Tula ngayong gabi

4 43
Avatar for YourHope
2 years ago

May 3, 2022

Martes

Tula ngayong gabi

Sa balkonahe nakatanaw,

sa halaman din nakadungaw,

kalaunan nakatulala;

at sa taas nakatanikala .

Kay tahimik ng gabi,

at dampi ng hanging kay lamig,

sa paligid nama'y nakamasid,

iniisip ang mga bakit:

bakit sa lahat akoy nagdurusa,

bakit sa tuwina'y Pera ang problema,

bakit nga ba sa balkonahe nag-iisa,

bakit sa mundong ito ako'y tila nakaantala.

bakit dasal ko'y laging na-aambala,

hiling ko lang naman pamilya'y guminhawa,

Nang makamtan ang buhay na maligaya,

sapagkat matagal na silang nagdurusa.

Ako man ngayon ay madaming iniisip,

sa problemang pera ay sakin kumakapit,

pangarap man ay nasa palad ng Diyos nakaukit,

pananalig na ito'y makakamit,

alam kong sa Diyos di ito ipagkakait.

Ikaw man ay nalulumbay at may panahong nag-iisa sa Diyos ka tumalima dahil sa lahat ng bakit sa buhay, tanging ang Diyos lang ang nakaka-alam sa mga bakit.

Mahal ka niya at tandaan na kailanman di ka niya pababayaan. Tayo ay magtiwala at laging manalig.

Hayaan niyong dito ko tapusin Ang tula

Sa malamig na gabi at muni-muni

Sa pagkakataong mag-isa,

Ang Diyos ay akin palang kasama.

Muli ang inyong lingkod,

  • Hope

Tula ngayong gabi 
Isinulat ni: Frustrated writer Hope

3
$ 0.29
$ 0.28 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Aimure
Sponsors of YourHope
empty
empty
empty
Avatar for YourHope
2 years ago

Comments

Looking forward for the English version of this. Nice poem!

$ 0.00
2 years ago

Ommmo thank you for your words of encouragement. 💚

$ 0.00
2 years ago

Kganda ng tula mo kaibigan.

$ 0.00
2 years ago

hehe maraming salamat po at iyong nagustuhan ☺️ yiee

$ 0.00
2 years ago