A Blessed Tuesday😍

6 15
Avatar for Zcharina22
2 years ago

I am blessed today kase iyong long time friend ko na hindi ko nakita for two years we reunited today. For that two years wala kaming communication as in kahit may social media walang kaming communication. Sa katunayan nakalimutan ko siya what kind of friend of me haha.

Parang kase noong naghiwalay kami noong taong 2019 ay natapos na doon ang samahan namin eh. Kahit nagpalitan kami ng number wala namang nangyari hehe.

Yesterday, one of my friend ask me kung may balita ako sa friend naming iyon. Sinabi kong wala na akong balita sa kanya 2 years ago pa. Walang naniwala sa akin dahil nga kaming dalawa iyong close dati. Iyon pala nandito na pala iyong friend naming iyon. Nahihiya sana akong bumisita pero dahil mapilit iyong mga kaibigan kong praning pumunta ako.

Iyong mga friend kong iyon mga paasa (o jubong friend). Noong nandoon na kami bigla silang nagsialisan gusto kong sumama sa kanila pero dahil nandoon na si long time friend wala na akong nagawa kundi kausapin siya at kamustahin.

Aaminin kong nahiya ako ng konte dahil nawala siya sa aking isipan. Hindi ko alam kung paano magrereact sa harapan niya haha.

Hindi ko akalaing magbibigay siya ng maraming preskong gulay. May bunga ng malunggay, upo, kalabasa, talong, sitaw at iba pa. Nashock ako maring dahil unexpected iyon eh. How come na nakalimutan ko siya gayong siya hindi siya nakalimot.

Next time ako naman ang magdadala sa kanila ng kahit ano hehe. Nabigla talaga ako ayaw kong tanggapin pero sabi niya magtatampo daw siya kapag hindi ko tinanggap iyong gulay. Wala akong choice kundi tanggapin nalang.

I don't know pero parang naging close pakami lalo. Ang tagal ng kamustahan hehe😂😂

Iyong akala kong wala ng pag-asang magkita pa kami noon ay nangyari na kaya superblessed ko today kase hindi ko iyon hiningi pero binigay ni Lord. Unexpected talaga iyong pablessings ni Lord no?

Iyong mga friend ko naman akala nila nag-away kami kaya gusto nila masolo namin ang isat-isa hehe. Hindi nila alam na wala talaga kaming communication sa isat-isa for two years.

Thank you friend sa pagbisita muli at hindi paglimot sa akin. Grabe sarap na sarap ako sa gulay mohehe.

7
$ 1.50
$ 1.28 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @King_Gozie
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 4
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Ang lupit mong kaibigan hehehe. Pero nahiya ka din nong nagkita kayo. Kaya pahalagahan mo na sya ngayon. Sarap ng gulay ah.

$ 0.00
2 years ago

Haha nawala siya sa isipan ko hehe

$ 0.00
2 years ago

Long lost friend pala sis. Pero grabi ka two years lang nakalimutan mo na. Siguro hindi sya ganun ka important sayo or talagang makakalimutin ka lang?

$ 0.00
2 years ago

Haha nawala siya sa isip ko hehe

$ 0.00
2 years ago

Katuwq naman ang friends mo na ayan sis napaka sweet naman ikaw lang yata Yong nakalimot eh pero hindi siya hehheeh ang bait niya

$ 0.00
2 years ago

Medyo nahiya po ako ng konti daming pasalubong hehe

$ 0.00
2 years ago