especially kapag alam Kong Di naman siya nagbibiro sa sinasabe niya ahhaha. Pero mostly, nagsasabe lang ako " ayy, thank you po"
Humble ka nga hehe
Hehe gustong gusto ko din pinupuri ako sis lalo na ng mahal ko.. sobrang nkakakilig yun lalo na sasabhan ka na ang ganda mo ngayon blooming ka ang sexy mo.. talagang kinikilig buong katawan ko kapag pinupuri niya ako ng ganun hehe..