Ang kamalian ay pwedeng maging daan para magbago!

4 13
Avatar for Zcharina22
2 years ago

May narinig akong isang storya sa TV na ang isang guro ay hindi niya pinahiya ang isa niyang studyante sa klase, matapos niyang malaman na nagnakaw ito ng isang relo mula sa kanyang kaklase. Iningatan niya ang reputasyon ng kanyang studyante .

Si Rey ay maiingitin sa kanyang mga kaklase dahil siya lang ang walang mamahaling kagamitan, ng magkaroon siya ng pagkakataon na kunin ang isang relo ng kanyang kaklase ay kinuha niya ito at tinago sa kanyang bulsa. Hanggang sa nakahalata na ang kanyang kaklase na nawawala ang kanyang relo. Siya ay nagsumbong sa kanyang guro habang si Rey ay pinagpapawisan sa kaba. Sising-sisi siya sa kanyang ginawa dahil kahiya-hiya siya pag nalaman ng kanyang mga kaklase at baka husgahan siya habang buhay.

Ang ginawa ng kanyang guro ay inilock niya ang pinto at sinabing kakapkapin niya isa-isa ang lahat ng estudyante ng nakapikit. Kinakabahan na si Rey, paano kung ibuking siya ng kanyang guro. Paano kung dudungisan niya ang kanyang pagkatao. Habang buhay niyang dadalhin kung sakali.

Nakuha nga ng Guro ang relo mula kay Rey. Nagulat nalang si Rey ng isinauli ang relo sa may-ari ng walang sinabing pangalan. Nagpasalamat ang may-ari ng relo pero si Rey ay yukong-yuko, hiyang-hiya siya sa sarili at sa kanyang guro na hindi siya binuking sa harap ng klase.

Malinaw ang mensahe mula kay Rey na ang pagkakamali ng isang tao huwag isiwalat at ipagkalat lalo na ito ay nakakasirang puri, sinadya man o hindi. Ang mahalaga pinagsisisihan mo ang ginawa mong mali.

Mula noon hanggang ngayon malinaw sa isipan ni Rey ang ginawa ng kanyang guro. Iniligtas siya sa kahihiyan. Iniligtas niya ang kanyang dignidad na maaaring dalhin niya habang buhay.

Si Rey ay isa ng guro ngayon at kasalukuyan ng inspirasyon sa karamihan dahil sa walang sawang paggabay sa mga kabataan at sa walang kapagurang sa pagtuturo ng magandang asal.

Kung alam mong ikakahiya ng tao ang isang bagay huwag ng ipangalandakan dahil ang pagkakamali ay pwedeng itama sa magandang paraan at baguhin ang pagkakamali.

5
$ 1.27
$ 1.19 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jeansapphire39
$ 0.02 from @jasglaybam
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Sobrang naantig ako kung paano sinolve ng teacher yung problema. Hindi niya hinayaang masira at mapahiya ang kanyang studyante. Pero hindi niya din ito kinonsente.

$ 0.00
2 years ago

Ang bait ng guro nya bunsoy at di lahat ng teachers gnyan. Kya wag tlga gumawa ng kalokohan.

$ 0.00
2 years ago

Tama sis. No need for publicity and there will be an embarrassing moment will happen. I settle nalang sa mahinahong paraan na walang mapapahiya and I'm sure magsisisi yung tao at hindi na uulitin. Magiging lesson na din sa kanila.

$ 0.00
2 years ago

Tama naman ,nag sisi naman Yong bata at alam din ni guro na ikakapahamak uon ng kanyang mag aaral

$ 0.00
2 years ago