Ito na yong punto na ang daming tanong at nagsisimula ng makilala ang sarili. Bilang isa sa mga teenager ngayon magbabahagi ako ng istorya kung saan karamihan satin ay nararanasan.
Aminin mo lagi mong naiisip ngayon na sana maging bata ka ulit kase noon hindi mo pa naiisip yong mga problema dahil puro laro nalang inaatupag.
Karamihan satin ngayon nakababad na sa social media (Facebook , Tiktok, Twitter, and Instagram, YouTube and etc.) Pagising nga sa umaga kadalasan cellphone agad at bubuksan Ang fb kong meron nag message.
Madaling uminit ang ulo sa mga simpleng bagay? Tulad nalang pag hindi nag charge Ang phone mo matapos mong mag-antay ng ilang oras, o kaya naman pag naubusan ka ng pagkain sa bahay sumasama ang loob mo.
Aminin mo ayaw morin ng pinagsasabihan at kahit ikaw ang mali hindi mo kayang mag pakumbaba dahil sa pride at kahit gusto mo mag sorry pero hindi mo nagagawa kase nahihiya ka.
Lagi tayong nadadala sa emosyon natin at minsan iniisip natin na sana hindi nalang tayo nabuhay sa mundong ito. Habang nabubuksan ang mata natin sa reyalidad mas lalo tayong nasasaktan dahil may mga bagay na hindi natin matanggap.
Kadalasan sa mga kaibigan natin tayo sumasandal sila ang napag ku kwentuhan natin ng mga problema dahil mas kumportable tayo sa sila ang kasama. Tinuturing natin sila na para nating kapatid at sila yong madaling makiintindi satin. Napakalaki ng impluwensiya ng mga kaibigan natin sa pagbuo ng ating sarili, desisyon, at pangarap natin.
Kahit na maraming pagbabago ang nangyayare sa stage na'to pero ito ang pinaka masayang araw ng buhay natin na kahit kailan hindi makakalimutan. Kaya ako ngayon bilang malapit na pumasok sa adult life sisiguraduhin ko na ang lahat ng narasan ko ang mag sisilbing gabay ko para sa mga pipiliin kong desisyon sa buhay.