Malapit ng Matapos ang aming kontrata!

9 29
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Hello readcash fam! Hindi ako masyadong nakabisita sa noise at dito dahil sa dami ng gawain. Nakakapagod ngayong araw na ito kahit assisting customers lang ang ginawa ko buong maghapon, nanlumo ako. Hindi ko kase namalayan ang oras ng pagkain, tangahali na pala kanina, hindi naman pwedeng paghintayin ng matagal ang mga customers dahil siguradong magagalit sila.

Dahil hindi ko nahawakan ang aking cellphone ng maghapon marami akong nakaligtaan na chat mula sa aking mga kapatid at kaibigan. Huli ng mabasa ko ang text ng aking kapatid na kailangan daw niya ng load para sa online class niya. Nagalit na din siya dahil pinangako ko sa kanyang ako ng bahala sa load niya ngayon pero sa kasamaang palad nawala sa isip ko.

Double pagod ang naramdaman ko today, daming orders, kahit wala si boss tuloy tuloy ang trabaho. Ngayon ang kanyang dating at balak naming magrequest ng day off pag kami ay kanyang tinipon. Kailangan din kasi ng pahinga ang ating katawan, kahit isang araw lang, sana pumayag siya.

Ang nakaka stress ang pag iinventory after ng lahat ng gawain, pagod na ako physically mapapagod pa utak ko hehe. Tapos dadami pa ang aming ibebenta bukas maraming frozen foods ang dinala ni sir. Inaantok na kami pero dahil kailangan namin siyang hintayin hindi pa kami natutulog.

Ganito pala ka stress pag maraming gawain hindi ko na maasikaso pati pagkain ko. Sabi ni anti konti lang daw ito pag peak season wala na daw upo upo dahil sa dami ng orders. Dahil uuwi na si anti by dec. uuwi na din ako matatapos na din ang aking kontrata malapit na din hehe konting araw nalang.

Sana gabayan kami ng Diyos araw-araw at tulungan niya kami sa lahat ng aming gawain. Sana healthy pa rin kami kahit laging pagod.

6
$ 1.39
$ 1.30 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @John28
$ 0.03 from @jasglaybam
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Ingat po kayo palagi and wag papaliban ng oras ng pagkain mahirap na haha

$ 0.00
3 years ago

Hehe thankyou😊

$ 0.00
3 years ago

Wag kalimutan ang pagkain sis, bawal magkasakit. Swerte kayo at maraming orders kaya lang pagoda ka talaga.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis.

$ 0.00
3 years ago

Kayang kaya mobyan kaunting kembot na lang

$ 0.00
3 years ago

Opo isang buwan nalang hehe

$ 0.00
3 years ago

Wag mo rin kalimutan magpahinga sis. Kailangan yan ng body natin. Dapat healthy tayo palagi. Mag dasal ka palagi at alam ko gagabayan ka ng Panginoong Diyos sis. Mag ingat ka palagi... 🙏

$ 0.00
3 years ago

Yes po. Thank you😊

$ 0.00
3 years ago

You're always welcome sis...

$ 0.00
3 years ago