Bible Ninja - May Jesus pa

6 39
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Boiled Egg.

Alam nyo ba na meron tayong matututunan sa nilagang itlog?

May mga taong parang itlog, napakaordinaryo. Pero alam nyo kung ano yung secret ng itlog? Kapag hinalo nyo sya sa mga sikat na ulam tulad ng Adobo, Giniling na baboy, Afritada, Menudo mga ganon tapos hinain mo sya. Alam nyo ano yung unang pinag aagawan dun?

Tama kayo. ITLOG

May mga taong sobrang ordinaryo. Hindi natin napapansin kasi nga sila lang, pero kapag maisama sila sa ibang tao lumalabas yung pagka special nila. Baka ikaw ganon din. Kaya wag kang magtampo. Tara kain tayo ng itlog hehe.

Instant pansit canton. Wow! May itlog! Special!

You have a purpose

May gusto akong I share sa inyo about kay Apostol Peter, napaka curious nung case non. Imagine three time nyang dineny si Jesus, tapos sinabi sa kanya ni Lord Jesus " Peter tatlong beses mo akong idedeny bago tumilaok yung manok but because of Satan demanded to test you but don't worry I have prayed for you and when you have comeback, strenghten your brothers.

Sya yung inutusan para palakasin yung mga kapatiran nya, e magfefail nga sya ng tatlong beses. Kasi po sa totoo, sa tunay na buhay ang pinaka sincere dumamay sa mga tanong nasasaktan ay yung tanong nakaranas masaktan. Sa mga taong nawalan sa naranasan nawalan. Sa mga taong bumagsak sa nakaranasan kung paano bumagsak. Kaya ibig sabihin yung mga failures natin sa buhay ay hindi masasayang kasi may paggagamitan si Lord dyan.

So nasaktan ka na ba?

Magagamit mo yan 😉

Jesus is the truth

Narinig nyo na ito?

Walang isang bagay na totoo. Ang katotohanan ay kanya kanya yan. Kanya kanya tayo ng totoo. Ang totoo sayo ay maaring hindi totoo sakin. Kaya walang isang bagay na hindi totoo. Naisip ko kung walang isang bagay na hindi totoo at totoo yun. Edi may isang bagay na totoo. At kung hindi naman totoo na walang isang bagay na totoo, edi may isang bagay na totoo. Kahit anong gawin natin, hindi natin matatakasan na may katotohanan. Ang problema lang, ang daming takot sa katotohanan. Bakit? Pakialamero kasi ang katotohanan. Mga maling trip mo sa buhay gusto nyang pakialaman. Mga nakakasira sayo gusto nyang tanggalin. Diba si Lord Yun e. Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay at mahal ka ni Lord at yan ang totoong totoo.

Sa Matthew 25:1-5, Jesus gave a very specific instruction tungkol sa isang donkey na never pang nasakyan at lagi lang nakatali. Yung donkey na yon ang pinili ni Jesus sakyan papuntang Jerusalem. Alam nyo kung bakit? Para matupad yung prophecy tungkol sa kanya. Ibig sabihin that donkey was born for specific purpose in specific time. Isipin mong mabuti, yung donkey nga may purpose si Lord e. Edi Lalo kana na made on the image of God. Kaya sa tingin mo yung sitwasyon mo ngayon parang hindi ka sinasali, palagi ka lang nakatali. Remember that donkey, how Jesus preserved her for a special and specific purpose. Kaya huwag kang mainip, dadating din yung time mo kasi may purpose sayo si Lord. Okay?

Out of control

Kamusta gising? Sarap matulog no? Sobrang sarap matulog. Pagkagising na pagkagisng mo, ang unang iniisip mo " Ang sarap matulog, gusto ko pang matulog". Diba? Hindi mo naman yun ginagawa pag katapos kumain kapag busog na busog ka sinasabi mo ba. " Ang sarap kumain, gusto ko pa kumain" Hindi naman e. Kaya ang pag tulog ang pinakamasarap gawin sa buhay pero eto ang pag isipan nyo. Tulog ka, wala kang kontrol, wala kang alam. Tama? Wala kang kontrol, wala kang alam, paano naging masarap? Kasi madalas sa buhay mas pinipilit mong kontrolin, mas nahihirapan ka. Ang gawin mo, gawin mo ang the best mo tapos ipaubaya mo na kay Lord. Masarap kaya yung wala kang kontrol minsan, parang pag tulog. Ang sarap kahit wala kang alam at wala kang kontrol. Kaya huwag kanang masyadong ma stress.

I Peter 5:7 Cast all your anxieties upon Him for He cares for you.

Love hates evil

Sabi ni Lord sa Matthew 18:6, kung sino man ang naging sanhi ng pagkakasala o pagkakatisod ng mga maliliit na batang ito na naniniwala sa akin, mas mabuti pa sa kanya na sabitan na isang malaking giligang bato sa leeg at itapon sa dagat para malunod.

Ha? Sinabi ni Jesus yon? Opo sinabi nya yun.

Akala ko ba God is Love? Oo nga.

Ang problema kasi sayo hindi ka galit. Ang totoong pagmamahal kasi nagagalit sa mali. Ang alam lang kasi nating definition ng love e yung sa I Corinthians 13 at nakakalimutan natin yung Romans 12:9. Sabi ni Paul dun, Love must be sincere and hate what is evil. So if the love that you profess does not know to hate evil, it is not love.

Hindi ko naman sinasabi na magalit kayo sa tao. Mahalin natin ang tao pero magalit tayo sa evil.

Jesus will remain

Kamusta kana? Ilang buwan na ang pandemic. May nawala ba sayo? Income? Opportunities? Relationships? or yung pinaka worst mawalan ng mahal sa buhay.

Luke 9:7-9 Si Herod nalito sya nung papatayin na nya si John the Baptist tapos mababalitaan nya yung tungkol kay Jesus. Sabi nya " Napapatay ko na yung John the Baptist ah. Sino itong Jesus na nababalitaan ko?"

Minsan mayroong mawawala sa buhay natin. Opportunities, blessings o kaya mahal sa buhay pero gusto kong sabihin sayo na kahit ano o kahit sino ang mawala, wag kang mawawalan ng pag asa, wag kang susuko kasi pag dating sa dulo meron at merong isa na matitira. Yung matitirang yon kahit kelan hndi mawawala at Yun ay si Jesus.

Wala man lahat may Jesus pa.

Credits to Bible Ninja

Goodnight ❤️

7
$ 2.47
$ 2.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @tired_momma
$ 0.02 from @LykeLyca
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Comments

Hahaha.. Ang kulit! Pampagood vibes bhe, andming nangyari! Magbasa pa nga ako ng mga ganyan pag nahahighblood ako. 🤣🤣🤣

$ 0.00
4 years ago

Nakaka wala ng stressed hehe..

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Ang ganda ng message.. Mula sa simpleng itlog lang naging special na ang isang ulam.. True, at ganyan din si Jesus pag nasa buhay mo siya, nagiging special ka❤️

$ 0.00
4 years ago

Totoo ❤️

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Nakakatuwa basahin! anng ganda ng analogy from itlog, sakit, tulog... napaka simple pero ang swak sa message na nais iparating sa tao. Thanks for sharing and God bless! I like Bible NInja!

$ 0.00
4 years ago

Yes. Ako din habang nakikinig ako sa kanina nauuplift yung soul ko. I mean ang catchy nya pero yung message e ma encourage ka talaga

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago