OH No! Manananggal si Inay?

10 50
Avatar for Zcharina22
2 years ago

13 July 25, 2021

Tagalog Fiction Story

Sa aking paglalakad, napapatanong ako bakit ang lagkit ng tingin ng mga taong nadadaanan ko. May dumi kaya sa aking mukha? May nagawa ba akong kasalanan sa kanila? Bakit ganun nalang sila makatingin? Alam niyo yung feeling na hindi mo alam kung bakit, hindi mo alam kung saan ka nagkamali, hindi mo alam kung saan ang mga tingin na yun na parang gusto na nila akong patayin.

Nagtanong ako sa aking nanay kung bakit ganun na lamang makatingin ang mga tao sa akin na wala naman akong alam kung anong nagawa ko sa kanila pero imbes na sagutin ako ng aking ina pinagalitan pa ako at sinabi niyang huwag nalang akong lumabas ng bahay.

Bakit ganun si Inay paano ako makakapag-aral kung magkukulong ako sa aming bahay. Hindi ko sinunod si Inay dahil alam kong wala akong ginagawang masama titiisin ko na lang ang tingin ng mga tao sa akin magsasawa din sila.

Sa aming eskwelahan, may bumato sa akin ng papel alam kong hindi lang basta papel yun dahil masakit yung natamaan alam kong may bato sa loob ng papel na yun. Hindi ko sila pinatulan dahil alam kong walang kakampi sa akin dahil baguhan lamang ako sa aming eskwelahan. Ewan ko ba kay Inay bakit kami nandito gayong maganda naman ang buhay namin sa Maynila.

Hindi ko siya maintindihan, buti sana kung siya lang mahihirapan, hindi kaya niya ako inisip na mas gusto ko sa siyudad bakit dinala niya ako dito. Ang daming taong masasama wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero sila para silang leon na laging nakahanda sa pag-aaway.

Kinuwento ko kay Inay na may bumato sa akin sa eskwelahan, wala manlang akong nakitang concern sa kanya. Magtiis daw ako dahil ginusto ko daw yun. Kung hindi daw ako pumasok edi sana hindi ako nasaktan. Tinanong ko siya, kung bakit ganun nalamang ang trato ng mga tao sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi salot daw ako.

Bakit ganun? Paano ako naging salot eh wala naman akong ginagawang masama. Sinabihan ko si Inay na kay Lola na lang ako titira, ibang probinsiya ulit. Alam kong mabait si Lola dahil minsan ko na siyang nakasama, alam ko mas mabait siya kaysa kay Inay na simula't sapol walang pakialam sa akin. Ganun nalang ang gulat ko ng makita si Inay na lumilipad sa taas. Agad akong nawalan ng malay dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Kinabukasan, bisita namin si Lola. Totoo kaya yung nakita ko kagabi na manananggal si nanay o panaginip ko lang, pero alam kong totoo yun dahil nakita ko pa itsura ni inay ng makitang nagulat ako. Kung manananggal si Nanay manananggal rin ako? Oh no! Kaya ba ganun na lang makatingin ang tao sa akin? Pero bakit normal ako iba ako sa kanila. Sana may alam si Lola at sana sana payagan din ako ni Inay na doon na ako kay Lola titira.

Ng makita ko si Inay, bigla akong natakot dahil iba ang itsura niya ngayon parang mangkukulam na manananggal. Dati naman na siyang ganyan pero ngayon ko lang napagtanto ang dami niyang kwentas at lagi siyang nakasuot ng itim never ko pa siyang nakita na nagsuot ng ibang kulay. Kaya pala pinapagalitan ako kapag nagsusuot ako ng kulay puti na damit. Tinatanong ko siya kung anong mali at kung anong masama sa kulay puti na damit. Sabi niya sumunod nalang daw ako. Pero minsan hindi ko siya sinusunod. Napaisip ako kaya ba masama ang tingin ng tao sa akin dito dahil minsan nagdadamit ako ng kulay puting damit? Manananggal ba lahat ng tao dito? Oh no! What to do!

Ng mapansin ako ni Lola ng nakatulala at takot kay Inay, pinuntahan niya ako at yumakap siya sa akin. Nakaramdam naman ako ng relief dahil alam kong ligtas ako kay Lola. Sabi niya isasama na daw niya ako pauwi sa kanila.

Ng makauwi na kami sa kanyang bahay, nakaramdam ako ng pagod dahil limang oras din ang byahe namin. Kinabukasan kwinentuhan ako ng aking lola dahil alam niyang may nalalaman na ako.

Sabi niya, hindi daw ako manananggal dahil ang totoong anak ni Inay ay napagpalit ako sa iba. At never akong magiging manananggal dahil nalunok ko daw noong bata ako ang batong protection sa mga manananggal. Ibig sabihin kapag kinagat ako ng manananggal mamatay ang kakagat sa akin. Huli na daw noong nalaman ni Inay na hindi niya ako anak. Sa kasalukuyan hinahanap na ang totoong anak ni Inay. Dahil ang anak niya ang gagawing leader nila sa hinaharap.

Ayun nasagot din lahat ang katanungan ng aking isipan. Hindi man naging mabait si Inay pero hindi ko siya masisisi dahil alam kong wala naman akong silbi sa kanya buti nalang mabait ang aking lola. Sabi ni lola, ang kagat niya lang pwedeng makakawala ng bisa ng batong nalunok ko dahil siya ang gumawa ng kwentas para kay inay noon. Ang batong yun ay para dapat kay inay dahil marami daw ang tumutugis sa kanya dati, kaya ang nangyari yung isa pang bato na kay lola ay binigay niya kay Inay na dapat ay kay lola. Kaya pala takot si Inay kay Lola.

Dito na magtatapos ang aking kwento.


Ang kwentong ito ay gawa-gawa ko lamang kung may pagkakatulad sa ibang storya ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.


Ni hao! Goodnight!


Lead image source:

https://pixabay.com/illustrations/halloween-witch-s-house-the-witch-2893710/

4
$ 1.66
$ 1.45 from @TheRandomRewarder
$ 0.06 from @Winx1988
$ 0.05 from @mommykim
+ 2
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Hhahaha.. Isa s mga kinakatakutan at panakot sa amin para di kmi lumabas o magpagabi sa labas noong bata kami😂

$ 0.02
2 years ago

Hello, salamat naman at napadako ka sa timeline ko hehe nasa noise.cash ka rin ba? pwede din tayong maging friends don hehe

$ 0.00
2 years ago

Dito lng muna sa readcash at mahirap magmaintain hahhah.. Lalo pag pasukan na tutok uli s modules mga kids hehe

$ 0.00
2 years ago

Mas madali ngapo doon short post lang pero kayo po bahala hehe

$ 0.00
2 years ago

Sabi ko na nga ba hindi sya talagang anak e hahaha. Wag lang siya kakagatin ni Lola. 😂

$ 0.03
2 years ago

Hahahhaha yun lang po..mabait naman po si lola diyan hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahaha oo mukha naman nga haha

$ 0.00
2 years ago

grabe ha..buti kinuha xia nang Lola niya...ntakot nman ako dito...di ko talaga bet ang horror eh

$ 0.03
2 years ago

I expected po na hindi niyo po babasahin haha kasi alam ko po na takot po kayo sa mga horror na storya or movies haha..salamat po mommykim.

$ 0.00
2 years ago

binasa ko kasi na curious ako tapos nanindig balahibo ko..buti natapos ko hahahah

$ 0.01
2 years ago