Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa sister inlaw ko kasi kahapon pumunta sila ng palengke, bago umalis tinanong muna ako kung may ipapabili ba daw ako. Noong pag tanong pa lang nya ay nagpapasalamat na ako kasi, iniisip ko talaga wala na kaming maluto na ulam at wala pa naman sila nanay at tatay dito sa bahay umuwi sila ng probinsya. At malayo ang palengke dito. Mabuti at nag tanong sya, nakaka tipid kami ng pamasahe na na 142 pesos dahil nagpapa bili lang kami sa kanila.…
@XOperUs in November 2022
Dahil masakit na sa balat ang araw dito sa amin at sinipag ako today, nilabhan ko na ang suit na ni rentahan last October 25 wedding. Natawa ako kunti kasi andoon pa ang tag yung parang price tag ng brand new clothes pero walang price doon kaya hindi ko yun tinanggal para malaman talaga nila na brand new at sila ang first user sa suit na yan. So nag expect na ako na kinuha nila kasi ginamit nila sa kasal nila eh, pero pag sa uli at ngayon nilabhan ko nakita ko ang tag,…
DIY magic wand toy! Bagong laruan ni baby Exo, magic wand. Napansin namin na kahit ano makita na bagay ni Exo na mahawakan nya gagawin nyang magic wand, at sasabihan na "magic" ituro nya sa mga bagay o lugar na gusto nya i magic. Kaya naisipan gawan ni hubby ng magic wand si baby hihihi. May bbq sticks at packaging tape ako sa mga decor materials ko sa wedding at may laruan syang star shape kaya ayan ginagawang magic wand ang bagong laruan ni Exo made with love by papa.
Kanina ito habang nag prepare ng dinner si hubby, biglang nag ganito si baby Exo pa balik2x naka ganyan nag lakad. Me: langga mag Harry Potter nalang talaga tayo sa Christmas party kasi nahiligan muna ng magic wand eh. Exo: Hindi, tiya ito. Loading pa kami ni hubby ng ilang segundo hanggang sabay kami nakaalala ni hubby na ginaya pala nya si tiya asawa ng kapatid ni tatay, lagi kasi na ounta yun dito sa amin halos araw araw at sa baba lang din bahay nila kapit bahay lang…
Kakatapos ko lang manood ng live selling, nag mine ulit ako ngayon sa kanila pang resell ko dito mga dresses for adult naman. Subukan ko lang baka mabinta ko dito. Nakauna ako mag mine sa pa free nila kaya ang saya ko hahaha. Kada bago mag end ang live nila nagpapa mine free sila at minsan nagpapa games tapos 50 pesos gcash ang prize. Nakadalawang panalo na ako sa kanila last two weeks na live selling at kagabi at ngayon ay pa free mine naman ng mga items hihihi. Like and…
Ang buong akala ko talaga may grapes pa si Exo sa ref kaya sabi ko kay hubby paki kuha ng grapes ni baby. Pero dahil pinakain pa nya ang aso, at ako na nakaupo lang, ako nalang tumayo at kukunin sana. Pag tingin ko wala na pala, at naalala ko last na pala yung binigay ko kay Exo kahapon yung nasa picture. Nag sorry nalang ako kay baby dahil pinaasa sya sa wala. Half kilo lang kasi binili ko noong Saturday night. Para lang talaga sa kanya yan, bahala na wala kami basta meron…
Na realise ko ang gawang magic wand ni hubby for our baby Exo ay parang rosas ahahaha. Bibili ako ng black tape para ito nalang gagamitin namin na magic wand for Exo sa cosplay Christmas party theme namin next month. Harry Potter nalang kasi ang i costume namin since nahiligan na ni baby ang magic wand na laruan lately. Ang una kasi naisip ko ay korean outfit nalang kami, yung Korean sweatshirt lang kasi tag lamig ang December at isa pa affordable lang ma bibili lang sa…
Sa kagustuhan ko na malinis palagi ang unread ko at mag Marites sa mga post ng mga kaibigan ko dito ay natatambakan naman ako ng discussions ahahaha mga kausap ko hindi pa narereplyan at mga nag comment sa post ko. Hindi kasi ma ubod ubos sa unread section eh, kakatapos ko lang may bago ulit hahahah. Pero ngayon, tigilan ko muna mag marites sa mga post nyo ha. Ang discussions naman atupagin ko pero mamaya na yan, manood muna ako saglit ng kdrama at mag nap. Hahaha.
Photo by : Idolwanderer Photography Inaabangan ko talaga ang official photo ng wedding na ge assist ko last week October 28. Idol talaga si Mr. Photographer and the bride, ang galing nya mag project, hindi talaga nahirapan si photographer sa ipapagawa sa kanya. Performer kasi sya at maganda din kaya walang ka hirap hirap si photographer. Nahirapan lang kami sa language kasi tagalog si bride at kami bisaya kaya nagkabulol bulol hahaha. May behind the scene video ako sa photo…
Isa sa mga inaabangan ko na shot ay yung nasa rooftop kami nag photoshoot habang umuulan. Na post ko na dito yun ang picture na behind the scene. Repost ko ulit yun nasa 3rd photo attached hihihi. Sa wakas lumabas na ang official photo nila naka post na sa fb page nila Idolwanderer Photography kagabi. Bigyan nyo ko pang kdrama title sa picture na ito hahaha pang caption ko sa fb page ko hahaha, sa mga adik sa kdrama dyan.
Stolen shot by Idolwanderer Photography! Ako pala yang yagit dyan na may bitbit na plastic ahahaha, walang ibang yagit dyan na mkikita nyo. Nag sisiksikan kami dyan sa may roof kasi maulan talaga ang araw na yan kasagsagan ng bagyong paeng. Nahirapan ako kunti nito as wedding coordinator kasi ulan eh extra challenge as coordinator, New experience din. Sinali ito sa pinost ni photographer sa official photos attached sa fb page nila hahaha nahiya ako kunti sa stolen shot na…
Ref magnet wedding souvenirs! Ito nakita ko ang mga ref magnet na wedding souvenirs ng mga clients ko noon. 2018 pa ako nag simula mag wedding coordinator ko, base sa observation ko talaga pag ganito ang wedding giveaways iiwan lang ng mga guest sa table tatayo at aalis lang sila. Dami namin maligpit ng ganito after wedding reception program talaga. Nag advise ako sa lahat ng mga clients ko na wag na ganito na giveaways kasi ako nasasayangan talaga sa pera, gusto ko yung…
April 2022 Wedding! Nag suggest ako sa bride na instead of ref magnet na mukha lang nila ang gawing wedding souvenirs ay yung photobooth magnetic nalang kasi ito for sure dadalhin talaga ng mga guest pauwi ng bahay nila kasi andoon mukha nila eh. Nag agree naman si bride agad sa suggestion ko. First photo attached ay yan yung team ko with the bride and groom. Sa second photo attached ay hindi rin kami nagpapahuli ni hubby hahaha kahit hindi marunong mag pose hala gorabells…
Nakakapasok na si Exo sa workplace ng papa nya hihihi. Gealihan niya na ug flywood para dili ka ditsi samok samok si Exo pag mag work sya. Pero ngayon marunong na umakyat hahaha kaya nakakkapasok na sya dyan ginugulio nya ang kanyang papa mag work. Kaya ginawa ni hubby pinalaro nalang niya kay baby ang isang extra mouse nya. Feeling may laptop din si Exo pero cellphone na maliit lang pala hihihi. Nakikiupo na rin sya sa upuan ng papa nya. Kanina yan umaga na picture.
Nag request si Mr. Photographer na pa assist sa buhok ni bride, akala namin ng hair dresser ano gawin, tagal namin naka gets sa ibig sabihin niya ayun pala mag putol ng isang buhok galing sa bride at itali sa engagement ring niya at ayan ang ginawa. Makikita nyo ang result nasa 3rd photo. First and second photo attached ay ang behind the scene shot ko as wedding coordinator. Third photo attached ay ang iyong official photo ni Mr. Photographer na naka post sa fb page nya na…
Kakagising lang ni baby namin from his afternoon nap. Anong oras na ngayon hahaha. Sinubukan ko gisingin kanina 5pm,umiyak kaya hinayaan ko nalang matulog muna at kusang magising bahala na matagal maka tulog mamaya aabutin ng madaling araw bago antukin hihihi. May lakad si hubby at si nanay kaya naka hiram kami ng laptop ngayon para sa nursery rhymes videos marathon ni Exo hihihi.
Behind the scenes ulit tayo hahaha noong wedding last week na ge assist ko. Nasa second photo attached ang official photo ng photographer, ang unang makikita nyo behind the scene yan hihihi. Dami ko pa i popost dito mga photos ng last week wedding namin. Photographer: Idolwanderer Photography
Akala ko talaga wala pang 6am kasi madilim pa at pag tingin ko sa oras past 7am na pala at maya maya ay umulan. Matutulog sana ulit ako, pero hindi na na ako maka tulog ulit kahit 2am na ako natulog kagabi kakanood ng kdrama hahaha. At si Exo naman ay 12:30am na nakatulog at itong picture attached ay kagabi din nag laro ng lutulutuan bagong laro na na diskobre nya parang gusto ko na tuloy sya bilhan ng kitchen toy pero mahal kasi yun almost 1k ata ang isa nun hihi.
Mga friends, hinanap ko yung sinabi nyo na bagong update sa app na ito yung mark all sa unread, hindi ko mahanap hihihi. May bagong naisip kasi ako ngayon para hindi ako habol ng habol sa unread na hindi nauubos hahaha. Ginawa ko kanina sa lahat ng nag heart sa post ko ay yun nalang pinuntahan ko isa isa para maka heartback sa mga post nila at maka Marites na rin hahaha. Natapos ko na ang 32 likes sa last post ko kagabi napuntahan ko na sila at naka heartback at ngayon mark…
May bago akong naging kaibigan dito sa noiseapp si sis @Myles, mostly kasi mga kaibigan ko dito ay kaibigan ko na sa noisecash pa lang. May post sya about social media account sa fb kaya ayun napag kwentuhan at ngayon binaha nya ang notifications ko sa vlog at iba pang side hustle page ko. Maka sana all nalang tayo sa support agad na pina kita hihihi. Bibigyan ka talaga nyan ng top fan badge ni fb sis mag tagal. Mag ipon ako dito pang rewards sa mga may badge doon sa vlog…
Sa mga kdrama adik dito, napanood nyo na ba ito? Sobrang kinilig ako sa couple na ito hahaha mas kinilig ako sa kanila kaysa leading couple ahahah. Supporting actors lang sila pero sa kanila ako kinilig ng todo talaga sayang nga lang kunti lang mga scenes nila hihihi. Gwapo ng lalaki ano kaya name nya? Ahahah sana may kdrama na sya ang bida or leading man hihihi. Dami ko rin tawa sa kdrama na ito, ang ganda ng plot, yung seryoso scene bigla maging kingkoy matatawa ka talaga…
Subukan nyo lang po hulaan kung ano niluto ko kanina na pang meryenda namin hihihi. Basta heavy and healthy meryenda ito hihihi. Ang lakas ng apoy nuh? Masarap at nakaka inspire mag luto talaga pag ganyan ka lakas ng apoy ug ingon ana ka sigaon ang kahoy hahaha.
Lagi ko ito nakikita sa GMA tv na artista at nagagandahan talaga ako sa kanya at ang sweet nya mag salita at mukha. Pero hindi ko alam ang name nya, gusto ko malaman ang name niya pero hindi ko rin naman ge search kung ano name nya until now hihihi. Pag open ko ng fb, post nya nakita ko yung naka lagay na suggested for you na i follow natin. Ge open ko yung profile ayun yung artista na gusto ko malaman ang pangalan nya hihihi kusang dumarating o sinagot tanong ko. Ge stalk…
Araw araw naka on radyo dito sa amin kasi mahilig sa radyo si tatay. May drama sa radyo sa DYHP Cebu narinig ko habang akoy nag huhugas ng pinggan. Hindi kontento si wifey sa retirement na natanggap ng husband nya na half million, gusto nya talaga isang million. Malaki na yun para sa akin, be wise nalang sa pag gamit wag yung kasabihan na "one day millionaire" Kana ganing drama sa radyo sa Cebu nga "kung ako ang pasultion"? Ahahaha usahay kay maka ingon ko ug dili tinuod…
Habang nag dede si baby biglang sabi nya na; Exo: Ligo ko ma mag swimming ko like fish (action) Binabad ko muna sya dito sa palanggana hanggang mag sawa sya, andito lang ako sa tabi na nag iingay dito sa noiseapp habang binabantyan sya nag lalaro sa tubig hihihi. Pag baba namin isang car toy lang dinala nya, mayamaya parang nag sawa na sa isa yung maliit una nyang dala. Tinawag ang papa nya parking truck daw kaya ayan binigay sa kanya, mayamaya nag sawa ulit humingi na naman…
Hindi na ayos ang pagka on ni nanay sa ref kaya pag gising kanina umaga naku medyo nangamoy na ang karneng manok na binili ni nanay kagabi din.Ilang days kasi ge off ang ref kasi walang laman sayang lang kuryente pag tubig lang laman. Sabi ni tatay itapon na daw kasi nangamoy na, pag check ko kunti lang naman ang amoy kaya dali dali ko hinugasan at nilagyan ng asin at ground pepper at nagpabili ako ng mantika at crispy fry ni hubby gusto ko pa subukan lutuin baka pwedi pa…
We just got home! Exo: Picture muna tayo (2x) Pangalawang sabi pa nya ko na gets ang sinabi ni baby Exo, pa sakay na kasi kami sa motor kasi nanghiram kami ni tatay ng motor pero nag request si Exo na mag picture muna kaya pinag bigyan hihihi at ito na i flex ko sa inyo ang family picture namin kanina.
Flex ko lang ang tshirt ni baby Exo namin hihihi. Isa yan sa paninda ko na walang nag mine o hindi nabinta. Kaya kay Exo nalang walang bumili eh hihihi. Mabuti nalang walang bumili kasi maganda bet ko sya for him hihihi. Sa second photo attached ge post ko rin sya sa page ko hihihi. Ang ganda ng panahon ngayon dito sa amin pero ito na naman ako dinalaw ng katamaran ahahaha ang isip ko gusto mag laba pero ang katawan ko ayaw ahahaha.
Share ko lang hihihi masaya kami ni hubby ngayon kasi may offer galing sa bff nya (close childhood friends) Na sya daw bahala mag down payment sa plano namin mag credit ng motor at kahit hulog hulogan lang namin sya ng tag one hundred pesos kada sahod ni hubby ang importanti mag focus mag bayad sa motor monthly. Diba amazing and great offer? Aayaw kapa ba doon? Hihihi. Nag decide na talaga kasi kami ni hubby na wag nalang mag credit ng motor kasi gipit kami ngayon wala na…
Throwback photo (May 2022) Pag titignan ko talaga ang picture na ito at i zoom in naku natatawa talaga ako hahaha. Iniwan muna namin sa tabi na malapit lang din ang anak namin pero andun pamangkin ni hubby para mag bantay sa dalawang baby. Hindi pa kami natapos sa isang picture seconds pa lang naiwan naku nag sisiiyak na kaya ayan sa picture, dinala ni pamangkin ang dalawang bata sa papunta sa amin hahaha nasali tuloy sila sa picture namin hahaha.
May 2022 (Throwback photo at Cebu Westown Lagoon) Noong 2nd birthday ito ng baby Exo namin. Kaibigan namin yan kasama sa picture, isa sa nag sponsor para matuloy ang birthday celebration sa Westown lagoon pool. Sponsored by mga tita ni Exo ang celebration sa 2nd birthday nya. Mga kaibigan namin na tita nya hindi mga kapatid namin hihihi.
Five hours ago pa ang last post ko hihihi na busy ako mag promote ng small business ng ate(first cousin) ko na ako ang nag manage nasa abroad kasi sya ofw. May isang private group kasi ako sinalihan pwedi mag promote ng business sa group na yun pero dapat isang picture lang i attached at nag suggest sila ipa collage nalang daw para dami pa rin picture hihihi. Sa canva app ako nag photo collage.
Lilbitscary! Pag gabi ako mag oopen ng app na ito bilibili natatakot ako kunti sa logo nila hahaha yung bubungad sayo pagka open mo hahaha. Pinanood ko yung nag trending na kdrama "love in contract dito sa app na ito, medyo nanibago ako sa app na ito kasi need i search ang title, pag hindi mo alam title hindi mo makikita, wala ding continue watching hihihi. Noong nakalimutan ko saan ako huminto na episode, pag balik ko hindi ko alam anong episode e search ko hahaha. Nasanay…
Tumawag si mama kanina, antayin ko lang kasi sya ang tatawag sa akin kasi pag ako magpaload tatawag sa kanya ay ma sayang lang talaga ang load ko hanggang mag expire cannot be reach lagi. Nagpakabit ng wifi daw si bunso sa bahay namin na sira sira na hihihi. Ofw dahil si bunsong kapatid ko,at mga anak nya si mama nag bantay at gusto nya laging mag videocall kaya nagpa kabit ng wifi. Kung ako lang talaga, may wifi naman sa kapit bahay kung gusto mag videocall makiki connect…
Kilig ako sa sabi na "But don't worry it's not your fault" ahahaha. Gumawa ako ng twitter account para sa new side hustle na naman na game crypto rin ang ma earn shib coin. Own screenshot photo.
Mama: may wifi kami dito pero walang pagkain at sira sira ang bahay. Me:Sige lang ma atleast may wifi hahaha. Tawanan kami ni ate sister inlaw ko at ni mama. Sa second photo nag groupie kami, first ever videocall. Salamat pa rin sa kapatid ko dahil naka videocall na ako sa wakas kay mama. Lumiit ang mundo namin dahil sa technology. Pumayat sobra si mama kaka bantay ng malikot na apo, wala sa picture ang binabantayn ni mama natulog eh. Kada sahod kasi ni kapatid na ofw kung…
Our family colour of the day is grey! Earlier, we went to our regular practice for our presentation of our upcoming Christmas party. The theme is the 1970's. Only nanay and I are kasali, but baby and hubby are with us because hubby drives tatay's motorcycle and baby has no one to watch over him at home if iwan namin sya.
Own screenshot photo! Akala ko nakaabot na ako ng 300 words, pag check ko sa Google word counter 197 lang pala hahaha.After an hour check ko ulit akala ko tama na talaga or sobra na kasi mukhang mahaba na talaga ang kwento ko pero oag check ulit ay kulang pala ng isang word pa para maging 300 hahaha. Ayan talaga ang rason eh kaya hindi ako inspired mag active sa steemit kasi hindi kaya ng utak ko doon, hindi ako marunong mag gawa ng articles lalo na pag gawa ng title sa…
Masaya ako makita na naka tayo na ang bahay kubo namin, nag request ako sa kapatid ko na lalaki na panday kung pwedi gawaan nya ako bahay kubo para maka lipat sila mama dahil sira at sobrang luma na talaga ang maliit namin na bahay dyan lang din sa katabi. Sa bundok may mga free kahoy doon na pwedi putulin para pang gawa ng bahay kubo sa mga tao at yun ginawa ng kapatid ko kaya kahit isang daang libo lang napadala ko ay napatayo na nya yan, pinangbili lang ng pako. Noong may…
Nagulat kami ni hubby sa ginawa ni baby, sabi ko na langga gusto mo picturan kita post ko sa noise? Sumagot naman sya ng yes mama go picture noise. Hahahaha. Gising na gising pa sya ngayon mataas pa ang energy, ang ingay nakakahiya talaga kina nanay sa baba kanina pa sila nag lights off and close room.
Bloody market ngayon sa crypto world. Tinignan ko ang crypto portfolio sa Coins.ph akala ko lahat ng coins ay red, may isang crypto coin pa palang naiwan green pa rin sya hihihihihi. Sana maka bangon ulit, magpapasko pa naman kahit pamasko na nila sa atin ang green colors sa market lalo na kay bch hahahah. Own screenshot photo
Own screenshot photo. Hindi ako mahilig sa mga games talaga sa cellphone ang nalaro ko lang noon sa cellphone game ay yung sa keypad phone na snake2x na aalala nyo yun? Hahaha. Yun lang talaga na laro ko. Pero ngayon, si ate @me2selah na nag invite sa akin sa noise at ininvite nya rin ako sa laro na ito dahil maka earn din daw ng crypto coins ang laro na ito kaya naging interested ako hahaha, sabi din kasi nya easy game lang kaya ayun sinubukan ko. Natuwa lang ako sa score…
Kanina umaga makulimlim at ngayon may mga tiny rain drops na. Hindi ko na nilabas kanina ang mga nilabhan ko kahapon na hindi na tuyo. Hindi rin kasi malakas ang araw kahapon dito at nasa lilim din sampayan namin kaya hindi talaga na tuyo mga sinampay ko kahapon. Kamusta weather nyo dyan ngayon?
Mayroong ramdom questions si nanay sa akin ngayon. Nanay: yung tinatawag ba na rubber shoes ay yung may shoelace? At yung shoes na walang shoelace ano tawag doon? Me: i search ko muna sa Google nay ha hahaha Pero hindi ako tumuloy nag search, tanong ko nalang muna dito sa inyu hihihi, si noise o kayo na kasi naging google ko since last year eh hahah.
Bad news! Not granted ang application ni hubby sa pag credit ng motor, nag text ngayon lang na not granted daw, sabi noong interview tsaka na daw mag decide kung ma check na dito sa bahay o lugar namin may pupunta dito mag check, pero wala pang pumunta o tumawag na pupunta dito. Diritso txt lang na not granted. Sayang pinakawalan nila si hubby na super early and good payor hahaha. Sya yung tao na ayaw ng utang pero dahil badly need namin ng motor mangungutang nalang talaga…
Ang bahay namin ay nasa harap ng subdivision, mga mayayaman mga tao dyan malalaki bahay, kaya hindi kami maka Marites sa mga pangyayari sa kanila hihihihi hindi lang talaga kami mga Marites hihi. Birthday ata ngayon ng namatay kasi may black balloons na may naka sulat happy birthday. Papunta na sila sa cemetery kanina umaga mga 9am.
Samot jud ko ani katapulan nga inahan ug asawa kay pag mata ug bangon namu ni baby after family routine every morning, pag labas ng kwarto may pagkain na for breakfast namin ni baby nilagay sa maliit na ginawang mesa ni hubby para dito sa taas namin. Pero nag picture ay nanood ng paw patrol si Exo, at sinusubuan ko sya ng pagkain, basta dito sa taas kakain subuan ko sya kasi tamad ako mag linis sa kalat hahaha tsaka minsan lang naman kami kakain dito sa taas, pag sa baba…
Putol kuku operasyon ako ngayon sa mga ama ko hahaha. Habang nag work si hubby nag nail cutter ako sa kamay nya, on hand working sya muna saglit lang naman. Si baby naman habang nanonood ng educational videos nag cut ako sa kuku nya. Mag chika lang sana ako dito without picture attached, pero mas maganda may naka attach na photo kaya nag picture na rin ako na pinamalabo epek hihihi.
Naalala nyo nag kwento ako kahapon na not granted ang application ni hubby mag credit ng motor? Ngayon may tumawag, taga ibang finance daw sila nag tanong kung i process ba daw nila ang applications ni hubby pero mahal na, mahal sila ng 300 pesos monthly. Parang nag duda tuloy ako ano dahilan sa not granted application nya kahapon hahahaha. Ano sa tingin nyo? Hahaha
May nag inquire kagabi sa page ng suit magkano daw, sabi ko 850 petot lang at may free na shoes pag magkasya, tinanong nya ang size ng shoes. Hinanap ko sa shoes ang size wala akong iba makita na ibang number o size ng shoes kaya pinicturan ko at sinend sa kanya hahaha. Basta yan ang size nya ata size 40, hindi naman yan date hahaha may date ba na aabot ng 40?
Umakyat si nanay dito sa taas binigay nya ito pagkain pasalubong nya kay Exo. Pasigaw na palapit si baby kay nanay at sabi "Yehey babanana, Yehey babanana" Pag open nya hindi banana cookies at yakult. Naalala pala nya sabi ko kanina na "mamaya na magpapabili tayo ng banana kay lola" Hingi ng hingi kasi sya kanina ng banana eh wala kaming banana ngayon. Wala din ako load para ma txt or call si nanay kanina pabili ng banana, gusto nya kasi yung nilagang banana eh.
Legit talaga yung pag hinahanap ay hindi makita, pag hindi hanapin kusang nagpapakita ahahah bakit kaya yan ano? Hahaha. Alam ko kayo din naranasan nyo yan hahaha. Ilang beses na ito nangyari sa akin.
Mababaw lang po ang happiness ko hahaha, naka ganitong score lang ako sa isang fishing pero ang saya saya ko na hahaha. Naaaliw ako sa laro na ito, hindi ko muna iniisip ang pera sa laro na hihihi. Maging pera kasi ang score ko dyan crypto coins din papasok lang sa coinsph pag e withdraw na.
Exo : Mask papa! Nakita nya kasi papa nya pag alis eh hindi muna nag suot ng mask kaya sinabihan nya hihihi. Kada alis namin si baby talaga taga remind sa amin na mag suot ng mask, at nagsusuot na rin sya ng mask, unti unti na nag mamature baby namin hihu.
Mga sis, pwedi pa tulong hihihihi! May tatlong picture ako ge attached dito sa canva app ko yan ginawa yung mga free template lang ginamit ko. Saan sa tatlo ang sa tingin nyo ay mas maganda i post sa page namin hihihi. Post ng Post lang ako sa page namin hanggang sa mapansin ang small rental business ng ate ko(first cousin) Own photo, thanks to canva app!
Mag kwento lang ako ngayon, iniwan ko kasi ang cellphone ko sa taas kanina para maka pahinga din sa cellphone hahaha, pag nag babantay kasi ako kay Exo naka cellphone pa rin, kailangan kumayod sa mga maliliit na side hustle eh para maka ipon ng pang bili yero sa bahay na pinapagawa ko para kay mama. Ito pala ang kwento ko, pag baba namin ang tsenilas ng papa ni Exo sinuot ko, wala lang feel ko lang malaki na tsinelas suotin ko. Nag tagal napansin na ni baby Exo, naku sabi…
Nag sleepwalk siguro baby love namin kagabi mga almost 3am na, kasi na gising ako bigla narinig ko boses nya sumigaw ng "mama" (with crying boses na galing sa labas) nasa labas ng room namin. Ayun napatayo ako bigla at nilapitan sya. Yung parang kidlat ako para makita nya ako agad. Kahit tulog na tulog ako ginising pa rin ako ng Dios para lang marinig ko boses ni baby at napuntahan sya. Mabuti nalang at hindi ko ge off ang ilaw sa labas ng room, sobrang liwanag. Hindi kasi…
Newlyweds! Throwback! May hinanap ako na picture, pero ito ang nakita ko hahaha, kinuha nya ang atensyon ko kaya ma share nga dito sa inyu hahaha. Mga year 2019 ito, wala pa kaming mga anak, ngayon may kanya kanyang anak na. After church yarn, hindi maka uwi pag walang picture muna hahaha. Pero ngayon wala na, tamad na mag picture, ang isang couple umuwi na sa probinsya nila sa Davao, ang isa din umuwi sa Bohol. Ako nalang naiwan dito sa Cebu kasi taga Cebu si hubby at…
Nag Chika2x kami ni nanay kanina pinag usapan lang namin saang thrift store kami bibili sa suotin namin sa Christmas party namin at biglang na punta sa topic namin kay tatay, na namasada daw si tatay today at hanggang bukas para daw maka ipon sya ng pambili lechon manok sa birthday ni nanay ngayong darating na Wednesday. Ang sweet ni tatay diba?
Finally naka withdraw din, kanina umaga sumakit ulo ko kaka explore paano mag withdraw, ayaw kasi ma proceed eh. Ayun nag tanong ako kay sis @chuch paano mag withdraw kailangan pala may 50k coins na pundo pag mag withdraw at kailangan din pala at kailangan gumawa ng account talaga sa dodo exchange. Ginawa ko kasi log in with twitter lang sa dodo exchange kaya hindi ma proceed proceed hahaha.
Mayroong early Christmas gift na tanggap si baby Exo namin ngayon. Dalawang pares ng terno short at isang white polo. Kahapon rin may nag bigay sa kanya ng white polo shirt. Picturan ko pala yun at ma flex dito sa inyu. Masaya lang talaga ako pag maraming nagmamahal din sa anak ko. Maraming maraming salamat po sa kaibigan namin na nag bigay nito.
Inspired ako bumalik sa steemit dahil matindi ang pangagailangan ko talaga, alam nyo naman diba na nagpapa gawa ako ng bahay kubo para kay mama at syempre para may uuwian kami sa probinsya hihihi. Last year pa ako sa steemit pero dahil 300 words ang minimum doon kada post naging inactive ako ng isang taon din, last week lang ako bumalik. Kanina nag post ako, at after two hours sumilip ako doon at ito nga nakita ko, grabe ang saya ko talaga makabasa ng ganitong comment sa…
Sana all may fans ahahahaha. Laging mag notif sa pareng efbe eh para ganahan tayo mag post ng post ahaha. Sinubukan ko lang naman pasukin ang pagiging vlogger sa efbe pero parang waley ako doon hahahha. Hindi ako marunong gumawa ng mga content doon
Pag open ko ng notifications ito nakita ko nakakatuwa naman maka kita ng ganito hihihi. Mga small business pages yan ng mga kaibigan ko, kada post nila nag cocomment up talaga ako kasi hindi man ako maka support sa pag bili ss paninda nila dahil wala akong maraming pera, sa pag comment up nalang ako bumabawi at share post. Si pareng efbe naman ayan binigyan ako ng badge hihihihi.
Ang dami na talagang nag ba vlog sa efbe, feeling ko andoon na lahat wala na sa yt hihihi. May isang vlogger na nagulat ako, ito nakita ko sa notifications ko. Ngayon ko lang sya nakita at ge follow ko sya hihihi na overwhelmed ako sa recommendations nya agad kahit ngayon lang nya lang nakita ang page ko.
Kakagising ko lang, akala ko maaga pa kasi ang dilim pa ng paligid, pag kuha ko sa phone tinignan ko oras, mag alas otso na pala. Makulimlim pala panahon at ngayon umulan na. Umulan din ba dyan sa inyu?
Busy na ang lahat ng mga bata sa pagkain ng spaghetti pero si Exo ko ay ayan busy din kakalaro hahaha. Walang paki si Exo sa spaghetti basta maka laro lang sya sa laroan ng pinsan nya (2ndegree cousin). Pag pasok talaga namin sa bahay eh ang unang nakita ay ang mga laroan ng pinsan nya na naka display, hindi yung pagkain hahaha.
Tuwing gagawa ako ng English Post sa steemit isang blogging site. Pagkatapos ko mabuo ang essay na ginawa ko e on ko na ang grammarly app ko para ma correct ang dapat e correct bago i post. Tignan nyo sa 400+ words may 13 akong wrong, kailangan e correct hihihi. Salamat sa app na ito na malaking tulong sa akin sa blogging journey ko sa steemit at dito pag feel ko mag English dito hahaha.
Sa mga flying comments talaga ako natatawa lalo eh, natatawa ako kasi nakaka relate ako noong dalaga pa ako na walang boyfriend hahaha. Pero hindi ako nahilig masyado manood noon ng mga c/kdrama, ngayon lang na may asawa na kasi tambay nalang sa bahay, ito nalang libangan ko after ng routine sa bahay every day.
Kani bitaw gipit kaayo ta sa budget, maglugos na ug kaabot sa sunod sweldo kay sugsugon noon ta lami kaayo ikaonkaon hahaha. Labi na ug rainy days permi gutom pamati lami ikaon permi hahahaha. Nag ulan pud diha sa inyuha ron mga sis?
Nag open ako saglit ngayon sa efbe reels videos ko, at nakita ko ito naka 1.7k views din pala ako sa isa sa videos ko sa reels hihihi. Hindi ako makapaniwala kasi halos reels videos ko ay hindi lang aabot ng 500 views hahaha pero ito umabot pala ng 1.7k views.
Hindi ko talaga ma beat ang highest score ni hubby hahaha. Pero ngayon naka score ako kahit 3kplus lang muntik na sya ma beat ang saya ko na hahaha. Mababaw lang talaga kaligayahan ko hahaha. Happy weekdays mga friends ilang days din kami alis ng alis dami activities sa labas kaya sa isang linggo lang d nakapaglaba dami na agad labahan. Pero hindi pa ako naglaba kasi naglalaba pa si nanay,mamaya pagkatapos nya pag may maiwan pang sampayan sa labas hihihi dami din sya labahan…
Sinong familiar nito at naka experience ng ganito? Nakita ko lang ito na advertisement biglang lumabas hihihi. Too good to be true man hihihihi. Legit kaya yan?
Hahaha ang cute ng last scene o usapan sa drama na ito bago mag end ang drama. Cdrama ito, ang title ay "My girlfriend is an Alien" Kung may season three man, hindi na girlfriend siguro kasi married na sila may tatlong anak na rin hihihi, ano kaya title nyan pag mag season three sila? Hahaha.
May binanggit na word si Exo, hinihingi nya di ko talaga ma gets, hanggang sa paulit ulit kos tinanong sa kanya na ano yan? Exo: di ka balo? (tagalog translation : hindi mo alam?) Me : Oo dili ko kasabot( hindi ko maintindihan sinabi mo) Nag pause sya at nag hanap sya ng word na maintindihan ko. Exo: mmmmm pan ba (mmmm tinapay ba) Ayun na intindihan ko na mga inay sinabi nya nagka intindihan din kaming dalawa hahaha, nang hingi pala sya ng shakoy or yung pilipit ata yun sa…
Hanggang ngayon hindi pa naboo ang gusto ko hahaha. Sa Christmas party kasi namin sa church sa darating na December 10 ang theme ay costrip. Una gusto ko mag kpop attire lang yung mag sweatshirt lang kami tatlo hihihi. Nabago na naman ng Harry Potter kasi nahiligan ni Exo ang magic wand na laroan at medyo madali lang hanapin sa ukay-ukay ang susuotin nyan mag DIY lang. Ngayon naisip ko parang all black naman, lipat nalang kami ng micky mouse kasi may red para feel ang pasko…
Questions of the night hihihi! Sa mga nagpa breastfeeding mommies dito, ano ginawa nyo para mahinto o hihinto na si baby nyo mag dede? Ang larawan ay isang throwback lamang hihihi, pagkatapos ni baby nag dede eh ginawa nyang unan dede nya hihihi. Sarap sa pakiramdam pag ganyan mommies ano? Naka yakap pa! Hihihi
Habang kumakain si baby Exo ng paborito nyang taho. Exo : Noise ko ma ba 3x Hindi ko agad na gets, hanggang naka rami sya nag sabi at na gets ko na. Picturan pala sya kasi i post ko daw sa noise hahaha. May 30 months old baby alam nya na talaga na lagi ako tumatambay sa noise at nagpipicture para pang post sa noise.
Ngayon lang ako sinipag mag laba sa bridal gown, veil at robe hahahah. Last week of October pa yan ni rentahan at ngayon lang nilabhan, hindi kasi nadumihan ng bride na nag rent nyan kaya kampanti lang ako hindi labhan agad hahahah. Tinulak ko na sarili ko na labhan yan today kasi may mag rent na naman nyan sa December 8, tagal pa naman nyan matuyo kasi makapal ang tela hihihi.
Andito na naman si tiya ngayon sa baba, tawag ng tawag naglalako ng shakoy/pilipit. Unang sumagot si hubby, sabi nya pass muna kasi wala na kaming pera as in literal na wala na talaga. Sigaw ng sigaw pa rin si tiya. Tiya: Exo shakoy (mga 3x) Exo : Unsa man tiya, wala na kwarta papa hurot na na. Wala na daw kwarta papa hurot na. (tagalog : Wala na daw pera papa tiya) Ako na nagtatampo kay hubby at planong wag pansinin boong araw kasi sinira nya trip ko naiinis ako hahaha.…
Bago nawala ang rewards dito naka earn pa ako ng 110 pesos. Kinuha ko na kanina nilipat sa gcash kasi kailangan na talaga gamitin ang 100 pesos pang dagdag sa na earn din ni hubby sa laro nya pang bili ulam. Kakarating lang namin sa bahay ngayon galing palengke, nanghiram kami motor kay tatay kaya sumama na kami ni baby Exo kay hubby sa palengke. Nakabili kami ng pang ulam ngayon gabi at para bukas nh umagahan, ang pang tanghalian na naman ang isipin bukas paano at ano ang…
Sino naka panood na dito ng "True Beauty"Kdrama? Grabe ang scene na ito sobrang tawang tawa talaga ako, tagal ako naka move on hahaha. Yung nanonood kayo ng horror movie at may biglang hahawak at hihila sa paa mo ahahaha! Episode 9 ito hahahaha dami ko talagang tawa nito, sa nakapanood dyan natawa din ba kayo sa scene na yan?
Yung mag picture ka kasi ipost mo dito agad pero dahil kakapost mo lang kailangan antayin mag one hour ago pa bago mag post ulit, hanggang sa makalimutan mo na i post at i chika ang picture na yan hahaha. Noong November 19 pa pala ang picture na ito, maulan ito na araw sa amin pero nang libre ng icedrop melon flavour ang kaibigan namin, sobrang sarap na sarap ako hahahahaha kahit hindi ako mahilig sa mga ganito. May araw talaga ano na masasarapan ka sa isang pagkain na hindi…
Kinikilig to da moooon talaga ako pag na rerecommend ang post ko ss steemit for upvote kay naging worth it ang two to three hours ko sa pag gawa ng post doon hahaha. 300 words minimum ang kailangan kasi doon, at hindi ako magaling mag English kaya nagpapatulong pa ako kay google at grammarly app hihihi. Click attached photo makikita nyo ang unang picture ay aking post na recommend, ang pangalawa yung nasa baba ay kay ate @me2selah na syang nag invite sa akin dito sa noise at…
Pag sinasama namin si baby Exo sa super market ay sya pinapili namin at pinapakuha ng gusto nyang drinks. Ito naman kinuha nya kagabi na drinks, may cow picture kasi (mooo mooo) daw hihihi nakikita nya sa mga educational videos na napapanood nya sa yt. Dalawa lang din kinuha nya, alam nya kasi kunti lang pera namin pang bili lang ng ulam at kahit sobrang kunti at gipit kami kailangan mayroon din syang drinks mabili namin kahit isa or dalawa lang, bawi nalang sa sahod ulit…
Score ni hubby yang 4035 kanina umaga bago sya nag work. Score ko naman yang 4930 kanina kanina lang hahahaha. Ganyan kami pag naabutan at nalalampasan screenshot namin ipakita sa isat isa hahah. Sa cellphone ko lang kasi ang laro na ito kay puno na cellphone nya wala ng storage na malagyan ng legit paying game app na ito. Pinapalaro ko lang sya paminsan minsan nito sa phone ko hahaha.
Ito pala yung na mine free ko sa live selling ng nga damit, bago sila mag end ng Live selling nila nagpapa mine free sila. Ang saya ko ako nauna naka mine free sa yema na maraming mani. Ang sarap ng homemade yema nila maraming mani talaga. Binibinta rin nila yan at nag promote sila kaya nagpapa mine free sila ng ganyan.
Ang daming mag comment sa post ko sa efbe page na hindi related sa post ko, mga ganyan na comment. Noong una hindi ko ma gets, mga vlogger pala na nag hahanap ng followers nagpapadami ng followers, yun ang strategy nila para dumami agad ang followers nila. Lahat ng nag comment sa post ko na mga ganyan, pina follow ko sila, lahat ng nag follow din sa akij follow back ko sila, at hanggang sa ang newsfeed ko puro mga vlogger na hihihi doon ko nalaman grabe ang dami na ng mga…
Kakaupo ko lang galing nag laba nag sampay, tapis may tumawag mag sukat daw sya ng gown yung kausap ko last month na mag rent sya ng gown sa aming maliit na negosyo bridal rental business. Hindi man lang nag heads up kagabi or kahit kanina umaga na punta sya dito hihihihi. Mabuti nalang tapos na ako noong tumawag sya. Pero pag tawag nya nandito na sya sa aming lugar sa binigay ko na landmark sa kanya noong nag usap kami last month sa chat haha.
Pangarap ko talaga mag open ng CCR GOLDRAGS na code ng ukay-ukay bale for kids kasi ang popogi gaganda ng mga laman daming mga brand new pa nahahalo at malilinis babago pa talaga ang laman ang bulto na iyan halos mga premium brand din ang laman. Hindi ko nga lang afford kasi tag 30k ang isang bulto. Sabi naman ng bff ko na si @chungcha pag maka abroad na daw sya matutupad na daw pangarap ko mag negosyo nyan hihihi kaya praying din ako na magkaroon sya ng employer na mabait…
Mayroong five piso coin pala si hubby nilagay sa bulsa ng short nya kaya noong humiga sya ulit kaninang umaga sa bed tumabi sa amin ni baby para sa morning bonding namin bago bumangon at mag family parayer, na hulog ang five piso coin sa bed at nakita ito ni baby; Exo : Hala singko(kinuha agad) ihulog ko ito sa alkansya ko. Nang tinignan ko singko nga five piso coin talaga, nakakatuwa naman tama ang sinabi nya at pag makakita sya ng coin talaga ay alkansya ang nasa isip nya…
Habang nag hihintay kay hubby matapos mag bihis picture muna kami ni baby at ipost bago alis hihihi. Inimbita kami sa ka churchmate namin na doon maghapunan kasi birthday ng anak niya ngayon. Pero tapos na kami nag hapun busog na kami, pero punta pa rin kami baka may masarap na dessert doon hahaha. Maaga din nakauwi sila tatay at nanay galing sa date nila kanina kaya makakahiram kami ng motor. Pag wala pa si tatay hindi kami pupunta kasi mahal pamasahe sa motor dito sa amin…
Kaka rating lang ng bahay galing nakikibirthday, birthday ng kuya ng mga kambal sa picture na ito. Antok na mga kambal dyan pero hindi pa makatulog ang iingay pa kami mga bisita nila nag sing along pa hihihi. Pag baba namin ng motor tsaka umulan, naabutan kami ng ulan kunti kasi papasok pa bahay namin galing sa kalsada. Hindi ko pa naman nadala ang waterproof na jacket ni Exo at hindi rin dinala ang payong kasi walang sign uulan kanina pag alis namin hihi. Wala akong bitbit…
Nag retire na ang isang taon na tsinelas ni hubby. All around yan ma tsinelas pang bahay araw araw at panglakad ang tibay super sulit ang pera nyan parang tag 120 pesos lang ata ang bili nyan nakalimutan ko na basta hindi lang mabigat sa bulsa yan hihi. Pero magagamit pa namin yan pang bahay kasi tatahiin daw yan ni tatay. Wala pang budget pang bili ulit eh hihihihi.
Two hours ago I posted here about sa tsinelas ni hubby na putol nag retire na! After mag post bumaba na kami dito sa baba at tadaaa!!!! Tinahi o inayos na ni tatay ang tsinelas na naputol ni hubby kaya may magagamit ulit si hubby dito sa bahay na tsinelas. Advantage of having a father na mananahi ng sapatos kaya naka survive pa ang tsinelas postpone ang pag retiro nya hahaha pasensya wala pa kasi kaming pang bili ng kapalit mo kaya tiis ka muna dyan ah! Hihihi. Yung mga…
Nag send ng picture si hubby ni Exo sa messenger ko, sabi daw ni baby Exo kanina sa kanya noong lumabas sila sa chapel na Exo : Noise ko ba please. Ibig sabihin nyan magpa picture sya para i post dito sa noise hahaha. Kaya masaya ako tinutulungan ako ni baby Exo ng pang post ko dito hihihi.
Nakikilito si Exo sa tinga nya kaya tinabonan ng kanyang kamay hihihi. Wala pa kasi kaming budget pang pagupit sa barber shop kaya kay lolo muna kami nagpapa gupit sa kanya mabawas bawasan lang ang mahaba na buhok nya. Mahirap gupitan ito pag gunting gamit ang likot eh. Pag sa barber shop madali lang sya gupitan.
Nasa mood ang aking baby love naglalaro lang sa upuan kaya nakapag hugas ako ng pinggan. Pag baba kasi namin wala ng tao sa baba walang maka bantay sa kanya, may lakad din si hubby. Na cutan lang ako sa position nya kaya picture at chika agad dito hahaha.
Hubby : Ang bait ni nanay tindera ng togi mamee binigyan nya ako free repolyo at tinawaran ang tag 15 pesos na isang pirasong sebuyas naging 10 pesos nalang. Iniisip ko baka na lugi na si nanay tindera. Pero I know si God na bahala mag blessed sa mga mababait na mga nag titinda tindera ng mga gulay.
Hubby : Ang bait ni nanay tindera ng togi mamee binigyan nya ako free repolyo at tinawaran ang tag 15 pesos na isang pirasong sebuyas naging 10 pesos nalang. Iniisip ko baka na lugi na si nanay tindera. Pero I know si God na bahala mag blessed sa mga mababait na mga nag titinda tindera ng mga gulay.
Noon nakakakita na ako ng post dito sa noise about sa shareit meron daw check in everyday para makaipon ng coins pang load. Kanina may nakita ulit akong post tungkol sa shareit kaya nag tanong na ako kung yung shareit app ba na ginagamit na pang transfer ng photos videos from other phone. Sabi naman oo daw yun. Kaya na curious talaga ako at ge open ko ang shareit app ko at ito nga nakita ko screenshot photo attached. Last ko gamit o open kasi sa app na ito ay noong birthday…
Kung may pancit canton, pancit miki, pancit bihon may pancit taugi din si Exo hahahaha. Sya lang nag inbinto sa tawag sa recipe na yan pancit taugi daw yan. Nakabili ng worth 25pesos pala si hubby kanina ng pork giniling kaya may kunting karne na halo ang ulam kanina.
After ng morning family routine namin, yung attached screenshot photo ay isa sa morning routine ko bago bumaba sa baba at gagawa ng household chores. Laroin muna ang 50 energy sa dodo fish at after mag withdraw ng three thousand shib coins. Araw araw three thousand shib coins, unti unti lang at tyaga lang hanggang sa maipon maging malaki din hihihi. Nakakatuwa mag laro dyan, pag stress ako, namimingwit lang ako sa laro na yan hahaha.
Kung noon ay nahihirapan ako makontak si mama pag tatawag sa cellphone nya. Ngayon madali na kung gusto ko sya kausapin at makita kasi nagpakabit ng wifi ang bunsong kapatid ko na ofw at binilhan nya ng cellphone sister inlaw namin na pwedi maka videocall para makita at makausap nya mga anak nya, tabi lang kasi bahay nila mama at ng sister inlaw ko. Naglalaro kami sa videocall yung filter pinaglalaroan namin nag hahanap kami ng filter na gaganda kami hihihihi.
Videocall with mama. Nangangayat at nangungunot na mukha ni mama, mas matanda pa sya tignan sa byinan ko na babae na mas matanda pa ang byinan ko kaysa kanya. Nag aalaga kasi sya ng makulit na apo. Mas gusto ni mama naglalako sya ng gulay araw araw at nag gagarden kaysa mag alaga ng apo, pero no choice sya apo nya eh walang ibang mag bantay, ayaw nya rin sa kabilang side ang apo kasi napapabayaan kawawa ang apo nya doon sa kabilang side. Akala nya nag make up ako, sinabi ko…
May early Christmas party kami bukas mga mommies sa primary organisation. May exchange gift din kami, ngayon ko lang nabalot ang akin, nag recycle lang ako ng paper bag bagong bago pa yan na paper bag kaya yan nalang ge recycle ko. Worth 200 pesos ang exchange gift namin, 150 pesos para ss serious at ang 50 para sa funny gift. Tapos nag bunutan kami last two weeks nag gamit lang kami ng code name at nag list na rin ng wishlist para hindi mahirapan mag isip ng bibilhin para…
Last two years ata, nag ask si ate sa akin na ako ang ipa manage sa kanyang franchise sa toktok pero nag declined agad ako kasi hindi ko feel ang mga ganyang business parang hindi ko yan linya. Sabi ko lang sa kanya yung bridal rental business nya lang i focus ko kasi line ko yan na business feel ko yan i manage since nag wedding coordinator/organiser ako. Kanina nag chat sya about sa toktok gusto nya daw i active ang totok business nya kasi December na daming promos sayang…
Blippi outfit ni baby Exo ko kagabi, pang binta ko sana yan nag iipon kasi ako unti unti pag may extra money pang nextyear collections ko sa Kidswear pang binta. Kada live selling sa kinukuhanan ko pang resell sa Kidswear at pag naka paubos sale na sya doon na ako mag mine pa isa isa hanggang sa maipon isahang pa ship nalang para sulit ang shipping fee. Minsan aabot ng tag 3-6 months matambak ang mine items ko sa seller kasi minsan lang maka extra ng pera eh hihihi, kaya pa…
Single kami lahat mga mommies today, day off naman kasi may Christmas party kami mah pool party. Bawal husband and anak kasama ahahaha pero tignan nyo baby Exo ko hahaha almost 8am na, 8am kami mag kita kita sa meeting place sabay sabay na papunta sa lugar. Sa December 10 naman may Christmas party ulit ayun kasama na boong pamilya nun anak at husband hihihihi. So alam nyo na boong araw ako ngayon dito hindi makapag ingay hihihi, mamayang gabi na ulit ako dito makapag ingay…
Sa lahat ng pictures namin kanina, ito ang pinaka gusto ko hahaha kaya ito ang ibahagi ko sa inyong lahat dito hihihi. May pa sash pa kami hahaha naka sulat ss sash ay MOM'S DAY OUT 2022. 6pm pq kami nakauwi dito sa bahay pero ngayon lang naka open dito sa noiseapp at makapag update ss inyu. Grabe sobrang saya kanina talaga sumakit panga ko sa kakatawa. Successful and super saya ang pool party namin kanina at naka uwi sa kanya kanyang tahanan namin na safe and sound thanks…
Boong araw ako kahapon na hindi nakapag ingay dito sa noiseapp, baka gusto nyo makimarites ahahha pa watch nalang sa video namin pinost ko sa efbe page vlog ko hihihi, trying hard vlogger ako sa kabila eh hahaha. Para kami dyang mga nakawala sa lungga hahaha naka day off ang mga inay nyooo. Name ng efbe page vlog ko ay same as here "XOper Us" P. S trying hard Videographer din ako dyan hindi pro hahaha. Si hubby naman pina edit ko ng video, simple edit lang wala ng mga…