I have story in my mind na biglang nagpopop-up sa aking isipan and I wanted to share it here. Hopefully mailarawan ko siya ng mabuti.
There is this one woman in my mind na sobrang mahiyain sa sobra ng hiya niya hindi siya nakakain ng maayos inshort nagkasakit siya ng hindi kanais-nais. Tinatanong niya sarili niya bakit siya nahihiya gayong wala namang kahiya-hiya sa kanya. Naapektuhan na din ang kanyang pag-aaral. Marami pa naman siyang pangarap sa buhay.
Hindi niya alam kung paano siya makikisabay sa labas ng kanyang silid o bahay. Bakit ba kase mahiyain siya paano nalang iyong kanyang mga pangarap sa buhay.
After niyang magpagaling humingi na siya ng tulong sa kaniyang ate na medyo maldita. Hindi siya makapag open ng maayos dahil alam niyang huhusgahan siya kaagad. Sabi ng kanyang ate kulang siya ng confidence sa kanyang sarili. Wala namang mali sa kanya talaga over thinking lang siya.
Pagkatapos ng isang linggo nababagot na siya sa daily routine ng kanyang buhay kase naman hindi siya lumabas ng isang linggo sa silid lang siya nagmunimuni and she wanted to end that misery of her life.
Alam niyang darating ang araw na kailangan niyang harapin ang kanyang buhay kaya naman after niyang nagmuni-muni ng isang linggo napadesisyunan niyang ibuild-up ang kanyang sarili. Inuunti niyang nakipagsalamuha sa mga tao hanggang siya'y nasanay.
Wala siyang pagsisi na ginawa niya iyon dahil nagkaroon siya ng maraming friends. Hindi na ganoon kalungkot ang kanyang buhay. Napag isip isip niyang wala siyang ikahiya hanggat wala siyang ginagawang masama. Masaya siyang naorvercome niya ang kalungkutan sa buhay🙂
Parang ako lang, pero nakaya ko naman na unti unting bagohin pero hindi parin natanggal ang hiya ko sa public iyon madami na nanood sa akin