Bashbook

1 20

Lahat tayo marahil sawa na sa mga frennies natin na puro aura sa facebook nila.

Make up na pak na pak!

Sexy manamit!

Either naka-pamewang, naka-sideview, fierce, sun-kissed, patalikod, kunyare stolen.

Iba-ibang anggulo. Iba-ibang kulay. Iba-ibang presentation pero lahat yun unique way nila ng expression.

Usong-uso ngayon yan eh. Bawat kilos, post sa socmed. Bawat lugar na pupuntahan, bawat taong kasama, bawat pagkain na titikman, at kung ano-ano pa, compulsory na may picture ka!

Sa isang click, you can face the world.

Nung pumatok ang social media platforms, maraming tao ang nakawala sa hawla. They have felt the power to take control of their lives. They had the chance of being the person what they want to be.

Sa bahay, hindi nila nasasabi ang mga gusto nilang sabihin. Wala silang power i-voice out ang mga naiisip nila, napagkakaitang maglabas ng saloobin at sariling opinyon.

Sa bahay, bawal magdamit ng ganto, bawal ang ganyan. Anjan yung supee conservative ang family. Meron din namang iba na nagsuot lng ng sando and shorts out of comfortability, iba na ang titig ni tatay, ni kuya, ni tito o ni pinsan. Minsan nga pinasok pa sa kwarto. Pinagkakatuwaan tuwing may family gatherings. Walang nakikinig, walang rumirespeto, walang kadu-kadugo.

Sa bahay, bawal ang make-up. Bawal ang pulbo, lip tint, lip balm, lipstick. Bawal ka magpaganda.

Sa lahat ng yan sa social media lang nila nagagawang magpakatotoo! Nai-express nila ang mga gusto nilang sabihin. Napopost nila ang mga pictures nila suot ang mga damit na gusto nila habang tumatanggap ng papuri at hindi paninirang puri. Sa social media, nakakapagpost sila ng naka-make up na nakaka-boost ng self confidence nila at nakakabawas sa insecuirities nila cominh from the people around them.

Madalas sa social media na nga lang ang nagiging temprary escape from sad reality ng ilan, pati sa social media binabash pa sila.

Pag may nagpost na oversized wearing a bikini, sasabihin kapal ng mukha.

Pag may nagpost ng naka-shorts pero maraming peklat, sasabihin hindi na nahiya.

Pag may nagpost ng pandak na naka-heels, sasabihin trying hard.

Wala tayong alam sa pinagdadaanan ng kahit na sinong taong nakakasalamuha natin. Hindi mo alam ang pinakatatagong dinadamdam nyan. Kung wala ka namang ambag sa buhay nya, manahimik ka na lang. Mag-isip na lang tayo ng maiaambag natin sa lipunan at kung paano maging mabuting tao.

Sponsors of Yash
empty
empty
empty

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Yash
empty
empty
empty

Comments

Meron po talagang mga taong idodown ka, ibabash ka pero huwag na hwuag kang magpatalo sa kanila. Di man sa sakitan. Ipakita mo lang na mas better kapa sa kanila.

$ 0.00
4 years ago