read.cash Log in
@Ysa19

Ang Pasko ay Parating Na Tunay ngang pasko ay parating na. Nararamdaman muna ba? Simo'y ng hangin ay malamig na. Mga Christmas tree ay nakatayo na. Mga nagkukutitap na Christmas lights, Tunay ang kulay nila'y hatid ay galak. Mga nakasabit na mga parol. May mga nagtitinda ng mga Bibingaka't puto bumbong. Nawa'y sa paskong darating. Buhay natin'y magningning. Magkakasama ang mga buong pamilya, kahit simpling handa ay sapat na. Sapagkat ang diwa ng pasko ay Wala sa bonggang regalo. O masasarap man na pagkain, kundi ito ay nasa puso at sina-sapuso ❤️ Nahilo yata ako sa katitingin at sabay sa pagkurap ng Christmas lights sa Christmas tree namin. Haha. Kaya kung ano-ano naman ang pumasok sa isip ko, mabuti nayan atleast may pumapasok pa kahit papano 😂 _______ Ysa19

25 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.