Bad news! Not granted ang application ni hubby sa pag credit ng motor, nag text ngayon lang na not granted daw, sabi noong interview tsaka na daw mag decide kung ma check na dito sa bahay o lugar namin may pupunta dito mag check, pero wala pang pumunta o tumawag na pupunta dito. Diritso txt lang na not granted. Sayang pinakawalan nila si hubby na super early and good payor hahaha. Sya yung tao na ayaw ng utang pero dahil badly need namin ng motor mangungutang nalang talaga sya. Lumaki sya ng walang utang ganun sya pinalaki ng parents nya kahit isang kahig isang tuka sila pero never nangutang sila nanay at tatay, napalaki nila mga anak ng walang utang until now. Opposite kami ni hubby, ako mahilig mangutang pero good payor din ako hahaha, kaya simula ng nag asawa kami, pag hindi emergency hindi talaga ako payagan ni hubby mangutang. May nag offer kasi na sila mag down payment sa motor na i credit kaya ge grab nalang ni hubby na push na ang credit pero not granted after 3 days pag submit ng application.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
19 comments
What's the mere reason daw bakit di daw granted?
Walang nilagay sis sa txt na rason. Okay lang baka siguro ayaw kami may utang, at ayaw din naman ni hubby sana mangutang gusto nya mag save nalang muna para i cash kasi pag utang halos lalahati ang interest. Hihihi
Sayang naman bakit kaya, .. hindi naman dahil sa interview baka bagsak haha di naman work yan.. ano kaya reason
Duda ko sis hindi nag ring phone ni hubby, kasi may issue ang phone nya eh sabi ng mga rider noon tawag ng tawag daw sila pero hindi ma kontak, may tupak phone ni hubby, pero pag txt natatamggap naman agad, pero dalawa number nya doon nilagay yung sa akin para back up, wala din naman tumawag sa number na gamit ko
Ahh sa Cp ang problem, .. sayang naman
Parang hindi pala cp ang problem sis kasi may tumawag kanina, taga ibang finance daw sya gusto ba daw ni hubby ipa process ang applications nya pero mas mahal na ng 300. Nag duda tuloy kami na magkasabwat sila hahaha.
Ahh. Hahaha. Nahilo ako dun ah, di pala sa cp ang prob
Baka pedeng Try sa iba sis kung not approved.. ganyan kapatid ko noon hindi kami maaproveban dahil siguro maliit lang ang bahay at nangngupahan lang..
hala sana nag ci muna sila sis sa inyo. sa ibang shop sis baka meron pa i try ninyo sis.
Try sa ibang brand sis
Ay sayang naman sis, try niyo sa iba baka sakali ma approve
Minsan kasi sis mga ganyan nag CCI sa mga marites mong kapitbahay, un ang ttnungin kung anong status nyo mga ganon, ganon madalas smen e..
Hihihi sana nga sis pumunta sila dito, at alam naman ng kapit bahay namin na may work si hubby at alam nila na hindi ito sila nanay nangungutang talaga, good credentials si hubby sa mga kapit bahay eh. Kaya duda ko hindi yun pumunta, tinamad siguro ang mag ci hahaha.
Malamang sa malamang sis. Meron din nyan dito sis ung kservico bale nagpapainstallment silang cp, appliances etc. Aba e nung nag apply ang mister ko, that time nasa mcdo pa non si mister at may negosyo pa kami sabi e 1week daw iwait sa approval, mag installment sana sya ng cellphone, take note dipa kagandahan na cellphone sis ha? Aba e kung dipa sya nagfollow up e di man lang kumontak sknya na disapproved pala ang pag apply nya haha
Grabe sis ano paasa hihihi. Kanina sis alam mo ba may nag call kay hubby nag sabi na taga ibang finance daw sila gusto ba daw ipa process ni hubby applications nya tapos mas mahal na mas mahal ng 300 pesos, naisip namin ni hubby, baka kasabwat yun sila at sa kanila na ang 300 monthly mag hati hati sila dun sa nag disapprove ng applications n hubby hahaha
Ay totoo yan sis. Minsan ganyan ang kalakaran nila sa kagustuhan na kumita ng extra..
Masyadong mahigpit naman sila, imbis makatulong sa tao tsk tsk kapwa Pinoy na hindi pa tinutulungan.
Ang sayang naman sis hindi approve application ni hubby mo. Tama talaga sis sila ang nawalan ng customer. Ano kayang basehan nila bakit hindi qualitied si hubby mo sis.
May mga kailangan siguro sya e meet na criteria sis. Ganyan talaga pagmangungutang ng ganyan. Dapat matagal kana sa work atleast 1yr mahigit need din ng coe sa employer.