Good Evening Boys and Girls... 😉 Galing kami sa bagong bukas na D. I. Y. na store sa dating HBC grabe ang laki ng loob nakakahiyang kuhanan ang loob. Nagikot-ikot kami ng mama ko sa loob at bumili ng lagayan ng asukal, kape at fast charger USB. Pag dating namin sa cashier nakita namin yung lobo kaya nagpaalam kami kung pwedeng kumuha ng lobo para ibigay sa kapatid kong magbibirthday next week pumayag naman kaya kumuha ako. Pahirapan pang makalabas kanina dahil may nasasalubong kaming bata parang gusto kunin yung mga lobo. Pero nakauwi na kami at ayun tuwang-tuwa yung bata kitang kita sa ngiti niya na masaya siya syempre nung bata ako tuwang-tuwa din ako sa lobo. 😂 Kaya dalawa yung lobo kasi sa akin yung isa. 😅 Kamusta kayo guys? Ang bilis ng araw Friday agad. 😂
No comments yet