Hello! Ang blog ko for today ay tungkol sa isang taong college graduate pero wala pang trabaho. Dapat ba nating ijudge ang mga taong tapos na sa pag-aaral pero wala pang trabaho at nakatengga ng 2-3 years or more? Dito sa aming bahay ng tanungin ko sila, sabi nila ay desisyon daw ng tao iyon. Kaya huwag daw manghusga dahil maaaring may mabigat na dahilan ito.
Nagtataka lang ako bakit kaya may mga taong nagsasabing "sayang ang kanyang pinag-aralan kung hanggang dito lang siya ( I mean halimbawa ang trabaho lang ng taong iyon ay sa bakeshop eh graduate siya ng 4 years course). Sa inyo po nasasayangan po ba kayo sa taong iyon dahil nasa bakeshop siya? For me kasi marami iyong mga taong ayaw iyong kinuhang course napilitan lang dahil wala ng slot noon sa gusto nilang course. Iyong iba nag-abroad at naging OFW. Pagsasabihan niyo ba sila ng "Uy sayang pinag-aralan mo dapat sa office ka". Ako personally narinig ko yan dati pinagsabihan iyong katrabaho ko ng ganun. Ng makita ko ang reaction ng kaibigan ko parang nasaktan siya. Hindi siya sumagot marahil hindi niya akalaing tatanungin siya ng ganun. Gusto kong damayan iyong friend ko pero gusto niyang mapag-isa. Nakita ko iyong nagtanong at nag-open naman siya sa akin sabi niya "Hindi ko naman siya hinuhusgahan, college graduate siya dapat mas taasan niya iyong level niya hindi ganito" May point naman siya kaya lang kasi hindi natin alam iyong talagang pinagdadaanan ng tao. Kasi mahirap ng maghanap ng magandang trabaho ngayon.
Eto iyong kwento niya sabi niya:
Oo College graduate ka nga pero ang hirap maghanap ng trabaho. Malakas at mahigpit ang kompetisyon sa ating bansa. Hindi ako matanggap-tanggap sa mas magandang trabaho dahil sa taas ng standard ng bawat kompanyang inaaplayan ko maliit man o malaking kompanya at anong laban ko sa mga may experience na. Karamihan ang mga may experience ang tinatanggap. Kahit nga cashier, crew lang diyan eh hindi ako matanggap dahil doon daw sila sa may experience at kulang daw ako sa height. Honestly hindi ko naman talagang gustong tumambay after I graduate nagkaroon lang ako ng anxiety at depression at natakot na akong lumabas. Dagdag pa iyong mga magulang at kapatid kong pinaparinggan ako. Masakit na mahirap na walang taong nakakaintindi sa akin. Ng marealize kong wala akong aasahang tulong sa mga magulang at kapatid ko tinulungan ko ang sarili kong makabangon. Pero hindi ganun kadali iyon dahil kung tinamaan ka ng depresyon laging nandiyan ang takot sa sarili ko na baka nga tama sila na forever akong palamunin at walang silbi. Ang naging motto ko lang para makabangon ay "Walang tutulong sa akin kundi sarili ko lang, huwag na akong umasang may tutulong sa akin" Akala ba nila hindi ako nasasasaktan at nahihirapan. Nasasaktan at nahihirapan din ako hindi lang nila iyon makita at maramdaman. Huwag sana nila akong husgahan dahil hindi nila alam ang aking pinagdaanan sa buhay.
Ang matanggap sa isang simpleng trabaho ay malaking karangalan iyon sa akin dahil dito ako natanggap na walang basehan basta masipag ka lang. Sa panahon ngayon kahit anong trabaho diyan ay malaking tulong kung matanggap ka college graduate kaman o hindi ay blessings na iyon for you ang mahalaga kumikita ka ng marangal. Huwag ng mapili minsan ng trabaho lalo kung nasa gipit kang sitwasyon.
Panawagan niyang huwag manghusga ng isang tao dahil hindi mo alam ang totoong nangyayari sa kanyang buhay. Maaaring ikaw pa ang dahilan kung bakit natritrigger ang sakit ng isang tao.
You know in my country there is also so much tight competition between people same like yours