Huwag tularan si Papa!

9 14
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Hello! I'm back. I miss readcash. There are times na ang daming topic na pumapasok sa isip ko pero pag open ko naman sa readcash ko walang signal mahirap ang signal hindi na tulad ng dati but anyways I hope everyone is safe. Keep safe po tayo lagi dahil sa bagong variant ng covid ay sobrang nakakatakot.

Dahil malamig na dito sa amin nagka ubo at sipon ako. Medyo may takot ako kasi baka iba na ito. Para hindi ako makawaha hindi ako naglalabas at laging may facemask mahirap na kasing makahawa lalo na't hindi pa vaccinated si Papa. Hanggang ngayon natatakot pa rin siyang magpavaccine. Hinihikayat namin siyang magpavaccine na dahil ang dami ng bawal sa mga hindi pa bakunado. Hopefully mahikayat din namin siya.

Dito sa amin talagang pinipilit ang lahat na magpabakuna na dahil ang walang bakuna ay mas prone sa sakit pag sila'y natamaan ng covid. Wala silang panlaban sa virus. Pinagdodoble ingat na naman ang lahat ng tao dahil sa nakakahawang variant ng covid na omicron.

Pinagbabawal na ding lumabas ang hindi pa bakunado. Ewan ko kay Papa bakit ang hirap niyang pagsabihan. Schedule namin kahapon pero hindi siya sumipot. Nakakahiya na din sa aming Kapitan dahil mukhang konti nalang iyong mga taong hindi pa nababakunahan at isa si Papa doon.

Paano ba siya makukumbinsi samantalang nakikinig siya ng radyo araw-araw eh panay covid ang binabalita at naririnig kong hinihikayat ang lahat na magpabakuna dahil mahirap na kapag may bayad na kahit gusto mo ng magpabakuna kung wala kang pambili ay wala na nga-nga na diva?.

Sa mga hindi pa nababakunahan magpabakuna na dahil mahirap kalabanin ang hindi nakikita. Huwag matigas ang para laging safe. Huwag matigas ang ulo tulad ni Papa. Sumunod din po tayo sa health protocol na pinapatupad dahil para iyon sa ating kabutihan.

6
$ 2.09
$ 2.00 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Murakamii.7
$ 0.04 from @King_Gozie
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Bawal lumabas na talaga sis kung walang napaka importanteng dapat gawin.

$ 0.00
2 years ago

Hayst hanggang kailan kaya ito?

$ 0.00
2 years ago

Dito sis level 3 at may trahedya pa sa bagyo. napaka hirap pero laban lang talaga

$ 0.00
2 years ago

Laging may pag-asa po laban lang🙂

$ 0.00
2 years ago

Mag ingat talaga tayo sis kasi nakakatakot talaga. Ang taas na naman ng bilang ng cases dito sa ating bansa. Sobrang nakakaba at nakakatakot.🥺

Nilagnat nga ako nung nakaraang araw sis. Sobrang kaba ko. Buti nawala siya. May sipon at ubo parin ako ngayon.

$ 0.00
2 years ago

Halos kaming lahat dito may ubot sipon na hopefully talaga hindi ito covid🙂

$ 0.00
2 years ago

Pray tayo sis. Inom kayo ng medicine sis.

$ 0.00
2 years ago

Nagkakaubosan na dinng gamot dito

$ 0.00
2 years ago

Same tayo nito sis.🥺 Buti nakabili pa kami.

$ 0.00
2 years ago