Ipakilala ang Sarili

0 19
Avatar for Yash
Written by
4 years ago

Describe yourself. Ipakilala ang iyong sarili. Usong-uso yan. Tuwing magbubukas ang school year at tuwing mag-aaplay ng trabaho. Pero, pano nga ba magpakilala? Hirap na hirap ako sa ganto eh. Pero ginawa ko tong tekstong ito para sumubok.

 

              Ako si Mary Grace Largo Cua. Simpleng tao, tahimik(daw?) at laging may sariling mundo. Mukha daw akong Japanese. Medyo boyish, hindi naman katangkaran, hindi rin maputi at medyo chubby.

 

              Sabi nila lagi daw akong may sariling mundo. Aba! Ang galing ko naman. Kung ganon lang, edi sana inampon ko na ang mga nasa squatter’s area dahil punuan na sa Earth. Tahimik? Hindi ako tahimik. Madaldal nga ako eh. Hindi mo lang talaga ako nakakadaldalan. Sabagay, pano nga naman mangyayari yun eh di naman tayo ganun ka-close.

 

              Halos lahat sila sinasabing mataray daw ako. Nakakatakot daw kasi ang mata ko. Sobrang nakakatakot ba talaga ang mga tingin ko? Bakit ba pag di ako namamansin andaming violent reactions? Madalas tuloy silang mag-alangang lapitan ako. Naku, kung padadaig ka dyan sa takot na yan, di mo makikilala ang tunay na ako. Yung normal na ako. Yung marunong ding tumawa at umiyak tulad mo.

 

              Malapad ang noo ko. Dahil gusto kong takpan ito, nagpa-bangs ako. Yung straight bangs(gaya kay Dora). Malay ko bang sa paningin nila, magmumukha pala akong Japanese. Singkit pa naman ako. Sa totoo lang may nananalaytay na dugong tsino sa dugo ko. Fil-Chi kasi ang tatay ko. Hahah!! Matuto lang daw ako ng Nihonggo o kaya Mandarin, di na daw ako mapagmamaling Pilipino.

 

              Hindi ako yung tipo ng babaeng kikay. Hindi ako marunong magmake-up. Sa pananamit, mas gusto ko ang loose shirts at shorts kesa sa miniskirt at dress. Hindi ako palaayos. Lalaki ako kumilos. “boyish” nga raw ika nila. Pero porket ba ganto ako, tomboy na ako? Di ba pwedeng conservative lang? o kaya strict masyado ang mga magulang kaya di natuto maging girly? Siguradong-sigurado ako na ako ay babae. Nagkakagusto rin naman ako sa lalaki pero madali kong natatago sa “tomboy image” ko. Sa dami ba naman ng naggagandhang mga babaeng nakapaligid sa crush ko, anong panama ko di ba?

 

              Kahit six footer ang tatay ko, 5’3 lang ang height ko. Hindi ako maputi. Lagi kasi ako nagbibilad sa arawan. Tamad kasi ako magdala ng payong eh. Hilig ko ang kumain. Kunin mo na nag lahat sa akin wag lang ang pagkain. ^_^

 

              Sa haba nito, parang walang kwenta di ba? ang hirap kasi i-describe ng sarili eh. Di ko alam kung pano at ano ang dapat kong sabihin. Kung nakukulangan pa kayo, pakitanong na lang po ang mga ito tungkol saken.

 

-  Estrella Largo –nanay ko

-  Nelson Cua –tatay ko

- Richard Jan Biana - asawa ko

-  Evangeline Imingan - bespren ko

-  Banjo Del Prado - bespren ko din

- Edward Lazo - bespren ko din

- Marvince Jun Balejado - bespren ko din


1
$ 0.00
Sponsors of Yash
empty
empty
empty
Avatar for Yash
Written by
4 years ago

Comments