Nawalan na ng tubig, naiscam pa!
Good Evening Everyone! Today is Thursday and last day of the month of March. Hows your month ended? Days flies so fast hindi natin namamalayan baka bukas pasko na haha.
Sa pagtatatapos ng buwan ng Marso maraming mga tao dito sa amin ang nagreklamo o nairita sa walang abisong pagputol ng connection ng tubig ng maaga. Kadalasan sa gabi (10pm hanggang 4 am) sila nagpuputol ng connection ng tubig.
Kaya marami ang nagulat ng mawalan ng tubig ng bandang 12pm. Marami ang hindi handa kaya naman marami ang walang ligo kaninang tanghali dahil sapat lamang sa paghuhugas ng pinggan ang naipon nilang tubig. Iyong iba humingi na ng tubig sa mga kapitbahay na may maraming naipon na tubig para panluto ng pagkain.
Samantala, bandang 5pm ng hapon may namigay ng stub para sa campaign rally ng kandito. Inaasahan ng mga tao na may bigas na ayuda o ibibigay after ng campaign. Karamihan ay pumunta lamang para sa bigas kaya naman marami ang busangot ng mukha pagkatapos ng rally ng makitang burger lamang ang binigay at kinulang pa dahil ang mga nasa harap lang ang nabigyan.
Sabi nila naiscam daw sila ng kandidato Mahigit dalawang oras din ang rally bago natapos. Nagsayang lang daw sila ng oras sa pag-aakalang may ayuda. Ayon pa sa kanila say no sa scammer sa halalan.
Oh, sinetch etey nang scam?