Good Morning and Good Afternoon Boys and Girls... π Medyo late na ako nakapagpost kasi focus ako ngayon sa aking trabaho. Anyway, paggising ko kaninang umaga lumabas ako at nag stretching ako tapos nakita ko si Miming meow ng meow parang manok kung tumilaok siguro gutom na. Pinakain ko muna ng Cat Food pati mga anak niya, kumakain na nga pero nagsasalita pa rin si Miming. π
@WhyEugene in September 2021
September pa lang pero madami na akong naririnig na mga Christmas songs excited na excited na ah... Well mamaya pagka-out ko sa trabaho magbabayad pa ako ng aking hinuhulugan na motor masaya ako dahil malapit ng matapos ang pagbabayad ko ng motor medyo nasa kalagitnaan pa syempre kailangan ko pang sipagan. May napundar na ako kahit papaano... π
Magandang Hapon Boys and Girls... π Dahil mahilig ako sa kulay orange, nung nakita ko sa online selling yung rabbit na kulay orange na stuffed toy napa-mine ako bigla dahil ang cute niya. Dahil malapit na birthday ng kapatid ko hanap ako ng bagay sa kanya syempre hindi ito akin to eh...π
Good Night Boys and Girls... π Bago matulog share ko lang yung pa-Mcdo ng agency na na-process namin kanina. Ako din ang naatasan na mamigay sa mga katrabaho sakto lang sa amin lahat. ππ Bukas half day kami kaya sa kalahating oras na iyon kailangan tapusin ang trabaho. π
Magandang Hapon Boys and Girls... π Dahil hindi natuloy ang aming bakuna dahil ang nakaschedule ay mga pang second dose at next week pa daw mga first dose, pumunta na lang kami sa mall bumili ng mga groceries at kumain na lang kami sa labas para di sayang yung lakad namin. Baka may sign na hindi dapat kami magpabakuna kasi kami itong lumalapit sa bakunahan pero tinatanggi kami. π
Good Evening Boys and Girls... π Kakatapos ko lang magsukat ng mga damit at nakabili din. Anyway, pag katapos ko sa fitting room nagtungo ako sa EO para magpatingin sa mata pero parang malinaw pa paningin ko kasi may binibini na lumapit sa akin at sinabi kung anong kailangan ko ang nasabi ko sa kanya malinaw na ang paningin ko nung nakita kita ang kailangan ko na lang ay yung number mo... π Oppss... Wag kayong kiligin kasi sabi niya may boyfriend na siya yun lang po atβ¦
Good Night Boys and Girls... π Maalala ko birthday ng pinsan ko bukas sayang di ako makakapunta dahil nasa Cavite siya at nasa La Union ako mag video call na lang ako. Pero syempre namimiss ko na ang Cavite dahil dun ako pinanganak doon marami ang mga katulad kong may lahing matatapang at dugong matatalino. Nasa La Union ako pero ang pinapatugtug ko yung Cavite Rap nagaaral pa lang ako mag-ilocano kahit 2 years na ako dito. Kahit papaano may mga naging kaibigan na ako kahitβ¦
Good Afternoon Boys and Girls... π Linisan ko muna motor ko dahil masyado ng maputik yung dinaanan ko kasi kahit walang ulan laging baha. Di ako pwede mag reklamo dahil nakikidaan lang ako at baka sabihin may right way sila. Actually, may lakad na naman ako ngayon bibili na ako ng bagong sim card dahil deactivate na yung dati kong number kaya kailangan ng palitan...π
Good Evening Boys and Girls... π Ayaw ko talaga magkasala sa tao pero may tukso na tumutulak sa akin pero syempre hindi ako magpapadala sa tukso dahil malaki ang mawawala sa akin pagkatao ko, trabaho, kaibigan, pamilya, pinag-aralan ko, lahat ng pangarap ko at iba pa. Nasa isip lang naman yan hangga't mapipigilin walang mangyayari kaya tukso layuan mo ako. Hindi naman ako matutulungan ng psychiatrist dahil hangga't nakakasalamuha ko hindi mabubura sa isipan ko kasi trabahoβ¦
Good Night Boys and Girls... π Nakikinig pa po ba kayo ng radio sa panahon ngayon? Kasi dami ng nauusong TV cables pati sa mga mobile phone. Sa lugar namin dito sa San Fernando City La Union 2 Station lang nasasagap yung isa Japanese pa. π Anyway, ang ganda pagmasdan ng tanawin kanina sa dagat pero umalis na din kami dahil nag low tide na ang dagat. π Kita kits bukas... ππ
Good Morning Boys and Girls... π Habang nagjojogging ako sa labas, sinusundan ako ng pusang ito nakailang ikot na ako sumusunod pa rin sa akin. Ang ginawa ko bumabalik ako sa inikutan pero sumusunod pa rin siya hanggang sa makauwi ako dito sa amin. May senyales po ba ito? Hindi naman siya yung nanay ng mga pusa na inalagaan ko. Sa ngayon di ko siya nakikita pero ramdam ko na nasa paligid lang siya... πΌ
Good Afternoon Boys and Girls... π Buti pa mga pusa matutulog na lang kapag gusto niya lang pero kapag tao hindi nagagawa yan dahil sa responsibility sa buhay. Ang paniniwala kasi ng tao kapag matanda ka na dun ka pa lang makakaranas ng pahinga kaya habang bata pa daw mag banat na ng buto kaya pala puro utos ang mga matatanda. Pero syempre susunod ang mga kabataan pero may choice ka din sundin mo ang nasa puso mo. π
Good Evening Boys and Girls... π Ang cute ng stuffed toy na ito. Medyo weird kasi kung kailan adult na ako tsaka ako naging mahilig sa mga stuffed toy. Pero lumalabas yung emotions ko yung lifestyle ko basta parang nakatadhana sa akin. Naging masaya lang ako sa ginagawa ko. ππ
Good Night Boys and Girls... π Monday bukas kaya parang gusto kong baguhin ang mga nakasanayan ko yung kakaiba sa paningin ng nakakakita sa akin. Bahala na kung anong magiging reaksyon nila basta nagawa ko ang dapat kong gawin. Kahit hindi Monday magiging kakaiba ako. Kung gusto mong maging kakaiba show your style. ππ
Good Morning Boys and Girls... π Kamusta ang lunes niyo kasi ako sinuot ko na yung nabili kong damit nagustuhan ko kasi itong design na ito very unique at talagang kakaiba sa lahat. Kanina ko pa gustong ipakita sa mga ka-office work ko yung suot ko para ma-influence ko sila maging confidence para lahat kami maging kakaiba. π
Good Afternoon Boys and Girls... π Nakalimutan ko ito ipost nung Friday nag setup ako ng mga bagong printers at nilagyan ng mga ink. Pero ngayong lunes may isa pa sana akong printer na ilalagay kaso wag daw muna dahil magpapalit din ng CPU. Medyo inaantay ko na din ang pagbabago sa aming opisina...π
Magandang Hapon Boys and Girls... π Binigyan kami ng puto sa office ng tinulungan naming agency kanina. Nagtake-out ako para iuwi sa magulang at kapatid ko. Anyway, may aabangan kayo bukas kaya secret muna sa ngayon... π
Good Night Boys and Girls... π΄ Kahit anong bad news ang dumating may dumarating paring good news kaya equal lang ang lahat pwera na lang kung hahayaan mong laging may bad news. Kailangan mo din alamin kung ano ang dapat gawin talasan ang isip, mata at pandinig. π
Good Morning Boys and Girls... ππ Ngayong Tuesday kami ay nakablue kaya puro blue ako ngayon. Yung color code namin dito sa office kapag Monday and Wednesday ay color red, kapag Tuesday and Thursday ay color blue yung Friday naman kahit anong kulay na. Saturday and Sunday wala kami pasok nun kaya nakakagala pa sa gustong puntahan... π
Guys, malapit na magbukas ang Robinson's Mall dito sa San Fernando City La Union sa September 24 na, kaya sa mga taga La Union ihanda niyo na ang inyong kalendaryo dahil sa date na yan asahan niyong magiging ma-traffic dahil madaming magpupuntahang mga window shopping. π
Good Morning Boys and Girls... ππ Ngayong araw ay kaarawan ng ina ng diyos kaya pumunta muna ako sa simbahan bago pumasok ng trabaho. Ina ng diyos, lagi niyo po kaming ipagdasal. Amen. Actually, pumapasok muna po ako sa aking trabaho para mag time-in tapos nagpaalam na dadaan sa simbahan para sa misa buti may naabutan pa po ako kahit patapos na pero ok lang yun hindi naman kasalanan yun... π
Good Afternoon Boys and Girls... ππ Ang aming kusina sa office ay punong-puno ng softdrinks paninda ng aking ka-trabaho P10 ang benta niya sa labas mabibili mo ng P12 kaya ok din ito. Hindi lang pala softdrinks ang tinda niya may mga snacks din. Tamang-tama kapag gusto namin magmeryenda may mabibilhan agad... ππ
Good Night Boys and Girls... π Nag share ng kwento ang kaibigan ko kaya share ko na din kung ano yun. Sabi niya sa akin hirap na hirap na daw siya maging tatay dahil hindi niya alam kung saan daw siya kukuha ng pang gatas ng kanyang anak. Dahil ako nakikinig lang sa kanya kasi binata pa ako at di ako nakakarelate sa ganyan pero nadala ako sa kwento niya maaawa na sana ako kaso sabihan ka ba naman na mag asawa ka na din at ng magka-anak na. Sabi ko sa kanya may sarili akongβ¦
Good Morning Boys and Girls... π Tara kain po tayo ng umagahan sardinas. Tapos nakita namin may natira pa na kanin kahapon kaya sinangag na lang namin. Nag work from yung iba kaya kunti lang kami dito sa office. π
Good Afternoon Boys and Girls... π May galit pala sa akin kapitbahay ko 2 years na kasi ang gusto niyang mangyari ireffered ko yung pamankin niya sa trabaho ko. Sinabi ko na mag walk-in siya sa office namin kaso mahina loob nung pamankin niya tsaka hindi naman trabaho ang lalapit sa iyo kailangan talaga maghanap napakasosyal naman niya. Yun lang yung kinagalit niya sa akin kaya naging tsismosa na siya dito sa subdivision namin kung anu-ano na pinagsasabi. Kaya walangβ¦
Good Evening Boys and Girls... π Nagpapasalamat ako dahil umalis na ang bagyo kaya maaraw na sa amin kanina. Pero GCQ naman dito sa amin nag umpisa nung Martes at matatapos ng September 22, kaya baka half day kami bukas sa office para mag disinfect. π
Good Morning Boys and Girls... π Tara kain po tayo ng Dumpling Soup. Sarap humigop ng mainit na sabaw. Halfday kami ngayon ang saya-saya dahil sa kalahating oras na yun pwede pa akong gumala kahit saan. Ang tagal pa kasi magbubukas ng Robinson's Mall dito sa amin. Pero magbibirthday muna ang aking kapatid kaya paghahandaan din namin... π
Good Evening Boys and Girls... π Nagpost yung pinsan ko at sinabi na patay na daw papa niya na tito kaninang umaga. Nakakagulat na pangyayari hindi kami makapaniwala ni Mama, hindi niya sinabi sa amin na may sakit siya sa puso basta nabalitaan na lang namin na wala na siya. Nag share ako sa mga kamag-anak namin na pumanaw na si Tito at nagulat din sila pati mga Tita ko na kapatid niya. Pinamisa na lang namin kanina para sa pakikiramay. ππ―οΈ
Good Night Boys and Girls... π Kanina sa office hindi ko alam kung pinagsasabihan ba kami o pinapahiya sa client ng katrabaho namin tapos yung client nakisabat pa kaya ang ginawa ko nirecord ko pinaggagawa nila parang iba na parang naninira na ng tao hinahayaan ko lang dahil matanda sa akin pero baka masanay baka kayakayanin lang kami. Yung kasama ko yung nag evaluate sa client pero syempre magkasama kami kaya yung bida-bida pakitang gilas dahil wala yung boss namin nag workβ¦
Good Morning Boys and Girls... βΊοΈ Late na ako nagising pero ok lang dahil wala naman akong pasok nakahanap ng pahinga ang katawan ko. Anyway, nagulat din ako dahil may katabi na akong pusa. Naniniwala ako na ang pusa ay dream catcher dahil nagiging maganda ang mangyayari sa panaginip... π
Good Evening Boys and Girls... π Grabe ulan ngayon walang tigil buong maghapon dahil sa bagyong kiko. Buti na lang mataas yung floor namin kaya di kami binabaha yung sinahod kong balde puno agad. Balak ko sanang ilabas yung inflatable pool kanina pero naiisip ko baka makarmot ng mga alaga naming pusa o yung mga snails nagsisilabasan kapag umuulan pati aso ng kapitbahay nag trespassing na sa amin kaya wag na lang naligo na lang ako sa ulan... π
Good Afternoon Boys and Girls... π Galing kaming simbahan kaninang umaga tapos namili na rin ng groceries kaya paguwi namin sa bahay habang nagluluto ng tanghalian nag snacks muna kami at nanunuod sa Netflix ng bagong palabas. ππ
Good Morning Boys and Girls... π Nakakapagod ngayong lunes dahil umpisa ng trabaho tapos pagdating ng weekend mas lalong nakakapagod kaya walang madaling trabaho kailangan ng inspiration sa buhay para mawala yung pagod na nararamdaman. Pero iniisip ko magiging future ko kaya todo sikap na ako... π
Good Evening Boys and Girls... π I'm vaccinated 1st dose. Nung uwian na galing sa trabaho, dumeretso na ako dito sa vaccination kaya di na ako nakapagpalit ng damit naka-longsleeves ako kaya nung tuturukan na ako, hinubad ko ng kunti sabi pa nga nung nagtuturok sa akin ang sexy ko daw. π Anyway, madami din akong napasaya kanina dahil sa pagturok sa akin lalo na yung kasunod ko sabi niya siya na lang daw magpipicture sa akin... π Pahinga muna ko guys kaya see you tomorrowβ¦
Good Morning Boys and Girls... π Buti na lang kunti ang client na pumupunta para mapahinga ko itong turok sa akin kasi nalalamog kapag gumagalaw sumasakit. Buti kagabi ang himbing ng tulog ko kasi di ko naramdaman ng sakit ngayon lang sumakit... π Anyway, masaya naman ako dahil wala na akong problema kahit saan ko gustong pumunta pwede na... π
Good Evening Boys and Girls... π Dahil naka-vaccine na ako kahapon hindi naman sumasakit yung ulo ko hanggang ngayon at hindi rin ako nilalagnat kahit maligo ako ng malamig na tubig parang normal lang kaya nag softdrink ako tapos pagkauwi ko sa bahay nag Ice Cream pa. Pero umiinom pa rin ako ng biogesic in case lang. Medyo may kirot ng kunti at hirap itaas ng kamay yun lang... ππ
Good Afternoon Boys and Girls... π Binigyan ko ng Candy na may salt flavour ang mga ka-officemates ko dahil may gusto lang ako malaman kung may panlasa pa sila, mamaya malalaman ko kung ano yung panlasa nila social experiment ito. Titingnan ko kung iluluwa nila yung candy. Kapag hindi nila niluwa ibig sabihin nun may panlasa pa sila. Antayin niyo part 2...ππ
Good Evening Boys and Girls... Ito na po yung part 2 ng pagbigay ko ng Candy sa mga ka-officemates ko. Ayun guys may nakita akong Candy na tinapon sa basurahan kaso di ko nakita kung sino yun dahil may client ako kanina ibig sabihin lang nun sa loob ng office merong walang panlasa kailangan mag doble ingat pala. Anyway guys Day 2 ko na sa 1st Dose vaccine at hindi pa rin ako nahihilo o nilalagnat dahil sabi dun kapag na-vaccine lalagnatin at sasakit ang ulo pero salamat saβ¦
Guys, may napansin akong kakaiba dito sa Noise kasi kapag nagpopost ako mga 5pm to 6pm walang views kaya nerenoise ko mga 7pm kasi kada isang oras ako nag post tsaka lang nagkaroon. Bakit kaya ganun? Naranasan niyo rin ba ito? π€
Good Morning Boys and Girls... π Ngayong umaga ay gumawa ako ng quotes sa photoshop at idinikit ko sa wall. Gumawa ako ng quotes na babagay sa trabaho ko dahil nag iinterview ako ng clients kaya ito yung ginawa ko. Maganda po ba? π
Good Night Boys and Girls... π΄ Medyo naging antukin ako kanina baka side effect sa vaccine kasi hindi naman ako nilalagnat pang 3 days ko na. Anyway guys nagpakain kaninang tanghali si ma'am dahil birthday niya di napost dahil sa side effect. Grabe ang laki ng ribs buti na lang kinaya kong ubusin kanina maganda pagkakaluto malambot ang laman. π Sige tulog na ako bye. π΄
Good Morning Boys and Girls... π Pamankin ko nga pala sinend sa akin ng pinsan ko ang cute kapag nakikita niya yung timplang gatas. Madaldal siya oh daming sinasabi di naman naintindihan nakakawala pala ng stress... π
Good Evening Boys and Girls... π Galing kami sa bagong bukas na D. I. Y. na store sa dating HBC grabe ang laki ng loob nakakahiyang kuhanan ang loob. Nagikot-ikot kami ng mama ko sa loob at bumili ng lagayan ng asukal, kape at fast charger USB. Pag dating namin sa cashier nakita namin yung lobo kaya nagpaalam kami kung pwedeng kumuha ng lobo para ibigay sa kapatid kong magbibirthday next week pumayag naman kaya kumuha ako. Pahirapan pang makalabas kanina dahil mayβ¦
Good Night Boys and Girls... π Matagal ng sarado yung third eye ko pero nung na-vaccine ako madami na akong nakikitang kakaiba minsan paiba-iba. Hindi naman siguro side effect ng gamot ito? π€ Anyway itutulog ko na lang ito... π΄
Good Afternoon Boys and Girls... π Ngayong sabado pumunta kami ng mama ko sa simbahan para celebrate ang Feast of Mama Mary. Habang kami ay nandun isang kumakanta sa simbahan ang nawalan ng malay kaya agad pinuntahan ng mama ko para hilutin. Ang sarap sa pakiramdam nagsimba ka na, nakatulong pa. π
Good Evening Boys and Girls... π Kanina pagkatapos namin magsimba pauwi na kami ng may nakita akong kabayo kaya bumaba muna kami at nagpapicture kay mama salitan kami. Takot akong lumapit dahil baka tadyakan ako. π Ang saya parang pangitain na tuloy-tuloy ang magandang buhay... π
Good Afternoon Boys and Girls... π Kumain kami sa labas para I-celebrate ang wedding anniversary ng tita ko pero bago yun nag punta muna kami ng simbahan. Dahil malapit na birthday ng kapatid ko pinabless na namin sa pari. Happy Sunday Everyone... π
Good Evening Boys and Girls... π Shoutout sa mga nanunuod ng KMJS ngayon. Grabe di ko napansin dahil tinapos ko pa yung first episode na pinapanuod ko sa Netflix kaya medyo late na. May pasok na bukas kaya start na ulit ng busy. Challenge Accept... π
Good Afternoon Boys and Girls... π Di ako active kanina dahil busy pa sa work ngayon pa lang ako nagkatime dahil lunch break namin. Anyway guys dumating na yung order ko sa Lazada mamaya ko I-unboxing sa ngayon mystery box muna siya mamaya pagkauwi ko sa bahay. π
Good Evening Boys and Girls...π Ngayon po ay nag unboxing na ako ng item na inorder ko sa Lazada. Isang USB ATMOSPHERE Light ang ganda pati nung blue parang nasa galaxy ka. Pwede mo siyang ibahin ng filter pwedeng hiwalay at pwede rin ng dikit wow amazing right. Nagkaroon ng buhay ang mga dingding. πππ»Guys, habang sales pa sa Lazada umorder na kayo. π
Good Night Boys and Girls... π Mag share sana ako ng kwento pero inaantok na ako medyo mahaba din yun pero naiisip ko bukas na lang dahil malapit ng mag 12:00 maaga pa akong papasok bukas. Bukas magkukwento ako promise sa ngayon kasi inaantok na ako pumipikit na mata ko kaya good night na ulit guys... π΄
Good Evening Boys and Girls...π Pasensya na kung hindi ako nakapag kwento kanina dahil puro meeting kami kanina nag assist ako sa Boss ko natapos din kaya ngayon saktong pag uwi ko may nag live selling ng stuff toys tamang-tama dahil pang regalo ko sa aking kapatid. Akalain mo yun nandito na agad sa bahay ang bilis nakita na tuloy ng kapatid ko kaya di ko na nabalot. Sa September 23 pa birthday niya. π
Good Morning Boys and Girls... π Ngayong araw ay celebrate namin ang birthday ng aking katrabaho napakaswerte niya may agency na nagpakain sa amin ng Jollibee pero magpapakain din yung katrabaho ko mamayang tanghali. Mukhang busog lusog kami mamaya neto... π
Good Evening Boys and Girls... π Kaninang tanghali pa ito late ko ng napost dahil may inaasikaso lang ako para sa Birthday ng kapatid ko bukas. Kanina birthday din nung katrabaho ko kanina kanina nagluto sila ng Tinola at nag pameryenda pa ng squadballs and kikiam tapos ginawa nilang sisig medyo ok naman yung lasa kinulang lang sa mayonnaise. π Inulan pa ako kanina pauwi buti na lang may data ako at nasundo ko pa mama ko nag punta pala sa mall kaya parehas kaming inulan.π
Good Morning Boys and Girls... π Sabayan niyo po akong kantahan ng Happy Birthday ang aking kapatid. Gumising pa kami niyan kaninang 12am para salubungin lang pero natulog din kami after, umaga na namin kinain yung cake at mamayang Hapon maghahanda kasi dinaanan ko muna yung kapatid ko sa simbahan bago ako pumasok sa work. π
Good Afternoon Boys and Girls... π Kanina palang umaga nagluto ako ng almusal late ko ng naupload dahil inuna kong ipost yung sa birthday ng kapatid ko. Nag sangag lang ako ng kanin at sinahugan ng squadballs at kikiam. Nilagyan ko na rin ng kunting sili para pampagana. π
Guys, napanuod niyo na po ba yung Squid Game sa Netflix? Kung hindi pa panuorin niyo na po para ma gets niyo po kung ano po itong pinost ko. Sumabay lang po ako sa nauusong memes sa social media yung honeycomb po tapos may nakalagay na shape kailangan niyo pong matagal yung shape ng hindi nasisira. Gumawa din ako ng memes ko si Jollibee. π
Good Night Boys and Girls... π Opening na bukas ang Mall dito sa amin napadaan kami dahil naghahanap kami ng pizza kaso sarado na kaya try namin sa ibang lugar kung may mabibilhan pa. π Naabutan ko silang nagtatayo ng White Christmas tree wow ang dami ding tao ang na doon at nagpipicture. π
Good Morning Boys and Girls... π Kain po kayo ng pizza. Kagabi pa po ito pero hindi namin nakain kaya ininit na lang ngayon sa oven. Mamaya punta ako sa bagong bukas na mall. π
Good Evening Boys and Girls... π Nakapasok na po ako sa loob ng opening ng mall. Grabe medyo madaming tao mga window shopping nga lang. Sayang hindi ako nakaabot sa first 100 na free milktea with tumbler. Babalik na lang ako bukas para makabili ngayon kasi tingin-tingin muna. π
Good Morning Boys and Girls...π Kain po tayo ng umagahan meron po kaming itlog na pula. Bigay sa amin ng kapitbahay namin regalo daw sa aking kapatid na nagbirthday nung Thursday. Masaya dahil nagkaroon ng laman ang aming ref char. Papunta kaming mall mamaya para mag groceries ngayon as ikaso muna kami.π
Good Evening Boys and Girls...π Kakauwi lang galing sa galaan sa mall sabi ko nga window shopping lang pero napabili pa din ako. Nagpanggap pa akong statue sa mall pero social distancing pa din.π€£ Kasama ko si mama at yung kapatid ko akala ko nga sasabay lang sa akin papunta dun at may sariling lakad naman ako pero mga nakabuntot sa akin kaya hindi ako makasolo.π
Ang init mali yung binigay nilang advisory na temporary brownout sabi 8:30am to 9:30am bale 1 hour lang dapat pero inabot na ng tanghali. Nakasimba na kami dapat di pala muna kami umuwi. π
Good Afternoon Boys and Girls... π Pasensya na kung ngayon lang ulit nakapagpost dahil hindi pumasok yung kapartner sinolo ko ang trabaho pero carry naman dahil kunti lang client. Ngayon pala ay family day kaya mga 3:30 lang kami sa office. Ito nga pala yung selfie ko sa milktea sa bagong bukas na mall dito sa amin hindi ko naabutan yung buy 1 take 1 kaya nag selfie na lang. π
Good Evening Boys and Girls... π Happy Family Day To All. Lagi kong kasama mga magulang at kapatid ibig sabihin lagi kaming nag celebrate?π Anyway, lumabas pa din kami para mag bonding at ayun kumain kami sa food court pero magkakahiwalay nga lang ng upuan dahil sa social distancing pero enjoy naman kami. π
Good Morning Boys and Girls... π Late morning na nakapagpost kasi may trabaho pang tinatapos medyo hard ang trabaho ngayon dahil sabay-sabay yung task na pinapagawa madami nga kami pero di talaga sapat. π
Good Evening Boys and Girls...π Nga pala meron akong ipapakita sa inyo, isang mini helicopter na bilog at yung design niya ay hango sa larong tawagin nating pacman mga nilalaro dati sa mga video games ngayon ay iba't-iba na pwede muna malaro sa cellphone at sa PC. Balik tayo dito sa sinabi kong mini helicopter, rechargeable siya pero yung remote niya kailangan ng AAA batteries mga tatlo. Nakaka-enjoy pwede mo siyang i-control sa kamay mo para hindi niya ma-touch yung floor.β¦
Good Morning Boys and Girls...π Medyo walang clients ngayon dahil sa October mag start yung ECQ sa aming lugar inaalam pa namin kung may pasok. Nag advance na rin ako ng bayad sa aking motor kasi baka tumaas kapag hindi nabayaran ng October.
Good Afternoon Boys and Girls...π Kunting oras na lang at kami ay magsisiuwian na sa aming mga bahay galing sa trabaho. Keep safe mga ka-noise dahil yung nakatira sa katabing building namin namatay kaninang umaga nakakagulat hindi pa alam kung ano ang sanhi ng ikinamatay dahil biglaan daw. Yung katrabaho ko na nakaboard sa amin natatakot na. π
Good Evening Boys and Girls... π Kanina nawala ko yung Work ID ko kailangan ko pa naman iyon dahil MECQ sa amin start na bukas at kailangan may maipakita ako kapag papasok ako ng trabaho, buti na lang at may nakakita ng Work ID ko at nag message sa aking messenger, nakita daw niya sa tapat ng bahay nila sa gate malapit sa highway. Kukunin ko sana kaso umalis daw siya at wala sa kanila ngayon bale bukas ko daw makukuha. Medyo nakahinga ako ng malalim dahil iniisip ko na bakaβ¦