Ang hirap makisama sa taong pakitang tao lamang o di kaya'y plastic. Mayroon kaming kamag-anak na wala ng ginawa kundi sirain kami. Matagal na niyang ginagawa yan sa amin, pero buti nalang aware ang mga tao sa kanyang paligid. Yung nakikinig nalang yung mga tao sa kanya pero deep inside hindi sila naniniwala sa kanya. Kung hindi lang siya asawa ng mabait naming uncle na yumao na ay hindi namin siya papansinin. Nakakainis lang kung ano-anong sinasabi sa uncle naming abroad.
Minsan nahihiya siyang umutang sa mga kapitbahay noong walang-wala siya dahil siya mismo ay hindi mautangan. Natural na mahihiya kang humingi ng tulong kung alam mo sa sarili mong ikaw mismo ay hindi ka tumutulong sa kapwa tao.
Naalala ko siya dahil kaparehas niya ang girlfriend ni boss. Yung mabait siya sa una pero hindi pala siya totoong mabait. Nakakainis lang dahil nasagi ko lang siya ng konti kanina ay yung mukha niya hindi na maipinta nag sorry naman ako.
Bakit kaya may mga taong nagfefeeling feelingan hindi naman sila talaga iyong boss mo. Minsan nga mas strict pa sila kaysa mismong boss mo eh . Nakakainis talaga yung mga ganitong tao yung mabait lang sa una pero hindi pala sila mabait. Magaling silang mag observe tapos kung ano anong sinasabi sa mga tao. Nagpapakitang gilas pero wala namang binatbat hehe yan ang sabi ni besty.
Sabi ni besty tinitiis natin ang mga ganitong tao dahil malaki ang respeto natin sa kanila. Pero bakit sila hindi nila tayong kayang irespeto. Anyway bahala na sila ang mahalaga alam ng tao totoong kulay nila.
Yan ang tinatwag na feelingerang frog hahaha... Di yan uubra sa akin bunsoy ksi foul agad. Wag ako tlga hahaha.