read.cash Log in
@XOperUs

May early Christmas party kami bukas mga mommies sa primary organisation. May exchange gift din kami, ngayon ko lang nabalot ang akin, nag recycle lang ako ng paper bag bagong bago pa yan na paper bag kaya yan nalang ge recycle ko. Worth 200 pesos ang exchange gift namin, 150 pesos para ss serious at ang 50 para sa funny gift. Tapos nag bunutan kami last two weeks nag gamit lang kami ng code name at nag list na rin ng wishlist para hindi mahirapan mag isip ng bibilhin para sa exchange gift. Ang nabunot ko ay isa sa wishlist nya ay any ukay-ukay daw, mabuti nalang yun ang nabunot ko kasi wala talaga akong pera pero may stocks ako ng mga ukay-ukay pang resell, yun nalang kinuha ko oh diba solved ang problema ko hahaha. Swerte sya dito kasi mga brand new nahahalo ito sa ukay-ukay ay mga branded pa mga gipang collect ko pang resell kung tutuusin lampas na sa 150 ito hihihi. Kung sino man sya sana magustuhan nya ang design at magkasya sa kanya ito hihihi.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.