Record ng Pag-ibig

0 17
Avatar for Yash
Written by
4 years ago

Kayganda ng gising ko. Nakagagaan ng pakiramdam ang pagngiti ng araw na nakadungaw sa bintana ng aking kwarto. Idagdag mo pa ang kasiyahang aking nadarama dahil sa pagbabalik bayan ng aking kababata/kinakapatid/bespren galling Amerika at kami ni Kuya ang magsusundo sa kanya sa airport.

 

             Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayon. Paano kasi’y may lihim akong pagtingin sa simple, matalino pero napakatahimik kong bespren. Hanga ako sa mga tipid na salitang kanyang binibitiwan na lagging pulos may kabuluhan. Idagdag mo pang topnotcher naming siya noong dito pa siya sa Pilipinas nakatira apat na taon na ang nakararaan.

 

             “Yaji anak, bumangon ka na nga riyan at aalis pa kayo ng Kuya Jam mo! Baka maghintay ng matagal si Jayvee sa airport, nakakahiya sa ninang Ofelia mo. Sa ‘tin nya binilin ang batang ‘yon.”

 

             Si mama yun. Pinagmamadali na ako. Di naman sila apurado eh. Hindi talaga eh! Si kuya na naman may kasalanan neto. Ewan ko ba dun kay Kuya lagging hinahabol ang oras. Kahit sobrang aga pa kala mo sobrang late na siya.

 

             Nagmamadali na akong bumangon nang marinig kong pumihiot yung doorknob. Alam kong si mama yun. Syempre, para di masyadong halatang excited ako, dali-dali akong bumalik sa pagkakahiga at nagtulug-tulugan.

 

             “Pambihira kang bat aka! Bumangon ka na nga! Tanghali na!”

 

             Tinapik tapik pa ‘ko ni mama at ako naman kunwari inaantok antok pa. Kunware dinistorbo nya tulog ko. Pagkatapos ni mama buksan ang bintana ng kwarto ko at itali ang kurtina dun, lumabas na siya at ako? Mabilis akong bumangon, naligo, nagsipilyo, dumiretso sa kusina, kumain malamang! Tapos puunta na sa garahe namin. Andun na kasi si papa at si kuya  at nakahanda na rin ang sasakyang gagamitin namin.

 

             Bago pa man ako tuluyang makasakay sa family van naming, binate muna ako ni kuya or should I say, inasar muna niya ako.

 

             “Ganda ah! Nice! Babae na siya…”

             “Kuya nman eh! Bakit? Bago ba dumating ‘tong petsa ngayon, lalake ba ako?”

 

             Ayun! Tinawanan lang ako ni Kuya tapos nakisali pa si papa sa pang-aasar! Buong byahe papuntang airport, pinagtulungan lang nila akong tuksuhin.

 

 ***********************************

(Sa airport…)

             Ano ba naman ‘to si kuya anlaki laki netong ginawa nyang placard. Daig ko pa aktibista neto eh. Saken nya pa talaga pinapataas. At ang nakasulat? “WELCOME HOME JAYVEE ALCOSER!” Welcome home daw? Di naman naming kamag-anak si jayvee eh! Talaga to si K---

 

             Natigilan ako nung lumapit sa ‘kin ang isang bulag na lalake. Gwapo sana eh, parang action star. Nakasuot siya ng semi-fit na blue shirt na pinatungan ng black leather jacket na pinares sa isang itim na maong pants at blue na converse na sapatos. Kaso lang, bulag pala siya. Naksuot kasi siya ng malaking itim na sal---

 

             Gayon na lang ang pagkabigla ko nung mag-“Hi!” siya sa’kin kasabay ng pagtanggal nya sa kanyang salamin. At siya ay… walang iba… kundi… si… Jayvee! Ang laki ng pinagbago niya. Halos di ko siya nakilala. Buti na lang kilalang kilala ko ang boses niya. Ang dating nerd glass niya ay napalitan nan g shades. Ang maitim niyang balat ay pumuti na at kuminis. Epekto yata ng glutathione. Wala na rin ang sangkatutak niyang tigyawat sa mukha niya dati…

 

***********************************

Dahil samen sya binilin ni Tita Ofelia, sa bahay namen siya magse-stay. (Tita ang tawag ko sa mama niya dahil yun ang kagustuhan ni ninang.) Ang awkward pala pag kasama mo sa iisang bahay yung taong mahal mo pero di niya alam na mahal mo siya.

 

             Dalawang linggo na siya sa amin. Sa totoo lang, lalo ko pa siyang nakilala at parang lalo akong nahuhulog sa kanya. Nalaman kong may sense of humor pala siya. Hindi na siya gaya ng dati na sobrang tahimik. Madalas pag nagkakausap kami, nagagawa niyang patawanin ako. At naiisip kong, magaling nga ba siyang magpatawa o sadyang mahal ko lang talaga siya kaya niya ako napapasaya?

 

***********************************

             Minsan, niyaya ako ni Jessy sa birthday party niya. Sinama ko si Jayvee dun, gusto niya raw kasing samahan ako para daw siguradong magiging ligtas ako. Parang gusto ko nang isiping may gusto din siya saken pero ayokong paasahin ang sarili ko dahil baka masaktan lang ako sa bandang huli.

 

             Nung biglang mag-play ang love songs… lumapit si Joey sa table naming. Matagal ko nang manliligaw si Joey pero ‘di ko sinasagot dahil si Jayvee ang mahal ko. Sumayaw kami sa dancefloor at dahil sweet yung kanta, para kaming bumalik sa JS Prom. Napalingon ako kay Jayvee at, ilusyon ko nga lang kaya na parangiritable siya habang nakatingin sa ‘min ni Joey?

 

***********************************

             Pagkatapos ng party na ‘yon, bumalik na naman siya sa pagiging tahimik. ‘Di niya ako kinakausap, di pinapansin. Para kaming nagging estranghero sa isa’t-isa. Para na akongb tanga na kinukuha ang atensyon niya. Pag kinakausap ko siya sulat lang siya ng sulat sa pahina ng notebook niya. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya o hindi…

 

             Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong lapitan siya, sigawan, itanong sa kanya kung ano ba’ng problema. Magsisimula n asana ako magwala nang mahagip ng tingin ko ang isang pink teddy bear na nasa tabi ng lampshade. May kasamang card yun na nagsasabing:

 

                          Dear Yana Jean(Yaji),

                                       Sa mga oras na ‘to, alam kong nakita mo na ‘tong bear

na ‘to. Pindutin mo yung heart icon sa dibdib ng bear… at

making ka…

                                                                              -Jayvee

 

             Bagaman medyo kinakabahan ako, I did what it says. At nagsimula kong marinig ang boses ng taong mahal ko…

 

             “Ginawa ko ito to clear things up. Simulant naten sa pag-alis ko dati. Pumayag akong magpa-petition kila mama nun dahil pakiramdam ko, I’m falling in love with you. Pero gusto ko, makatapos muna tayo ng pag-aaral, at masyado pa tayong bata for a relationship that time. Tsaka torpe kasi ako eh. “Di ko masabi sa’yo ang “I Love You…” Binago ko ang sarili ko . I made a self transformation para gayahin ang idol mong si Vic Chou. Mahal kita eh. At alam kong masaya ka ‘pag naaalala mo si Vic kahit sa katauhan ko lang. Sorry kung iniwasan kita. Bawat lapit mo kasi, parang gusto ko nang aminin na mahal kita kaso parang may mahal ka ng iba… pero bespren, bati na tayo ah? Nahihirapan na rin akong iwasan ka eh! I Love You…”

 

             Pumatak ang mga luha ko pagkarinig ko sa record niyang ‘yon. Ganto pala ang pakiramdam kapag nalaman mong mahal ka rin pala ng taopng mahal mo…

 

             Natagpuan ko na lang ang sarili kong kumakatok sa pinto ng kwarto niya habang yakap yakap ang pink teddy bear na iyon. Doon ko nabuo ang isang pasya na tiyak kong lubos kong pagsisisihan kapag ‘di ko ginawa…

2
$ 0.00
Sponsors of Yash
empty
empty
empty
Avatar for Yash
Written by
4 years ago

Comments