Tumawag si mama kanina, antayin ko lang kasi sya ang tatawag sa akin kasi pag ako magpaload tatawag sa kanya ay ma sayang lang talaga ang load ko hanggang mag expire cannot be reach lagi. Nagpakabit ng wifi daw si bunso sa bahay namin na sira sira na hihihi. Ofw dahil si bunsong kapatid ko,at mga anak nya si mama nag bantay at gusto nya laging mag videocall kaya nagpa kabit ng wifi. Kung ako lang talaga, may wifi naman sa kapit bahay kung gusto mag videocall makiki connect lang at mag bayad lang mura lang naman 5 pesos isang oras. Gusto ko sana unahin nya muna bayaran mga utang nya noon doon sa amin para ma peace of mind na sya wala ng palaging maniningil sa kanya tapos ayusin nya unti unti ang bahay kasi kawawa talaga si mama at mga anak nya sira sira ang bahay na tinirhan. Mga wants lang laging binibili sa sahod nya, hindi yung needs talaga. Napagod na ako kaka advice hahaha nasa kanya na yun, ayaw nya ata ng peace of mind at may makita sya na naipundar sa kanyang pag abroad, wala din savings. Ina advisan din sya ng cousin namin na ofw din na marami na naipundar at mga investment isa na yung bridal rental business nya na ako nag manage kahit maliit pa na negosyo yun atleast meron na at unti unti na sya kumikita,
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
9 comments
Maganda rin naman sis kung may linya Ng internet sa inyo nakakausap Ng bunso mong kapatid anytime mga anak niya. Pero tama rin kayo sis unahin nalang dapat mga priority :) morning sis
Oo sis masaya nga ako may wifi na sa bahay para makapag work na si hubby pag mag bakasyon kami doon hindi na magmamadali babalik dito sa Cebu para sa work nya kasi online job lang naman sya. Pero mas iniisip ko na sana inuna yung mga priority kasi nag kwento si mama tumawag si bunso umiiyak kasi dami daw naniningil sa kanya. Sabi ko naman kung inuna lang bayaran ang mga utang eh di sana wala nang maningil sa kanya hays.
Kaya nga sis sakit sa ulo talaga ang bayarin tapos naniningil pa lagi. Kaya Sana inuna nalang talaga ang priority na bayarin. Pero maging masaya nalang din tayo sa desisyon niya sis. Ang sawa ko Rin sis kaya hindi nakakasama sa tuwing magbakasyon Kami SA Surigao dahil hirap sa signal walang internet connection. Kaya hoping rin maging maayos na talaga signal.
Medyo mahirap mag-advise sa taong ayaw makinig sis
Truelala talaga sis. Future lang naman nya iniisip ko future ng mga anak nya. Ayaw ko yung after nya mag ofw pag uwi nya dito eh walang wala sya.
Oo nga sis. Di rin biro ung monthly payment sa wifi e..
Wag magsawang mag advice sis. Kasi para sa mga anak niya naman yun at sa mama mo. Sana after ng pagkabit ng wifi unahin ang house tapos unti unting bayaran utang. Kasi hindi habambuhay malakas at nakakapagtrabaho abroad.
Kahirap nga po ng may utang. Ung tipong d ka makatulog ng maayos.
Sana ay ma realized ng kapatid mo na dapat makaipon din siya at may maipundar habang nagtrabaho pa siya sa abroad.