Piknik'
Dahil sa mahina ang signal namin dito. Edit ko sana yung post ko, pero panay loading sya, kaya iba ang nadotdot ko yung delete π.. 2pc no more.. haha..
Sadyang hindi nakatadhanang makita nyo ang naka2pc na post ko.. better luck nextime na lang daw. kung may next pa.. hahaha.
Ito na lang muna... Piknik'
_____Ysa19
Hindi kona binibilang kung ilang taon kanang wala sa amin.
Marami ng lumipas
Marami ng naganap
Marami ng oras
Pero sa kabila ng yan
Mananatili ka sa puso at isipan namin.
Ikaw paring yung Papa ko,
Strict pero mabait
Concervative, kaya naman kaming mga babaeng anak nya ay tinatawag na
Maria Clara' haha..
Sobrang magpagmahal na ama,.
na halos ayaw makitang napapagod ang mga anak nya.
Kung ano man mga magagandang aral at magagandang alaala namin nung nabubuhay kapa, mananatili yung hanggang sa amin ding pagtanda.
PAPA' apat na letra, pero sakin at sobrang mahalaga. Kasi kung wala sya,
Walang Ysa19 dito na nagpapakamakata. Kahit kung minsan ay OA' na talaga.. π
Ysang hirit lang po muna..
Kasi ang ulo ko at masakit na..
Binalikan ako ng sipon at may kasamang ubo pa πͺπ€§
_______Ysa19
DIY Made of Plastic bottles
and Styrofoam cups..
Ito yung ginawa ng kapatid ko, part ng decorations ng fiesta. Pakinabangan ang mga basura sa ating tahanan.
Lagyan ng bagong buhay at bagong kulay.
Palawakin lang natin ang ating mga ihimanasyon. Kaya ano pang hinihintay nyo? Tumingin-tingin sa kapaligiran at pag-isipan ang pweding gawin sa mga patapon ng basura. Sa inaakala nating wala ng halaga ay meron pa pala .
Isang makulimlim na umaga po sa inyong lahat. Sana naman ay hindi umulan.
Para yung mga nilabahan ko ay matuyo naman!
_______Ysa19
Salad
Ito lang ang trip kung kainin ngayon. Kapag maraming pweding makain, yung tiyan ko naman ang ayaw ng kung ano-anong pagkain. Ang arte lang ano.. haha.
Isang Magandang gabi sainyong lahat.
Masarap ang simoy ng hangin, ilang days na lang ba before Christmas? Hehe..
Sa mga ninong at ninang ko dito, ihanda nyo na ang pamasko nyo sakin. π
______Ysa19
Lumpiang Shanghai
Ito yung handa lagi kapag may mga okasyon at ito rin ang unang nauubos. Hahaha.
Wait kung maluto ang lumpia ng kapatid ko. Yan ang gawain ko dito sa bahay,
taga kain ng luto nya. Haha.
Fiesta ngayon dito samin, pero dun kami sa bahay ng kapatid ko magtitipon-tipon, sila yung maraming handa, kasi may balikbayan sila.. kaya naman, sinusulit namin ang pagkakataon na nandito pa sila, Always salo-salo together. π
Kain to the max later, kaya dagdag bilbil din.haha. ihanda kona ang tummy ko.
Goodmorning and Godbless everyone.
_____Ysa19
M PLaza π€
Kagabi yan, pumunta ang mga pamangkin ko at mga kapatid ko sa
M Plaza.. M? Bakit kaya tinawag nila yan
M Plaza? M is for mahal ang singil nila π€hahaha
Isa yan pasyalan dito sa Naga City.
Ma appreciate mo ang ganda nya kapag gabi na, may mga kainan at may mga rides na pwedi mong mapaglibangan.
Kasama sana ako dapat dyan, pero hindi nga nakibagay sakin ang panahon.
Ayon grabe ang sipon at masakit ang ulo ko kagabi, kaya panay send na lang sila sakin ng mga pictures and videos.
Sobrang nag-enjoy sila kagabi, hindi lang bata, pati matatanda, naging isip bata din sa paglalaro.Haha.
May next pa naman, kaya I'll make it sure na makakasama na ako sa kanila.
Ininom kona lahat ng mga gamot dito. Wahahha..
Isang magandang gabi po sainyong lahat mga ka noise. Kumain naba ang lahat?
Kung ako ay inyong tatanungin,
ay busog na busog napo ako.haha..
Kain na din kayo π
_______Ysa19
Babangon ka sa BIOFLu π
Tama nga naman, dahil sa bioflu, medyo okay na ang pakiramdam ko at ito babangon na nga ako dahil kay bioflu. Haha. Uminom ako kagabi ng gamot at maaga din akung nakatulog. Ayon nawala na sakit ng ulo ko at singhot-singhot to the max na akala mo ay lagi na lang may nagpapaiyak πͺ
Goodmorning Pilipinas,
Goodmorning Noise π
____Ysa19
Ang bakasyonista namin π
Almost 3 days travel via plane, 4 rides on a plane, palipat-lipat sila, from US to Philippines. Mabuti na lang at may Albay Airport na dito sa bikol. Kaya from Pasay airport to Albay Airport na sila, from Albay airport, travel naman silang almost 3 hours para makarating dito samin.
Super pagod, hirap at sakripisyo nila, makauwi lang sila sa Pilipinas. Pero 2 weeks lang naman silang magstay dito sa bikol. December 3 uuwi naman sila π₯Ί
Mag 10 months olds ang little boy nyan ng umalis sila dito ng kanyang Ina. Ngayon ay 8 years old na sya. Kaya sobrang tagal na talaga bago nakauwi sila dito at hindi na lang sya nag-iisa, kasama narin nila ang baby sister nyang 3 years old.
Kaya naman sinusulit nila ang pagstay dito. Unang pagkakataon nilang sumakay sa tricycle, kaya naman manghang-mangha ang mga bata. Haha.
Sila siguro ang dahilan kung bakit umiiyak ang ilong ko ngayon. Nosebleed lagi kasi kami dito. Wahhaha.
Makanap na lang muna mga ka noise. Umiiyak naman ang ilong ko, grabe yung sipon ko kasi. Hehe.
See you all later .. π
Nanood+Napuyat+Masaya=Sakit ng ulo π
May pinuntahan akung events lastnight with my families. Part ng celebration ng papalapit na fiesta samin. Super nag-enjoy ang mga tao, syempre kasama na ako dyan!. Wahahah. Super laughtrip kasi ang event, may mga guest artist, vloggers from manila. Kaya naman super dumog ang mga tao. Almost 1am na, natapos yung event, kaya naman medyo masakit ang ulo ko ngayon, hindi sanay mapuyat. Haha. Pero minsan lang naman ito mangyari, kaya itulog na lang mamaya. Hehe..
Goodmorning mga ka noise..
Kumusta kayo dito?
Happy naba ang lahat?
I hope tuloy-tuloy nyan,
Claim na natin yan π
______Ysa19
Ceiling π
Kapag pumupunta ako sa Mall, yung mga ceiling ng mall ang hindi ko maiwasan na hindi mapansin. Napapatingala ako nyan at sabay sabing, ang galing naman ng mga nagdesign nito. Kaya saludo ako dun sa lahat na mga engineers and architects..
Kasi kung wala sila, wala rin tayong makikitang magagandang buildings, magagandang designs nito. ππ
Isang Magandang umaga po sa lahat.
Maaga akung nagising, o talagang gising magdamag? Haha. Grabe yung sipon ko, at grabe yung kalam ng lalamunan ko.
Pupunta sana kami ngayon sa tabing dagat, kasama yung mga balikbayan sa family ko, pero hindi ako nakasama. Huhu.
Btw, Ingats lang po kayo lagi mga ka noise. Kayo ba, anung ganap nating ngayon dyan?
Atm at World of Fun at Robinson Mall.
Hindi na ako lugi, hindi nasayang ang binili kung token atleast nakakuha ako kahit isang toys. Haha.
Masarap maging bata.. haha.
Relax with my bose
Tamang sound trip lang with my bose speaker. Bigay pala ito sakin ng kapatid ko, since wala narin gagamit nito sa house nila, kaya handle with care kona daw yung bose speaker nya. Ang ganda ng sound, sobrang nakakarelax, mas lalong dama mo yung mga lyrics ng kanta, habang sumasabay ka sa pagkanta π΅πΆ
Goodmorning mga ka Noise..
Mag-ingay parin tayo dito,
Kaya parang tahimik yata ang iba. Hehe.
Ysa19 -πΆπ΅π€
Kahit gaano man kabagal ang takbo ng ating buhay. Kahit minsan ay sobrang bigat at ang tagal umusad. Tandaan natin, kahit sobrang pagod kana, pwedi naman magpahinga at huminto muna, pero bawal ang susuko. Pasasaan at makakarating din tayo, dun sa gusto nating marating.
Kagaya ng snail nyan, sobrang bagal ang kanyang paglalakad, pero hindi sya humihinto, kahit pakonti-konti ay pinipilit nya parin makausad.. π
Ysa lang muna sa ngayon. Hehe..
Musta na kayo dito mga ka Noise?
Sinigang na buto-buto with Pot holder inside. π€£π€£
Nauna akung kumain sa mga kapatid ko, kasi nagkape lang ako ng agahan.
Alam ko din na bago umalis ang kapatid ko ay may niluto na syang ulam na sinigang with karneng baboy na buto-buto.
Sa madaling sabi, kumain na ako, habang sarap na sarap humigop ng sabaw.
Sabi naman ng isa kopang kapatid, ay kakain ma rin daw sya. Maya-maya pa, pumunta sya sakin, sabi nya sakin..
Sino daw ang huling kumuha ng ulam sa caserola? Sabi ko naman sa kanya..
Ako bakit?
Sagot nya sakin.. Bakit may nakalubog ja pot holder sa loob ng caserola? Hahaja.
Sabi ay ewan ko, hindi naman ako gumamit ng pot holder...
Sabi nya sakin,, may pot holder sa loob, as in lubog nakalubog daw sa sabaw π€£πππ Grabe yung tawanan namin.. sabi ko, kaya pala ang sarap ng sabaw. Hahaha.. Pero sa totoo lang, wala pa naman talagang pot holder dun..
Sa huli naisip ng kapatid ko,
Sabi nya, saan muba pinatong yung takip ng caserola? Sabi ko, dun sa ibabaw ng potholder.. Kaya naisip namin, yung potholder ay dumikit sa takip ng caserola na hindi ko namalayan.. hahaha..
Nagtatawanan na lang kami, sabi nila sakin, epekto daw ng kagat ng pusa at kalmot.. Kaya ang resulta, wala silang uulamin ngayon. Wahhaha..
Ysa19 -ππ
Thinking of so many things, Hopefully to start something new in the year 2023 π€
More than one month pa, bago mag 2023 pero nag-iisip na ako ng kung anung magandang umpisahan sa darating na taon na iyon. Para naman may konting pagbabago at pagkaabalahan ako. Haha.
Anyway! Pasilip-silip lang ako dito mga ka Noise, hindi pa masyadong makaingay, kasi iniisip ko kung magpapa-inject paba ako or hindi na? π€
Sabi naman ng mga kapatid ko, magpa-inject daw ako, i complete ko daw lahat, para sure na maging safe ako.
Sa tingin ko naman safe ako,
Base on my observation, maliliksi naman yung pusa, wala naman akung nakikitang mahina at walang ganang kumilos.
Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa kanila, alam ko nagugutom sislat, pero hindi kona binibigyan ng pagkain π₯Ί
Just got home from BMC or Bicol Medical Center at nakapag-inject narin from animal bite center. Hay naku po...
Anim na injection lamang ang tinamo ko ngayon. Under category 3 daw kasi ako. Madami kasing kalmot ang pusa..
Napagkamalan yata akung isda π€£
Babalik ako sa 19 and 23 for follow-up injection. Mabuti na lang at hindi ako nerbyosa, kung nagkataon na nangyari yan dun sa isa kung kapatid, baka hindi pa tinutusok ay himatay na agad sya. Haha..
Matutulog muna ako mga ka Noise. Medyo masakit ang ulo ko ngayon.
Epekto siguro ng mga gamot . π€
Silip naman lang later.
Porket mabait ka ay hindi lahat kabaitan din ang ibabalik nya sayo!!
Mabait naman ako, lahat ay binibigay ko sa kanya. Araw-araw at gabi-gabi basta sinabi nya, pinagbibigyan ko sya.
Pero anung ginawa nya sakin..
Pero anung pinalit nya sa kabaitan ko...
Puro sakit at luha..
Hay nakung buhay!
Imbes na nanahimik lang ako dito.
Anak ng pusa ka,..
Kung pwedi lang kagatin din kita..
Para maramdaman mo ang sakit na pinaramdam mo sakin π₯Ί
Kakainis talaga! Ayaw na ayaw kopa naman pumunta ng hospital..
Pero mapipilitan akung magpa-inject.
Pinutakti ako ng kalmot ng pusa..
Nakatalikod ako kanina, habang kinukuha ko yung ininit kung tubig para makapagkape sana., Pero hindi ko alam na nakasunod na pala sakin yung isa g pusa at nasa paa ko sya, naapakan ko yung buntot nya, kaya kinagat ako at kinalmot-kalmot pa.. huhu .
Kaya todo sigaw ko..
Kinagat ako ng pusaaaaaa...
Wala kasi akung kasama kanina,
Ayon todo iyak nadin,,
Ang hapdi at ang sakit kasi..
Kaya simula ngayon, ayoko na sa kanila. Bahala na sila sa buhay nila.
Papa-inject ako bukas ..
Ayoko pangmamatayyyyy...
π€£π€£
Safe travel βοΈ
Thank GOd at safe na nakarating sa Canada ang pamangkin at kapatid ko.
Kitang-kita ang katuwaan ng pamangkin ko ng makita nya ang kanyang Daddy, tumakbo agad sya papalapit sa bayaw ko ng makita nya ito. Blurry lang ang pics, kasi screenshot ko lang ito sa video nasend samin ng bayaw ko.
Naging mabilis lang yung biyahe nila, parang biyaheng bikol lang, wala kasing stop over, direct flight yung kinuha ng bayaw ko, para hindi mahirapan ang kapatid ko at pamangkin ko..
Happy together na sila π
Kami naman ay hanggang videocall na lang muna. π
On Board βοΈππ
Kanina habang nagbabasa ako ng mga Chat sa GC ng family namin, nag-iiyakan sila. Panay send kasi ng isa kung kapatid ng mga pictures ng pamangkin ko at kapatid ko. Pumasok na sila airport,,
Habang may pics na kumakaway na silang mag-ina. Sabi ko sa kanila, huwag kayong umiyak ng umiyak dyan, lalo lang kayong papangit nyan. Haha. Pansamantalang natigil sila sa pag-eemo nila.hehehe. Pero sa totoo lang, ako naman ay iyak ng iyak habang nag sscroll sa mga pics ng pamangkin at kapatid ko. Mix emotion kasi, malungkot na masaya. Malungkot kasi matagal na hindi namin sila makikita ng personal at ang layo pa nila, magpapasko na hindi namin sila kasama.. Masaya kasi magkakasama na silang pamilya sa Canada.
Btw. On board na sila, anytime from now ay magpaflight na sila. Ay ewan! Pinipigilan kung umiyak, ang sakit kasi sa mata at ayoko din na mas lalo akung pumangit π
Hello mga ka Noise,, kayo ba anung klase ba kayo kung umiyak? Pababa ba o pataas ang mga luha nyo? Hahaha.
Ysa19 -πβοΈ

Gising na ang pamangkin ko.
Parang naninibago sya sa paligid nya.
Ilang hours na lang ay goodbye Philippines na sila ni Mommy nya at hello Canada na.
Sa totoo lang, bago mag declare nun ng lockdown ang Pilipinas dahil sa Pandemic ay nakabook na sana ang ticket nila. Ready na ang lahat, pero nag decide silang huwag na munang tumuloy para sa kaligtasan ng health nila. Pero ngayon at ok na ang panahon ay tuloy na tuloy na.
Ngayon palang ay namimis kona sya.
Ayoko lang ipakita sa kanila na malungkot ako. Kaisa-isa ko syang inaanak at pamangkin kopa. Pero wala naman akung magagawa, para sa future nila yan.
Mamimis ko lang masyado ang baby Faith namin at sobrang nalulungkot din ang bestfriend cousin nya na si Princess.
Kaya nung isang araw ay sobra yung bonding ng dalawang bata..
Ysa19 _β€οΈ
Silent night
Oh holy night
All is calm
All is bright πΆπ΅
Nag-iinsayo napo ako mga ka noise kumanta. Pangcarolling sa Pasko. Haha.
Sino ba dito ang pweding carolan ko?
Dapat ang ibibigay nyo, yung kulay green na bills o kaya kulay yellow.Bibihira lang kasing lumabas ang boses ko, kaya medyo special yan. Haha. At sino din ang gustong sumama sakin sa pangangaroling? Backup singer lang po and dancer na din. Wahha..
Ay ewan! Nililibang ko lang ang sarili ko dito. Wala pa kasi akung kasama sa bahay. Kaya nasa labas ako, nakatingin sa kung saan lang, kaso ang dilim ng paligid ngayon. Katatapos lang umulan at parang uulang pa nga.. π€
Sino ba dito ang nakaranas mangaroling ng bata pa? Ako kasi hindi eh..
Quezon Province
Papunta kami nun sa Manila at una ko ding bumiyahe ng napakatagal, aabutin yata ng 9 hours o mahigit pa, galing bicol to manila. Tapos ng madaanan namin ito, sabi ko sa kapatid ko, bakit parang walang katapusan ang dagat? Puro na lang dagat ang nakikita ko? Ah, sabi nila, nandito na kasi tayo sa Quezon Province..
By the way, yan palang picture nyan ay senend lang sakin ng kapatid ko.
Bumiyahe kasi sila papuntang Manila kaninang umaga pa, pinili nilang mag daytrip, para kita ang dinadaanan.
Gusto ko sanang sumama, kaso hindi
na pwedi. Hindi na kami kasya sa sasakyan. Sa luggage palang ng kapatid at pamangkin ko ay puno na agad ang sasakyan. Haha. Medyo may halong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makakasama.. βοΈ
Ysa19 -βοΈ
Pasilip muna dito
Gaya ng pagsilip ng araw ngayon.
Sumisilip sya, para bigyan ulit tayo ng liwanag. Pagkatapos ng dilim nandyan
ulit sya para magningning.
Kahit hindi man sya kasing kislap
ng isang bituin. Pero may kanya-kanyang naman sila ng ningning.
Gaya mo, gaya ko,
Gaya nila .
Kaya huwag nating ikompara kung anong nasa kanya, at ano ang nasa kanila.
Magandang umaga mga ka noise.
Tara napo at magkape ng 3n1 haha.
Tamang pampainit lang ng tiyan.
Ysa19 -π
Kakaibang Gagamba π·οΈ
Kakaibang gagamba ang nakita ko kanina habang naglilinis ako. Kulay orange sya at ng hinawakan ko sya ay sobrang lambot nya pa, sabay tunog. Wahaha.
Squishy spider pala sya. Hehe.
Ito yung kinulit-kulit ng pamangkin ko na bilhin lastweel sa Mall. Nakakalibang naman kasing pisil-pisilin..
pati ako nalilibang eh..
Musta na kayo dito?
Anung mga latest mga ka maretis?. Haha.
Ysa19 -π·οΈ
Enjoy the little things in life πΈ
Makulit sya, pero nalilibang ako dito.
Wala syang pangalan, pero sya si mingming at ang mga kapatid din nya ay sila mingming din. Haha..
Sino daw sa kanya ang gustong sumabay?
Sya daw ang magdrive sa motor,
Papayag kaba?.wahaha..
Isang maagang mema naman po mga ka Noise. Missing in action ako lagi dito..
Busy-busyhan lang po sa mga personal na buhay at hindi pa nakikibagay ang phone ko.huhu..Kaya parang gusto konang itapon ito,may sasalo pa kaya? Haha..
Ysa19-π
Muli kitang Nasilayan π
Kung kagabi ay nabigo akung makita ka.
Pero ngayon sobra naman ang liwanag na iyong dala. Bakit kaya ganun ano?
Kung kailan hindi mo inaabangan,
saka naman sya magpaparamdam.
Haha.
Magandang gabi mga ka Noise.
Hindi ako masyadong nakakainteract dito mula pa kahapon. Marami kasing pumapasok sa isip ko ng kung ano-ano.
Ang hirap kasing ngumit na napipilitan ka lang! Kaya mas okay pang, tumahimik na lang muna. π₯Ί Alam nyo ba yung pakiramdam na masaya na may halong lungkot? Parang si sisa lang sa Maria Clara' hahaha.. Mabuti lang at hindi ko tinatawag si Crispin at Basilio π
Ysa19 -π
In the eyes of a child
There's a hope
There is laughter πΆπ΅
Sobra akung naawa ng makita ko ang batang kalong-kalong ng kanyang ina habang namamalimos. Parang kinukurot ang puso ko.
Payat na payat ang katawan ng bata. Kitang-kita mo sa kanyang mga mata na walang sapat na nutrition ang kanyang katawan.
Laganap ang kahirapan dito sa mundo. Parang wala na yatang katapusan! Hanggang saan at hanggang kailan?
Yan ang malaking katanungan na
walang tiyak na kasagutan.
Sad but reality.
Ysa19 -π₯Ί
Waiting for Lunar Eclipse π
Kanina pa ako naghihintay na masilayan ang lunar eclipse. Halos nilalamok na ako dito sa labas ng bahay. Nakakabored sana, mabuti na lang sinamahan ako ng tatlong pusang makukulit. Kahit saan ako pumunta ay nakasunod sila sakin. Haha.
Ako daw ang boss nila kasi. Hehe..
Btw. Konting minuto pa, kapag wala akung makitang eclipse ay papasok na ako sa loob ng bahay. Malamig ang hangin at sa tingin ko ay uulan mamaya. Kaya masyadong maulap dito ngayon..
Sainyo ba, Nakita nyo na si Lunar?
Pakisabi naman sa kanya, na hinihintay ko din sya kanina pa.
Ysa19-π
Knotted Bracelet from my Stranger friend before.
From my Facebook memories.
Padala sakin yan ng naging friend ko sa facebook noon. Isa syang matandang babae somewhere in Iceland yata yun,. Nakalimutan kona kasi, libangan nya ang gumawa ng knotted Bracelet. Parang naging magaan ang loob nya sakin, kasi pareho kaming mahilig sa mga DIY or Do it yourself '. Akala noon nagbibiro lang syang magpapadala sakin ng sample ng ginagawa nya, pero tinotoo nya talaga.
Masayang makatanggap ng ganito, kahit simpling bagay ay nagiging mahalaga ito. Kasi sa effort nya palang na maglaan ng oras, para maipadala yan sakin, ay sobrang malaking bagay na.
Kaya naman hanggang ngayon ay nakatago parin yan sa drawer ko, pati simple birthday card na may handwriiten birthday greetings nya para sakin.
Hindi ko alam kung buhay paba sya hanggang ngayon.kasi alam ko may sakit yung matangdang babae nayon na si Mabel.,matagal naring deactivate ang account nya.π€ Pero kahit ano paman, mananatili sya sa aking alaala..
Better late than never!
Halloween Party ng mga bulinggit.
Kararating lang galing Naga City.
Nanood ako ng Halloween Party ng dalawa kung mga babyloves. Iba ang saya kapag makita munanh sumasayaw ang mga bata sa stage. Akala namin hindi makukuha ng mga pamangkin ko yung mga isasaya nila, kasi kapag sinabing sample ng ng isasayaw nyo, walang pakialam sila. Pero kanina, aba naman memorize na memorize nila ang bawat step sa togtog na 24 Magic' and yung Believer..Syempre proud ako πππ
mga babyloves ko yung sumasayaw eh.hahaha.
Pero yang nakikita nyo sa picture ay hindi ko kilala yan.haha. Alam ko isa sa mga parents yan, sakto lang na dumaan sa harapan ko. Todo costume talaga sya sa lahat na nandun, kaya naman nakaw pansin sya.π
Pagod si Ysa19, pero happy naman po.
Goodevening and kumusta kayong lahat dito? π