Tagumpay ng mga magulang para sa mga anak.

6 20
Avatar for Yammy24
3 years ago
Topics: Motivation

Ako'y nabibilang sa isang pamilyang mahirap lamang. Ang ama ko'y magsasaka at ang ina ko'y plain housewife. Kami ay walong magkakapatid, ako ang bunso. Bata palang kmi, naimulat na sa amin ang mamuhay ng payak lamang. Gayon paman hindi hadlang ang kahirapan upang kami ay matapos sa aming pagaaral.Bihira man ang masarap na ulam. Sa aming hapag kainan, masaya naman kaming napaghahaluan ang bawat pagkaing naihahain. Papasok sa paaralan na walang baon kundi ang bilin lamang ng aming magulang na makinig sa guro at mag aral ng mabuti. Wala mang pagkain sa recess dahil walang pambili tanging pagrereview lang karamihan ang aming ginagawa kapag recess noon. Kapag panahon ng taniman ng tabako dati, tuwing hapon, kami ay dumideretso na sa bukid upang tumulong sa pagbubungkal ng lupa kasama c tatay s apag alis ng mga damo sa pananim.Ang mga nakakatandang kapatid ay kasama ni ina sa bahay para sa gawaing bahay.Pag uwi nmin ng bukid masaya kaming sumasakay sa kariton at nakasakay sa likod ng kalabaw.Hindi namin ramdam ang pagod dahil sa tuwing pag uwi ng bahay salo salo kami sa pagkain at sa pagtulog. Gayondin bago matulog di nawawala ang pag aaral muna para handa na kinaumagahan.nakatapos kming lahat sa Secondarya at 4 s aaking mga kapatid ay Valedictorian. At syempre di din namna kmi papahuli, honor student din.

Dahil di sapat ang kita ng aming mga magulang para matustusan ang aming pagaaral, Tumira sa lolo't lola namin ang aking kapatid habang nasa kolehiyo at nakapagtapos bilang Guro. Ang 3 saming magkakapatid ay d nakaabot sa kolehiyo at nakapag asawa na.Habang naghihintay ng panahon, isang biyaya para sa amin na ang ate ko'y nakapangasawa ng isang dayuhan at siya ang tumulong sa amin para makatapos sa aming pagaaral. Sa kanilang pagsasakripisyo, tinaguyod nya kami sa hirap at pagpaparal.

Ngayon, sa tulong ng aming kapatid at sa bunga ng sakripisyo ng aming mga magulang napagtapos na nila kaming 4, isa ng Guro ang isa nmning kapatid, Engineer ang isa din, Nurse naman ang isa at ako bilang Midwife. Hindi namin ininda ang hirap na aming pinagdaanan para lamang makapagtapos.Wala mang luho sa buhay, pilit naming inaabot ang aming tagumpay. Ngayon, kami naman ang tumutulong sa aming mga anak at pamangkin upang maabot din nila ang kanilang pangarap. Ramdam naman ng aming mga magulang ang kasiyahan dahil sa bunga ng kanilang pagpapagod.

Hindi kailanman matutumbasan ng anumang mamahaling bagay ang maging matagumpay sa pangarap.Di kailangan ng cellphone para makapag aral at magsaliksik. Tanging dasal sa Panginoon at pagsisikap ang susi para makamit ang hinahangad na pangarap..

Aral sa mga mag aaral ngayon na kahit anong mangyari sariling pagsisikap ang makakatulong para magtagumpay pagaaral. Dahil walang magulang ang di titiisin ang anak makapagtapos lang sa pagaaral.

4
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for Yammy24
3 years ago
Topics: Motivation

Comments

Wow ang galing inspirational story,ang mapatapos ang anak sa pag aaral ang napakalaking tagumpay para sa magulang

$ 0.00
3 years ago

Nakakatuwa naman po at naigapang ng mga magulang ninyo ang pag aaral nyo ng mga kapatid nyo..

$ 0.00
3 years ago

Yes po, at yon po ang aming lakas para lalo naming pag igihin ang aming pagaaral hanggang makatapos kami.sana ganun din ang mga kabataan ngayon.

$ 0.00
3 years ago

Aya nga po.. Sana ang mga anak ngayon ay matutong tumanaw ng loob sa pagsisikap ng mga magulang

$ 0.00
3 years ago

Mangyayari po yan kung patuloy nating imumulat ang mga bata tungo mabuting daan

$ 0.00
3 years ago

Tama ka po dyan

$ 0.00
3 years ago