Meeting a rude customer today!

2 14
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Tagalog alert! Hehe

Hello kamadlang readcash! Gusto ko lang ikwento iyong customer namin kanina.

Bago ang lahat ang ganda-ganda ng araw ko, iyong tipong ganadong-ganado ako sa aking ginagawa. Wala lang feel ko lang iyong trabaho ko today. Pero sa kasamaang palad may isang customer na ayaw ang tinatanong. E anong gagawin ko bago ang lahat naman talaga tinatanong ang isang customer kung magpapadiscount sa mga products na pinamili niya. Sa SM kasi ako nagwowork. Ang rude niyang kausap at masyadong maarte tinakot pa ako na kapag daw hindi ko magawa ng maayos iyong work ko ipapacancel niya ang kanyang pinamili. Sa akin okey lang walang kaso iyon sa trabaho ko kase pwede naman iyong papost void. Ang akala niya siguro ay machacharge sa akin iyong mga pinamili niyang items pero hindi niya alam ay pwede iyong macancel anytime she wants.

As emplayado kailangan maging pasensyoso ka kase kung parehas kayong palaban ay baka ikaw pa ang madali sa huli kahit wala ka naman talagang kasalanan. Muntik ko na siyang patulan talaga iniisip ko lang iyong napakahabang pila baka kasi ako ang pagalitan sa management eh. Imagine ayaw niyang palapag iyong mga pinamili niya paano ako makakakilos kung hindi ko ilalapag iyong mga frozen na pinamili niya. Hayst hindi naman siya ganun katanda pero kung umasta daig pa ang senior cutizen sa kaartehan.

Hayst ang hirap kapag may mga rude na maarte na customer. Gusto nila sila nalang iyong nasususod kapag ayaw nila sayo isusumbong pa sa customer service. Hayst buhay!

Matutulog na sana ako kaya lang kakain ko lang hehe.. Pasensya sa rants ko today hehe!

Goodnight! Mga kapwa Pilipino!

3
$ 0.20
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Yan mahirap pag nakatagpo ng ganyang customer sis. May mga tao talaga na di mo maintindihan bakit sila ganun.

$ 0.00
1 year ago

Kaya hindi ako nnainiwala that customer is always right. Hindi eto makaturungan lalo na sa mga saleslady na wala namang kasalanan. I know na hindi po madali ang trabaho niyo, kaya I salute you how you manage your temper and give a lot of patience kahit na pasabog kana. Anyways, always be safe at work po. 🤗

$ 0.00
1 year ago