I wrote a story 6 years ago. Part 1

16 39
Avatar for Yen
Written by
3 years ago

I wrote a story 6 years ago. It was written in our Native language. Maybe tomorrow I can translate it to English if I have time. Here's the story 😂

Minsan oo , minsan hindi

Minsan tama , minsan mali

Umaabante , umaatras

Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag ibig mo

Kaya mo bang isigaw

Iparating sa mundo

Tumingin sa aking mata

Magtapat ng nadarama

Di gustong ikaw mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo

Sayo lang ang puso ko.

Sabi nga ng quotes , kapag malungkot ka maiintindihan mo yung bawat lyrics ng kanta. Bawat kanya na maririnig mo , mag iuugnay mo sa nararamdaman mo. Tulad ngayon. Bawat kataga nh kanta na to , absorbed na absorbed ng utak at ng puso ko.

Hays , ang hirap maka move on. Ang hirap tanggapin na wala na sya. Ang hirap isaksak sa isip ko na hindi na kami at iniwan na lang nya ko ng basta. Ang hirap maniwala na wala na yung lalaki na nangako sayo na sasamahan ka nya hanggang sa pagtanda. Yung lalaking nangako sayo na sasamahan ka sa ups and downs ng buhay mo. Yung lalaking nangako na sya yung mag aabang sayo habang naglalakad ka sa altar. Sobrang hirap at sobrang sakit. Ang tagal na panahon na yung nakalipas pero sariwang sariwa padin yung sugat na iniwan nya.

Siguro kasi hindi ko matanggap?

Siguro kasi umaasa pa ako na babalik sya?

O siguro kasi ang tanga tanga ko lang.

Huhubels nga sabi nila. Huhubels pa more sabi nga ni Eric.

Hay nako! And the best award goes to Zaira Leigh Javier!

Bigla nalang akong napalingon kay Eric habang humihikbi hikbi pa. Masyado na yatang OA yung acting ko. Pero anong magagawa ko? E masakit e , Kaya iiyak ako. Oo iiyak ako kahit public. Kahit madami makakita.Wala akong pakialam kasi nasasaktan ako.

Iyak pa more te! Nag eemo kana naman dyan. Hanggang kelan mo balak umiyak?

Si Jared na naman no?

Si Jared na walang malay. Si Jared na walang alam. Si Jared na nagmumukha ng patay dahil sa kaiiyak mo.

Kulang nalang yata e mag alay tayo ng bulaklak at kandila para sa kanya e. Move on na! Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo e. Hindi ka na nga naiisip ng tao tapos iniiyakan mo pa! Habang ikaw iyak ng iyak dyan , sya kaya anong ginagawa? Aware kaya sya na ganyan ka? Baka nga mamaya busy na yon sa iba! De joke Lang haha.

Zai heto na nga kasi. Wag kasing puro throwback. Kapag lagi kang nagtothrowback e lalo ka lang hindi makakamove on nyan. Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo promise. Si Jared , hindi yan deserving sa pagmamahal at sa luha mo. Akala ko pa naman iba sya. Akala ko hindi ka nya sasaktan.

Hay nako! Nabubusit ako sa kanya! Gusto ko talaga syang tadyakan! Pakainin ng bubog! Ipakain sa mga pirana tapos buhusan ng asin para mangisay na parang bulate! Oh I'm just kidding 😂

Basag trip ka talaga Eric! Dinadama ko yung kanta e. Can't you see? Inis kong sabi kay Eric habang nasa bus kami.

Ayon na nga! Dinadama mo pa! Alam mo namang LSS ka dyan sa kanta. Alam mo namang maiiyak ka lang sa kanta. Ano te? Bisyo na ang pag iyak? Hobby na? Bahala ka nga Zai! Naloloka ako sayo.

Makapag react ka dyan akala mo ikaw yung iniwan. Akala nyo kasi ganon lang kadali. Pinipilit ko naman maging okay pero...

Tssss. Enough. Alam ko , oo hindi naman ako yung sinaktan at iniwan ni Jarred pero Zai , sino yung kasama mo habang nag move on ka? Sinong pinagsasabihan mo ng lahat ng sakit na nararamdaman mo? Ako diba? Sa tingin mo hindi ko naaabsorb lahat ng sakit kapag nakikita kitang umiiyak? Alam kong mahal mo sya pero tama na.

Hindi sya deserving sa pag iyak mo. Maybe he just teach you a lesson. Kung anong lesson yun , Hindi natin alam. Maging strong ka. That's what life treated us. May mga tao na dadating sa buhay mo na mamahalin mo ng sobra pero hindi mag stay forever. Tuturuan ka lang nya ng lesson. At isipin mo na kapag nawalan ka , may dadating na mas better. Hindi ikaw yung nawalan kung hindi sya. Dadating yung araw na magsisisi sya sa desisyon nya na pang iiwan sayo.

Life must go on! Si Jared lang ang nawala. Nandito pa kami oh, malungkot na sabi ni Eric.

Okay na kasi ako Eric. Hindi ko na sya naiisip. Alam mo naman yun diba? Pinipilit kong maging okay at magpatuloy sa buhay ko ng wala sya, kaso nagkita kami kahapon. Akala ko magkakaroon na ng closure but I was wrong. I was totally wrong. Lalo na nanariwa lahat. Lahat ng sakit , lahat ng memories , lahat lahat Eric. Kaya ako ganito ngayon. I know hindi yon tama, pagagalitan mo ako kaya ayaw kong sabihin sayo.

Good thing alam mo! Anak ng tokwa naman Zai! Ano naman pumasok sa utak mo bakit nakipagkita kana naman. Hindi kapa natuto nung nagkita kayo nung nakaraan na halos gawin ka nalang center of attraction dahil sa pagiging drama queen mo. Tapos nag emo kapa nung mga sumunod na araw. Tapos back to zero ka na naman sa move on process mo. Hay naku Zai. Hindi ka talaga makaka move on nyan.

I'm sorry Eric. Gusto ko kasi syang makita. Miss na miss ko na sya. Alam mo namang mahal na mahal ko parin si Jared. Alam mong iniiwasan nya ko diba? Gusto nya kalimutan ko na sya diba? Kaya ako nagulat bakit bigla syang nakipagkita sakin.

Hay nako Zai. Good luck nalang sayo. Immune na ako sa drama mong ganyan.

Hayaan mo na Eric. Yun na yung huling beses na makikipagkita ako sa kanya.

Kwento mo kay Flappy Bird te! Gasgas na Yung mga linyahan mong ganyan.

Ewan ko sayo Eric! Ang bad mo

Ako pa ang bad? Si Jared ang bad , hindi ako hahaha. Tumahan ka na dyan sayang get up. Magsasaya tayo ngayon! It's payday!

Giligans tayo later ha? Maghahanap tayo ng ipapalit mo kay Jared !

Tumigil ka Eric! Baka ikaw yung maghahanap dyan. Huwag mo ko idamay sa kaartehan mo . Gusto kong matulog . I need rest.

Sus! Matutulog o mag eemote? Ako ang tigilan mo Zai. I know you. I know you more than yourself 😂

Oo na sasama na , pero saglit lang okay? Gusto ko talaga magpahinga.

Sure Zai. I'll promised malilimutan mo si Jared mamaya.

5
$ 3.20
$ 2.12 from @TheRandomRewarder
$ 1.00 from @ErdoganTalk
$ 0.05 from @Ruffa
+ 1
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
3 years ago

Comments

Thank you @erdogantalk for the tip ♥️ God bless Sir 🙂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Hahaha, bat kasi ginagawa mong patay si Eric kakaiyak mo 🤣.

$ 0.00
3 years ago

Hindi si Eric. Si Jared hahahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ay si Jared ga, bat kasi ang daming Character ahshshsha

$ 0.00
3 years ago

Tatlo Lang e haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Nalilito is me 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Si Eric Yung friend ni Zai haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Randam ko yung Sayo - Silent Sanctuary

$ 0.00
3 years ago

Ano Yun?

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Haha yung sa unang part kanta nila yun diba? Tumingin sa aking mataa ......

$ 0.00
3 years ago

Akala ko Yung title e ramdam ko Yung sayo haha. Diba sayo title non 😅

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Yes Mamsh. Sayo. Haha Sayo din tong article hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

If I am not mistaken. Eric is your hubby dubby now tama? 🤔😁

$ 0.00
3 years ago

Hindi 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

🤭😂😂😂

$ 0.00
3 years ago