Nakakairita yung mga mga riders na nagdodorbell na hindi pala dito yung pupuntahan. Limang riders ang naliligaw dito kada araw para mag-pick up ng delivery pero hindi naman yung products namin dito ang sinasabi at iyong mga pangalan na binabanggit ay wala sa listahan. Minsan pa nga pinagpipilitan pa na dito talaga yung address na binigay.
Kapag hindi ko na mapilit yung riders na hindi talaga dito yung hinahanap nila ay ginigising ko na si Boss. Nakakahiya man pero kase mapilit sila. Sila pa kase ang galit eh, sinabi ko na ngang kontakin ulit kung sino ang nagpabook at para matanong na rin kung saan talaga ang address nila.
Nakakainis kase naiistorbo yung oras sa pagkain, pagbalik ko wala na yung ulam ko kase nakakalimutan kong takpan madami palang pusang gutom dito. Kailangan kase pag nandiyan na ang riders sa labas kailangan asikasuhin agad kase kapag nag-antay sila ng 5 minutes dagdag fee iyon. Magagalit na naman yung mga customers sa amin.
Kaya pala laging dito ang dagsa ng mga riders kase ang mga kapitbahay ay pinipin nila address namin sa google map sa mga riders inshort address namin ang binibigay nila kase dito lang ang nakawaze sa google map dito sa subdivision namin. Para lang sana iyon sa business ni Doc CL pero mga kapitbahay dito nakikigamit na rin kainis ako iyong naiistorbo.
Sabi ni Doc CL kunin nalang daw yung order nila at kainin haha. Sana lang makonsensiya ang mga kapitbahay dito sobrang hassle kaya iyong ginagawa nila masyadong takaw oras kase umaabot kami ng 15 minutes kakapilit na hindi kami yung nagpadeliver o nagpapick-up ng delivery.
Mga riders nagkandaligaw-ligaw dahil mga kapitbahay nakikiaddress sa amin. Diyos ko mga istorbo sila.ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
Hahaha kaloka mga riders na yan bunsoy.. Naistorbo ka pa sa kain mo😅