Goodmorning noisemate! Ngayon lang ako mag susulat ng maaga dahil mamaya maglalaba na ako ng aking damit. Gusto ko pang matulog pero kapag iniisip ko mga labahin hindi na ako nakakatulog ng maayos hehe.
Inagahan ko ng magsulat dahil mamayang gabi magbebake si Doc CL ng cake baka maging busy na rin ako the whole day dahil sa dami ng orders ng cake kada araw. Medyo mabagal pa akong kumilos ngayon dahil sinisiguro kong maigi kung tama ba binibigay kong sizes ng cake kung may candle ba o greetings hehe. Medyo pangit sulat ko sa pagsusulat ng greetings kaya ginigising ko si Doc CL nakakahiya man pero kailangan kong gawin hehe.
Araw-araw natataranta ako pag marami ng riders sa labas. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko hehe. Medyo natakot ako sa work ko ngayon kase baka hindi ko siya magawa ng maayos at baka maibigay ko yung cake ng walang bayad hehe kase online ang transaksyon eh. Nagbebase lang ako sa screenshot ng payment ng customers eh. Ang daming dapat kabisaduhin ang importante sa lahat yung payment eh kung Cash on delivery ba o trough gcash ba ang payment. Hindi pa naman ako magaling magkabisado ng pangalan at lugar kaya lagi akong silip ng silip sa sheet kung bayad na ba o hindi. Pero umaasa akong makakabisado ko din balang araw pero kung hindi uwian na hehe. Nakakahiya naman pag binabayaran ako pero mali-mali naman pala ginagawa ko hehe.
Haggang dito lamang po catch-up po ako later! Ingat po kayong lahat!
Laba dami na naman sis. Swerte niyo naman sis kasi daming order na cake