Eto na yung karugtong na aming twin hike adventure ni Justin sa Rizal. Bumaba na kami ng Mt. Hapunang Banoi. Bago kmi umakyat ng Mt. Pamitinan ay kumain muna kami ng pananghalian. So, eto na sasabihin ko na kung ano yung hinanda ni Justin para sa aming lunch hahaha.
Bumili si Justin ng Andoks 😄 Yung quarter yata yun 😄 Natatawa na naman kami kasi yung mga kasama namin puro de lata yung ulam, o kaya nilagang itlog, yung iba naman tinapay lang. Grabe natatawa kami na nahihiya habang kumakain pero inubos padin namin kasi masarap e saka gutom na kami non 😅 Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang saglit tapos akyat kaagad.
Hindi gaanong mataas yung Mt.Pamitinan pero mas naenjoy ko yung trail non kasi mabato at matarik. Kaagad din namin narating yung summit kaso nga lang kailangan namin maghintay kasi puno ng tao sa summit kaya per batch kung pumunta. Nakapila kami sa photo ops haha. Ang ganda kasi ng view don kumpara sa Mt. Hapunang Banoi.
Ayan lang ako naghihintay sa ilalim ng maliliit na puno ng kawayan. Buti kinuhanan ako ng picture ni Justin 😄 After ng paghihintay nandon na kami sa summit. Dalawa yung photo ops dun e.
Hindi ko alam kung paano ko din kinaya yan hahaha. Maling tapak mo lang laglag ka na pero para sa remembrance ayan kinaya ko hahahaha. Eto pa yung isa
Eto yung pinaka tuktok na talaga. Nung mga panahon na yan mahangin at nangangatog na din yung tuhod ko dyan hahaha
Muli, ginuide na naman ako ng organizer namin kasi nga natatakot ako hahaha.
Ayan na yung final posing ko. Ayan lang yung kinaya hahaha. After namin magpicture picture bumaba na kami, mga 2PM palang non at nag aaya pa sila mag trilogy haha. May malapit pa kasi ng bundok yung Mt. Binacaya, yung iba tumuloy kami hindi na. Hinintay nalang namin sila para sabay sabay kami makauwi kase hindi na kaya 😅
Eto na yung nakababa na kami, pag okay okay sign lang ako dyan pero nasakit ng binti ko nyan hahaha.
Dito natatapos ang aking kwentong bundok 😁 Kung binasa mo to. Thank you 💞
Mommy Yen.
Wow! I love hiking too, sana makapag hike na hehe