Bago magtapos itong buwan ng Agosto-buwan ng ating wika ay aking subuking hasaing muli itong kinakalawang kong pag iisip.Ninais kong lumikha ng isang tula gamit ating mahal na salita. Ngunit aking ipapauna na ako'y hindi magaling sa ganitong istilo ng akda kaya't ipagpaumanhin kung ito sa inyo'y di papasa. Ako'y wala lang magawa kaya ingay ng kapitbahay ginawan na lang ng tula.
Minsan isang umaga ako'y nagulantang,
Sigaw ni nanay yanig buong kabahayan,
Si kuya ko, sinesermonan nanaman,
Pero alam ko, wala itong kahihinatnan.
***
Kuya:
Ganito ganyan,
Huwag dito, huwag dyan,
Inay ko rumaratrat nanaman,
Bibig mistula parang "massinggan".
Taynga ko naiirita sa paulit ulit nyOng dada,
Di po ba maaari kayo'y kumalma,
Utos n'yo hinaan ang pagsasalita,
Aba't mistulang may sunog ah!
***
Nanay:
Ay naku lintek! Hinaan ba kamo,?
Kanina pa ako tawag nang tawag sa ngalan mo,
Bakit, ikaw ba may amnessia
Ano't narinig mo ba?
Kanina ka pa nakatihaya,
Tirik na ang araw wala ka man lang nagawa,
Ano't pati almusal mo gusto mo isusubo ko pa?
Por Jus Por Santo naman,senyorito ka ba?!
***
Kuya:
Oo na 'nay, babangon na,
Tumahimik na lang kayo at ako'y kikilos na,
Pakiusap lang ang inyong bunganga,
Sa kapitbahay nakakahiya.
***
Nanay:
Anak ka ng teteng!
Marunong ka palang mahiya?
Akala ko mukha mo naging aspalto na
Di tinatablan ng aking panghihiya!
Kuya:
Nay, pahiram nga palang pera,
Ako' y may paggagamitan muna,
Saka ko babayaran
Pag ako'y nagkapera.
Nanay:
Ano kamo, ika'y uutang?
Kailan mo pa ako binayaran?
Ni sarili mong brief nako! di ka makabili man lang!
Batid ko pang em ML mo nanaman!
***
Ako:
Nay,si kuya laging may kateyks,
Malimit nakikita ko sa labas at nakikipagdeyt.
Huwag ko daw sabihin at ako'y malilinteyk,
Mananatili daw itong aming sikleyt. π€£π€£π€£
Nanay:
Kita mo't kumikerengkeng ka pa!
Ni di mo alam maghanapbuhay damuho ka!
At kamo hihiram ng pera,
Wala namang ibabayad dahil laging tambay ka!
Kuya:
'San ba ako nagmana' nay kundi kay ama?
Kasalanan ko ba kung ako'y may hitsura?
Di po ba "layk pader layk san" Ika nga?
Palay na ang lumalapit, hihindian ko pa ba?
Sumulak 'ata ang dugo ni nanay
Naghanap ng ihahambalos kay kuyang pasaway,
Kuya ko' y umilag at tumakbo nang lalapit si inay
Hanggang sa makalabas sila, saksi buong baranggay. π€£π€£π€£
Hanggang dito na lang po.
Ito' y likha lamang ng aking isip at ginamit pampalipas ng oras. Hanggang sa muli.
Inyong lingkod,
-Xzeon-
08-27-21
Kulit naman kasi ng kuya e hehe. Eto landlady lang ata namin ang parang laging may sunog pag galit sa mga anak hehe.