I declined my friend's offer!

11 25
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Dahil sa hirap ng buhay maraming Pilipino ang nangingibang bansa dahil sa kawalan ng opportunidad sa sarili nating bansa. At isa na ang aking kaibigan. Last month inaya niya akong mag-apply doon sa agency kung saan siya nag-apply. I declined the offer dahil medyo may takot pa ako lalo na't laganap pa rin ang covid-19 at siyempre salat din ako sa pera. Gusto ko pag nag-abroad ako gastos ko lahat. Ayaw kong bigyan ng malaking problema ang aking pamilya lalo na ngayon tag-hirap.

Kasalukuan na siyang nagtre-training dito sa Maynila. Lagi ko siyang kinakamusta at tinatawagan, lalo sa gabi. Lagi ko din siyang tinatanong kung desidido na talaga siya, dahil kung ako ang tatanungin ay huwag muna. Gusto ko sanang patapusin niya muna ang covid, pero mukhang desidido na siya. Wala akong magagawa kundi supportahan nalang siya.

Kahapon nag-aasked siya ng extra money para sa kanyang pag-aaral ng lenguahe ng bansang Jordan. Hindi ako nagdalawang isip na hindian siya dahil alam kong mahirap kapag walang pera dito sa Maynila. May kamag-anak din naman siya dito pero wala daw silang maibigay kaya lumapit na siya sa akin. Sabi ko sa kanya pag kailangan din niya ng load ay huwag siyang mahihiyang magsabi sa akin. Hindi naman sa nagyayabang ako sa kanya gusto ko lang din siyang tulungan. Doon sa perang sinasabi niyang kulang niya sa pag enrol sa klase niya na 2,000 na kailangan niya by saturday ay sinagot ko na. Nawawala kase ang concentrasyon sa pag-aaral kung laging may bumabagabag sa ating isipan. Gusto ko ring ipagpatuloy na niya ang kanyang nasimulan para hindi masayang ang nagastos na niyang pera.

Actually, iyong itutulong ko sa kanya ay galing kay read at noise earnings ko last month. Earnings ko sana, pero hindi ko naman maaatim na hindi tulungan ang aking kaibigan lalo na kung may maitutulong naman akong konti.

Siguro kung hindi siya nakunan hindi siya mag-aabroad. Pero wala na akong magagawa kundi supportahan na lang siya sa kanyang desisyon. Sana lang maging ligtas siya lagi at sana makapasa siya sa training at sa kanyang pag-aaral at makahanap ng mabuting amo.

Ininvite ko siya sa read at noise noon pa pero problema niya ang gmail at internet connection. May earnings na din sana siya kahit papano hehe pero ganun talaga may mga bagay na hindi talaga para sa atin.

Noon kase pinangarap namin na same job sana kami para hindi kami maghihiwalay. Hindi ko naman akalain na sa abroad pala niya gustong mag-work at masyadong maaga pa para diyan. Lagi ko nalang siyang ipagdadasal na sana always siyang ligtas.

6
$ 1.79
$ 1.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Ayane-chan
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

You have a good heart,, God shower you more blessings,, God bless.

$ 0.00
3 years ago

Ang bait nmn ni bunsoy oh di halatang naghihirap hehehe, joke lng. Pero tma ka hirap mkahiram ng pera sa panahon ngayon. Mas mgnda ksi sahod sa abroad kya mgdasal n lng lgi na ok ang magiging kapalaran don.

$ 0.00
3 years ago

Oo ate hehe.

$ 0.00
3 years ago

Supportive na kaibigan ganyan dapat ang magkakaibigan nag tutulungan

$ 0.00
3 years ago

Yes po. Sana lang magkaroon siyang among mabait abroad

$ 0.00
3 years ago

Oo naman may awa ang Diyos, saan ba siya pupunta

$ 0.00
3 years ago

Sa jordan po😊

$ 0.00
3 years ago

Ang bait mo naman po. Good luck na lang sa kaniya. Sana mabait yung mahanap niyang amo.

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po😊

$ 0.00
3 years ago

God bless you for being a kind and supporting friend! God bless to your friend too and I hope she will be in good hands when she get there.

$ 0.00
3 years ago

Thank u.. Sana nga po😊

$ 0.00
3 years ago