Mga bayaning babae.

9 682
Avatar for Yolive98
3 years ago

Kapag tayo ay hinihingian ng mga pangalan ng isa sa ating mga bayaning Pilipino, sinu-sino sa kanila ang maaari mong isagot?

Marahil ang ating iisagot ay si Doktor Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Lapu-lapu, Diego Silang at kahit pa si Heneral Antonio Luna. Maaring sa mga nabanggit sa isa diyan ay ang iyong masasagot.

Walang opisyal na listahan ng mga bayani ang Pilipinas. May iba na nagpapasa ng pinal na listahan ng mga bayani pero ito ay di pinapasa ng lehistratura upang maiwasan ang mga debate at komplekasyon patungkol sa mga kontrobersiya ng nakaraan tungkol sa mga bayani.

Karamihang sa mga bayani ay pawang mga lalaki at iilan lamang at nakikilalang mga babae na naging parte ng kasaysayan sa Kalayaan ng Pilipinas.

Dito sa artikulong ito ay mababasa ninyo at malalaman ang tungkol sa limang matatapang na babaeng bayani ng bansang Pilipinas na karapat-dapat na alalahanin. Ang mga babaeng ito ay hindi lamang nagrerepresenta ng simpleng babae. Huwag mo silang kakalimutan at ang kanilang mga nagawa para sa susunod na may magtanong sayo, ikaw ay handa na iyong isasagot.

1. Gabriela Silang (1731-1763)

Si Gabriela Silang ay marahil ang pinakakilala na babaeng Pilipinong bayani, pero siya ay lagi lamang  nababanggit kasama ng kanyang asawa na si Diego. Dahil sa kanilang mga nagawa ay naisulat bilang iisa, nakakalimotan na ng nakararami na may sarili itong kontribosyon bilang "Unang babae na namuno ng grupo ng mga rebolusyonayo".

Si Gabriela ay isang matapang na mandirigmang Ilocaña na pumalit sa kanyang asawa bilang tagapagmuno ng hukbo matapos ito patayin noong 1763.

Pinamunoan niya ang pakikipaglaban nito sa mga kastila sa kanilang probinsya sa Ilocos. Inatake nila ang mga sundalong kastila na siyang nagpakilala sa grupo sa mga ito.

Sa huling pakikipaglaban nito sa Vigan, pinamunoan nita dalawang libo (2,000) na Pilipinong sundalo laban sa hukbo ng mga kastila na may anim na libo (6,000) na mga sundalo.

Sapagkat sila ay di nagtagumpay, nahuli at binitay, si Gabriela Silang ay kinilala pa  rin dahil sa kanyang katapangan para sa kalayaan ng Pilipinas.

2. Tandang Sora (1812-1919)

Ang totoong pangalan ni Tandang Sora ay Melchora Aquino na nakilala sa tawag na "Ina ng Rebolusyon". Isang ina na magsasaka na naiwan ng kanyang yumaong asawa pati na ang anim na anak nito.

Tinawag siya na Tandang Sora dahil sa paggagamot nito kila Andres Bonifacio at ng mga Katipunero noong taong 1896. Nakilala ang kanyang katapangan matapos siyang mahuli ng mga kastila para itukoy ang kinaroroonan ng ibang mga rebeldeng Pilipino pero tinanggihan niyang sumagot dito.

3. Teresa Magbanua (1868-1947)

Isang Guro at dating asawa ng mayaman na nag-aari ng malalaking kalupaan. Hinusay niya sa panahong yun ang kanyang pangangabayo at pag-aasinta gamit ang baril sa kanilang malawak na lupain.

Nang malaman niyang sumali ang kanyang mga kapatid na lalaki sa hukbo, pinilit niya rin ang kanyang tiyohin na si Heneral Perfecto Poblador na siya ay isali sa Katipunan ng mga babae sa kanilang lugar. Pumayag ang Heneral, na siyang nagtakda kay Teresa Magbanua bilang kauna-unhang babaeng namuno ng rebolusyonaryo sa Visayas.

Nakipaglaban ito hanggang sa dumating ang mga Hapon sa Pilipinas upang sila naman ang manakop.

4. Josefa Llanes Escoda (1898-1945)

Isa sa dalawang babae na nailagay ang larawan sa papel na pera ng Pilipinas. Ang isang babae ay Melchora Aquino o si Tandang Sora.

Pinakamatanda sa pitong magkakapatid at tumutulong sa kanyang ina na alagaan ang mga kapatid dahil namatay ang kanilang ama noong 1918, habang siya ay nag-aaral ng edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nang mangyari ang ikalawang pandaigdigang digmaan, ang kanyang pagtulong at paggamot sa apektado ng digmaan ay siyang kadahilanan upang siya ay hulihin, ikulog at bitayin.

5. Magdalena Leones (1921-2012)

Isa sa mga di gaanong kilala na bayani noong World War 2 kahit siya lang ang kaisa-isahang Asyanong babae na nabigyan ng Silver Star sa World War 2 ng Estados Unidos.
Ipananganak siya sa bulubundokin ng Kalinga at anak ng isang misyonaryo.
Dahil sa pagtanggi nito na sumuko matapos ang pagbagsak ng Bataan, kinulong siya ng limang buwan. Habang nasa kulongan, sinanay niya ang sarili na magsalita ng Niponggo.
Naging "Special Agent" siya ni Kernel Russel Volckman ng Estados Unidos. At ginawa niya ito bilang oportonidad para makakuha ng mahalagang impormasyon sa mga hapon. Dahil dito, tinawag siyang "The Lioness of Filipino Guerilla Agents".

Si Magdalena Leones ay yumaon lang noong 2015.

Iilan lamang sila sa mga matatapang na babae ba lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas na dapat nating pasalamatan at kilalanin.
Kung gusto mo pa malaman ang ibang mga bayani, sigurdahonin mo lang na naka-subscribe ka. Salamat!

16
$ 1.23
$ 1.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Valryan14
Avatar for Yolive98
3 years ago

Comments

It's good article

$ 0.00
3 years ago

Narinig ko na pangalan Nila nung elementary ako though Hindi ko talaga Alam Kung bakit sila naging bayani. Pero ang cool Lalo sa melchora aquino. Kumbaga sa panahon natin Lodi to e.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Thank you @ TheRandomRewarder

$ 0.00
3 years ago

They look familiar to me, di kasi ako nakikinig sa aming araling panlipunan dati..

$ 0.00
3 years ago

Makinig ka kasi 😂

$ 0.00
3 years ago