Mga pamahiin ni mama tuwing bagong taon🙂

4 34
Avatar for Zcharina22
2 years ago

May pamahiin ba kayo kapag first day of the year? Natawa ako kay mama ang daming pamahiin lol.

1. Gumising ng maaga

Sino dito gumising ng umaga kahit puyat? Well si Mama puyat man o hindi maaga siyang gumigising tapos sinasama niya kaming gumising ng maaga dahil naniniwala siyang kapag sinimulang gumising sa unang araw ng taon ay maging tuloy-tuloy na daw. Pinagalitan niya kaming lahat dahil late na kaming gumising. Narinig ko siyang ginigising niya ako ng 5 am kanina pero hindi ko pa kayang gumising lol. At iyong iba ko pang kapatid ay lasing kaya wala siyang nagising kanina haha.

2. Kapag nakapulot ka ng pera sa unang araw ng taon ay pwedeng gawing anting-anging or in Ilocano an anib. Nakapulot kasi siya ng 20 pesos kaninang umaga sa daan ang saya niya dahil mukhang sweswertehin na siya this year.

3. Bawal ang tamad

Kahit tinatamad ako kanina pinilit kong maging masipag para hindi ako tamadin buong taon. Nag general cleaning ako haha lol iyong iba happy time pa nila😊.

4. Bawal gumastos tuwing bagong taon.

Hays ang daming pamahiin ni mama hindi naman masamang maniwala kaya go nalang ako para wala madaming satsat hehe. Kayo may pamahiin din ba ako sa bagong araw ng taon?

Oras na naman para gumawa ng new years resolution hehe..

5
$ 0.79
$ 0.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.01 from @jasglaybam
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Hehehe kabaliktaran nmn sakin. Super tinatamad na ako bumangon after ng maingay na putukan ag puyat hehe, tapos kpg new year e2 ung time na magastos aqo at namimigay 😁

$ 0.00
2 years ago

Ate nasa pinas ka na ate?

$ 0.00
2 years ago

Ang daming pamahiin ni mama mo ngayon ko lng nalaman na puede palang gaeing anting anting pag nakapulot ng pera

$ 0.00
2 years ago

Hindi ko po alam kung totoo pohehe

$ 0.00
2 years ago