Isang mapagpalang umaga sa ating mga tagabasa. Narito ako upang ipahayag ang aking saloobin hinggil sa mga kaganapan sa ating paligid. Kapansin-pansin na hindi pa nangangalahati ang taon ngunit marami na ang mga nangyari. Nagsimula sa hindi inaasahang pagputok ng bulkan na sinundan ng pagkakaroon ng pandemya na hindi inaasahan ng kahit sino man. Maaring kayo rin ay may mga saloobin hinggil sa pangyayaring ito, ako man ay gayon din, at nais kong maintindihan nyo kung ano nga ba ang isinisigaw ng aking saloobin. Matapos ng pag anunsyo ng isang pandemya, lahat ay nagkagulo, marame ang gumalaw ng di man lang nag iisip, marame ang nag marunong, ngunit nakasalalay ang kaligtasan ng nakararami.
Sa patuloy na pagdami ng mga positibo sa sakit, ang siya namang pag usbong ng isyu ukol sa edukasyon na magiging sentro ng aking talumpati. Alam natin na ang edukasyon ay isa sa mga importanteng aspeto ng ating buhay. Ito rin ang naging dahilan ng mga tao upang matuto at maging propesyonal na tagapag-lingkod ng ating bayan. Ngunit sa panahon ng pandemya dapat bang mauna ito? Ito ang tanong ng nakararami lalo na ng mga apektado ng pandemya, nararapat lang ba na unahin ang edukasyon sa bingit ng kamatayan?
Naging sigaw ng mga estudyante ang mga katagang #masspromotionnow at #nooneshouldbeleftbehind na naging sanhi ng mainitang pagdedebate tungkol dito. Nag pahayag ng ibaāt-ibang saloobin at kaalaman sa magiging resulta ng mga magiging desisyon. Karamihan ay nakisimpatya sa mga estudyanteng walang wala, at di kakayanin na maipagpatuloy ang birtual na pag aaral, ang iba naman ay nanatiling matigas at iniisip ang papatunguhan ng ating kinakaharap. Marahil ay tama nga sila sa aspetong nararapat lamang na ipagpatuloy ang nasimulan ngunit ang panahon ngayon ay naiiba. Marame ang walang trabaho, marame ang apektado, may mga pamilya na may positibo, at marame ding mga estudyanteng frontliner na isinasakripisyo ang kanilang oras, kaligtasan at serbisyo para sa bayan. Nararapat lang ba na ipagpatuloy kung ganito ang mga sitwasyon?
Marame ang nagalit, nanghusga sa mga estudyante na ang kahilingan lamang ay maintindihan ang kanilang sitwasyong kinakalagyan, at marame ang nag rebelde. Ngunit ang tanging hangarin lamang ng mga estudyante ay ang simpatya at pag-unawa lalo na sa kalagitnaan ng pandemya. Lahat tayo ay apektado ngunit hindi lahat ay pare-pareho ng sitwasyon. Marame man ang nakakaalam pero iilan lang ang nakakaintindi.
Ito ang aking saloobin. Karapatan ng bawat isa na makapagpahayg ng kanyang saloobin sa anumang sitwasyon. Upang mabago pa ang dapat baguhin at maayos ang dapat ayusin upang magka-isa ang mga mamamayan. Muli, maraming salamat at magandang umaga.
Hindi ko maintindihan kung anong klaseng gobyerno meron ang Pilipinas, tila nasobrahan na ata tayo sa demokrasya lalo na yung mga nakaupo sa pwesto na di manlang iniisip ang sitwasyon ng mga taong dapat pinag lilingkuran nila. Ako'y higit na tumututol sa online class lalo na sa darating na pasukan.