read.cash Log in
@Yen more from that month

Nakakapagod maging mabait. Sa totoo lang may topic naman talaga ko ngayon e. Pero alam mo yon? Nawalan ako ng gana magsulat dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit sa ulo. Nakakapagod maging maging no? Yung tipong feeling mo niloloko ko nalang o iniisahan kasi alam nilang mabait ka. Hindi naman talaga ako mabait na as in mabait pero kapag sa mga kapatid ko mahina ako.

Naalala nyo ba yung kapatid ko na nalulong sa talpak? Yung pinahiram ko dati ng 20,000 para lang maiahon sya sa utang kasi natubo. Ilang taon ang nakalipas hindi nya naibigay pa yung pera, meron pang 17,000 pesos at dahil mabait nga ako hindi ko naman sya inuubligang magbayad. Hindi ako nagkulang ng pangaral sa kanya na hintuan na yung talpak na yan at hindi sya makakaahon pero walang pagbabago e. Pasimple padin tumatalpak at minsan feeling ko na sscam ako kasi hihiram sakin ng pera sa Gcash minsan 200 , 300 tapos buong akala ko pang allowance lang pero ayun pala tinatalpak. Sobrang inis ko sa ugali ng kapatid ko pero Ewan ko ba bakit nauuto pa din ako hanggang sa tuluyan nakong napuno at sinabi ko sa kanya na hindi na sya makakahiram ng pera. Nag li low saglit ang magaling kong kapatid at nung siguro feeling nya e mauuto na ulit nya ko e nag umpisa na naman manghiram at sasabihin na ibibigay din at tinupad naman nya. At ayun akala ko naging responsable na sya sa pagbabayad ng pera pero pinasakay lang pala nya ko sa gimik nya. Edi nanghiram sya ng 1000 at ayun hindi na din nya binigay. Kahapon umuwi sya dito , kadadating lang nya nanghiram kagad sakin ng 1000 tapos nung gabi gawin ko na daw 3,000 kasi bumili syang cellphone. Paniwalang paniwala Naman ako ng bibigay nya din kinabukasan kasi sweldo daw nya at ibibigay na din daw nya yung 1000. Kanina tinanong ko sya tungkol sa pera kasi pangbayad ko ng wifi at pang grocery pero sabi nya ibebenta nya daw ulit yung cellphone. Wala pala sa kanya ATM nya at nakasangla ay nangangahulugan na simula palang nagsinungaling na sya tungkol sa babayaran din ako. Ang sakit sakit sa ulo kasi oo may extrang pera naman ako pero di naman ako nagpapakapagod mag grind para ipahiram lang yung pera tapos hindi babayaran. Alam mo yung feeling na ikaw hirap na hirap mag ipon para lang dikana nangungutang pero sya parang ang dali lang sa kanya manghiram at mangako. Sa totoo lang nanggigigil ako. Sabi ko sa kanya kailangan nyang ibigay yung pera bukas dahil wala akong extra. Tumutulo nalang luha ko habang naglalaro ng pegaxy dahil sa inis.

29 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.