Its a Prank! Group Hugs!
Happy new month everyone! Grabe ber months na malapit na naman ang pasko hehe. May naalala akong prompt dati na magkwento using pov. lang at gusto ko iyong subukan ulit hehe. Ito ay pov. ng magkapatid na aking ginawa.
Ate: Bakit ang bigat naman ng responsibilidad ng isang panganay. Lahat nalang inaasa sa akin. Tumulong naman kayo, kung hindi kayo makatulong financially, magtipid-tipid naman kayo. Alalahanin ninyong ako lang ang nagproprovide sa inyo, akala niyo ba madali lang ha! Bilisan niyong mag-aral at magsilayas na kayo akoy napapagod na eh.
Bunso: Ate nagiging pabigat na ba kami sayo? Pwede akong huminto sa pag-aaral muna at magtrabaho nalang muna. Ipagpapatuloy ko iyong pag-aaral ko kapag nakapag-ipon na.
Gitnang kapatid: Bakit hindi mo kami tanungin ate. Nakokonsensiya din kami sayo minsan nga gusto ko nalang lumayas dito para mabawasan ka ng gastusin at problema. Pero alam kong hindi iyon ang solusyon at ayaw kitang iwanan ate. Mahal ko kayo ni bunso. Kaya sana tiisin mo muna kami ni bunso, balang araw ate matutulungan ka din namin. Huwag niyo po kaming sukuan please lang ate. Ikaw lang iyong makakatulong sa amin ngayon dahil pati ako hindi na umaasa sa ating mga magulang.
Bunso: Ate pasensiya ka na kung nadedelay iyong mga personal mong pangarap dahil sa amin. Ramdam namin iyong sakripisyong ginagawa mo para sa amin ate. Pasensiya na kung marami akong pinaggagastusan sa eskwelahan at kung minsan hindi ko nagagawa iyong responsibility ko sa bahay dahil sa paovernight ni teacher sa school. Ganun pa man ate ginagawa ko ang best ko para maipasa ko lahat ng subject ko ngayon. Dahil gusto kong maging proud ka sa akin.
Gitnang kapatid: Kasalukuyan na akong naghahanap ng trabaho ate. Sana matanggap ako kahit wala pa akong experience. Pasensiya din ate kung sa tingin mo hindi kami nag-eefort ni bunso para matulungan ka ay mali iyon ate. Dahil ginagawa namin ni bunso ang lahat matulungan ka lang. Pasensiya ate dahil ikaw ang naging panganay namin at ikaw ang umako sa responsibilidad ng ating mga magulang. Minsan ate ayaw kong tanggapin iyong perang binibigay mo sa akin at my age kasi independent na dapat ako pero heto ako ate dependent pa rin ako sayo. So sorry ate for being underachiever. Sa totoo lang ate hindi ko alam kung kung anong gusto ko sa buhay. Sobrang naguguluhan ako feeling ko wala akong kayang gawin, feeling ko wala akong silbi. Ikaw ang nagpapalakas sa akin ate tuwing uuwi kang pagod sobra akong nakokonsensiya ate kasi naging pasanin mo kami sa buhay. Siguro kapag wala kami ate may sarili ka ng pamilya at anak. Siguro masaya kana sa buhay. Pasensiya na talaga ate.
Bunso: Ate ikaw na ang tumatayong magulang namin kung susukuan mo kami dahil napapagod kana, tutulong kami sayo ate sa abot ng makakaya namin. Please lang ate huwag mo kaming sukuan.
Ate: Hoy bakit ang drama niyong dalawa. Siyempre hindi ko kayo susukuan pamilya ko kayo eh. Grabe prank lang iyon saan nanggagaling iyong very dramatic at emotional kayo. Hayyayyay hindi ba ako naging mabuting ate sa inyo bakit kayo nagmamakaawa diyan haahahahaha effective pala iyong drama ko. Huwag kayong mag-alala line iyon ng pinapanood kong drama obviously prank lang din iyon sa kanyang mga kapatid at pare-parehas kayo ng reaction natakot, nakonsensiya at nagmakaawa iyong mga kapatid ng panganay na breadwinner. Grabe kayo uy siyempre never kong inisip na naging pabigat kayo sa akin. Alam niyo ba kayo ang inspirasyon ko sa buhay para mag work hard pa ako noh. Hiling ko lang ay maging healthy, safe and sound kayo palagi dahil wala tayong pang emergency fund alam niyo yan. Hindi pa ako nagkakabudget para diyan. Ngayon ako naman manenermon sa inyong dalawa bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin na ganun na pala ang nararamdaman niyo para sa akin. Huwag niyo akong kaawaan at magmakaawa sa akin dahil kahit hindi niyo sabihin at magmakaawa gagawin ko talaga iyon kahit maubos pa ako dahil mahal ko kayo. Lagi niyong tatandaan niyan. Halikayo nga dito group hugs nga tayo. Ako'y naiiyak sa inyo eh. Sana lang maging sapat ako sa inyo at magawa ko iyong tungkulin bilang ate niyo. Ganun ba kayo katakot sa akin ha? Kanina gusto kong Matawa dahil sa mga naging response niyo pero habang tumatagal gusto ko ng umiyak. Napaisip tuloy ako kung ano bang klaseng ate ako sa inyo at ganun nalang iyong takot niyo sa akin.
Awe, makatotohanan din naman to minsan, lalo na sa mga bread winner. Maaring hindi sila nagrereklamo o nagsasalita na napapagod na sila pero ang totoo nyan sa loob loob nila ay gusto na din talaga nilang makalaya sa bigat ng responsibilidad pero hindi nila masabi yun dahil ayaw nilang isipin ng pamilya nila na nagrereklamo sila.